"Wait, wait, wait. Galit ka ba at hindi kita tinawagan the past few days, ha?"

Nagtanong pa! "Ako, galit? 'Di, ah. Ba't naman ako magagalit? Ang sa akin lang naman, ano ba naman 'yong mag-text ka kahit isang beses man lang, 'di ba? Ano ba naman 'yong sabihin mong 'hoy, gaga! buhay pa ako, 'wag kang mag-alala?' Kalabisan ba 'yon masyado, ha?"

"So you're worried about me?" At base sa boses nito ay tila natutuwa pa ito.

"H-hindi, ah. Ano lang kasi. Ano..."

"Aminin mo na. Worried ka!"

Parang nai-imagine na niya ang nakakaloko nitong ngiti. Iyon bang tipong nang-iinis.

"Anong worried? Worried ka diyan! Di, ah!" ang defensive niyang sagot. 

"Nag-deny pa. Obvious naman." Tumawa ito ng malakas.

"Obvious-in mo 'yang mukha mo! Conceited!" aniya bago pinutol ang tawag. Di niya alam kung saan siya mas naiinis. Dito, dahil tila pinagkakatuwaan siya nito? O sa sarili niya dahil 'di niya magawang itago ang damdamin niya para dito.  

Muling nag-ring ang kanyang cell phone na bahagya pa niyang ikinagulat. Si Ram uli. Tinitigan lang niya ang screen, nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Baka kasi mula lang siya nitong kakantyawan.

Matapos ang isang minuto ay hindi rin niya ito natiis.

"Ano na naman?" aniya.

"Why did you hung up on me?"

"Wala ka naman kasing kuwentang kausap."

"So wala na palang kuwenta ang pagsasabi ng totoo ngayon, ha."

"Manghuhula ka ba, ha, at alam mo kung ano ang nararamdaman ng ibang tao?"

"Di ko kailangang maging manghuhula para mahulaan kung ano ang nasa isip mo."

"Ah, talaga, ha? Sige nga, hulaan mo kung anong nasa isip ko." Umayos siya ng upo sa iababaw ng kama habang yakap-yakap ang isang malaki at malamot na unan.

"Well, let me guess. Una, you're worried if I'm okay. Iniisip mo siguro na baka kung ano nang nangyari sa'kin dito at 'di kita matawagan. Secondly, you're worried that I had changed my mind on marrying you. Natatakot ka siguro na tuluyan nang nagbago ang isip mo at 'di na kita papakasalan."

Nanlaki ang mga mata niya sabay takip sa bibig niya gamit ang isang kamay. Pano nito nalaman? May psychic power ba ito o talagang saksakan lang ito ng bilib sa sarili?

"Bingo! Right?" narinig niyang muling wika nito sa kabilang linya.

"H-hindi, ha!" aniya nang nakabawi.

"Liars go to hell, Hana!"

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon