End

73 3 2
                                    


Kael

"Kavin Eliseo?" sabi ng babaeng kalapit ko habang parehas naming tinitignan ang listahan ng aming pangalan na naka paskil sa labas ng room

"Kael nalang" Nakangisi kong sabi dito

Napa tingin naman sya sakin at bago pa man ako makapag usap ulit ay may tumawag na sa kanya

"Everley, tara na. Baka mawalan pa tayo ng upuan sa loob."

Tinignan nya muna ulit ako saglit bago sumunod sa taong tumawag sa kanya.
Nang mawala na sya sa tabi ko ay tinignan ko ulit ang Listahan ng mga pangalan at hinanap ang pangalan nya

Everley

Everley

Everley

Ayun, katabi lang pala ng pangalan ko.

I bet she'll be my seatmate if may mga prof na gustong naka alphabetical ang magiging upuan namin..

At hindi nga ako nag kamali, karamihan sa mga subject namin at mag katabi kame.

Ngayon ay nakikipag kulitan ako kay Kris at Logan nang bigla nya akong tawagin

"hoy Kael"

"bakit?" tanong ko dito.

"ang ingay mo" sabi nya bago ako irapan.

"ba't ako lang sinisita mo eh ang ingay ingay din naman nila Kris" naka simangot kong sabi dito

"eh basta" pag tataray nya bago yumuko sa kanyang desk

"dun na nga kayo, Matutulog ang prinsesa" pag tataboy ko kila Kris

"prinsesa ang putek" natatawa pang sabi ni Xen, jowa ni Kris na kababata din ni Eve.

Dahil maliban sa pagiging mag katabi sa upuan, sila din ang naging dahilan kung bakit naging close kame

They kept their relationship a secret tho.

At ganon din ang ginawa ko sa maliit na pag hanga ko sa kanya.

Akala ko ay crush crush lang ang nararamdaman ko para sa kanya nung una. Not until sumali sya ng pageant nung nag second year college kame kung saan ka partner nya si Timothy, Isa sa mga kaibigan ko.

Sobrang ganda nya.

Kung paano sya ngumiti sa mga taong na nonood

Kung paano sya sumagot sa mga tanong ng judges.

Duon palang kuhang kuha nya na ako.

Pero parang hindi lang ako ang tinamaan nung mga sandaling yon, dahil kitang kita ko kung pano kuminang ang mga mata nya kapag napapatingin sya sa gawi ng kaibigan ko.

Teka, gusto nya ba ang kaibigan ko?

Gusto nya ba si Timothy?

Iyan ang tanong na pilit bumabagabag sakin kahit sa pag tulog.

Tangina, anong laban ko don? Timothy na yon

Nasasabi ko nalang sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin sa kaibigan ko.

Ako itong kalapit mo pero kung saan saan pa lumalandas yang mga mata mo.

Kaya sa kagustuhan kong makuha ang atensyon nya ay pakunwari akong humihingi ng pagkain mula sa kanya.

Sa ganong paraan ang salubong na kilay nya at naka busangot na mukha ang bubungad sakin pag haharap sya sabay abot ng kinakain nyang pagkain

"oh, wag mo ubusin ha, favorite ko yan" sabi nya pa kaya palihim nalang akong napapangiti dahil sawakas, naagaw ko din ang atensyon nya mula kay Timothy.

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now