I know she wished na hindi na bumalik ang memorya ko. I can't control what it's meant to happen.

Kahapon nga lang ay may memorya na naman akong naalala galing sa katawan na'to. Araw-araw may memoryang bumabalik sa akin na hindi ko na inabala pang sabihin kay Sally dahil baka e-report kaagad niya ito kay daddy.

All I can say is that Luna's world is much darker than mine, I guess. She's been blaming herself for not having any attunement for all her life.

She locked herself in the dark and that made her obsessed with training. Hoping she can take out her attunement if she tortures herself.

What a pity.

I guess I need to accept the fact that I am a powerless human. Hindi rin naman basehan ang kapangyarihan sa labanan. Nasa techniques ito at diskarte ng tao.

I can kill with all the learnings that I've learned in my Mafia life. In the past, people in Mafia society called me a walking weapon. Like a soldier.

Narating na nga namin ang paaralan. Naglalakihang gusali kaagad ang nakita ko nang makapasok kami sa main gate.

"Whatever happens to you in here Miss Abi, remember that don't reveal to anyone that you are a Quinn. Never." Payo niya pa sa 'kin.

Tumango nalang ako sa sinabi niya atsaka bumaba na. Bumaba rin siya at kinuha niya ang maleta na nasa loob ng sasakyan. Puma-una na siya sa 'kin na hila-hila ang maleta kaya mabilis ko itong binawi sa kaniya.

"Akin na! Ako na,"

"Wag na! Ihahatid kita mismo sa dorm mo." pagpipilit niya.

"Hindi na nga, ako na! Hindi na ako bata pa Sally," inagaw ko muli ang maleta sa kaniya.

Tumayo naman siya ng tuwid tsaka ako tiningnan ng seryoso.

"Bakit? May dumi ba ang mukha ko?" takang tanong ko ng tinitigan niya lang ako sa mukha.

"Hanggat maaari wag mong sugatan ang katawan mo Miss Abi. Wag kang magpapalipas ng gutom at siguraduhin mong kakain ka rin sa tamang oras. Wag mo masiyadong e-stress ang sarili mo kung sa tingin mo'y nahihirapan ka na sa mga lessons niyo. At wag—"

"Tama na, Sally. Kaya ko na ang sarili ko, okay? You don't need to worry. Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka pauwi." Isang malambing na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.

Nakita ko naman na natulala siya sa ginawa ko. Hindi ko na iyon inabala pa at nagsimula nang maglakad.

Siguro'y hindi gawain ni Luna ang bagay na 'yun kay Sally kaya gano'n na lamang ang pagkagulat niya.

But what can I do, I am Gianna Abigail and not Luna Abigail. Magkaparehas man kami ng pangalan ngunit magkaiba naman kami ng ugaling kinalakihan.

Now that I've realized.

Maaring wala ako sa future? O maaari rin na nasa future talaga ako. Baka naman nasa ibang dimension ako ng mundo. Ang weird lang kasi, parehas kami ng surname, so kung nasa future man ako ay maaaring kamag-anak ko lang ang pamilya ni Luna.

Besides, hindi ko pa rin malimutan ang lolo ni Luna na kamukhang-kamukha talaga sa totoo kong ama.

Iniling ko na lang ang ulo ko sa bagay na iyon. Sa ngayon kasi ay wala pa akong magagawa sa bagay na 'yun.

Naglakad na ako papunta sa admission office. Kailangan ko pa kasing kompermahin ang kwarto na kinabibilangan ko. Kailangan ko ring hingin sa kanila ang susi nito.

Marami nang mga estudyante na naglalakad din katulad ko. Pumunta ako sa bulletin board kung saan nakapaskil ang blueprint ng buong paaralan.

Medyo madaming estudyante ang nandito kaya nahirapan akong pumunta sa may unahan para makita ko ng mas mabuti ang blueprint.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now