Chapter Ten: Flashback May 31

183 4 0
                                    

(Namiss ko sya ng very light kaya nagdaydream ako. This is one of my most unforgettable moment with him. Yiehh! Kilig matts!)

Saturdate I guess. Dayoff ko. Masyado ba kong malandi kung aaminin kong ako ang nagrequest na magdate kami? Hindi naman siguro noh? Boypren ko naman xa. Teka teka bat ba ko nagpapaliwanag? Haha. Tsaka hindi ko na din maalala kung sino ba ang nag insists sa date namin. Hayaan nyo na. Kung malungkot yung May 23 na yun para sakin ngayon naman masaya. Nagsimba muna kami. Kwentuhan kahit asa loob ng simbahan. Mga pasaway. Hahaha. Isa pa kaya ako masaya kasi natupad lang naman yung isa sa mga little dreams ko. Actually kinalimutan ko na nga yun eh. Narealized ko lang nung nangyare na. Tapos kinuwento ko sa kanya.

"Bebe isa to sa mga little dream ko. Mapanuod ang sunset tapos kung sino yung kasama kong manuod eh xa yung destiny ko. So ikaw pala yun.." nagdedaydream kong sabi while watching that sunset. Pero alam nyo sagot nya.

"Sus naman. Destiny. Walang destiny. Nasa tao lang yun. Choice yun. Tsaka nagkataon lang na ako ang isinama mo dito." panira ng moment.

"Basta. Bat ka sumama? Nangyare to kasi ito ang mangyayare. Hayaan mo na nga yun.. " tapos yun ipinatong ko na lang yung ulo ko sa balikat nya. Nakuntento na lang akong manuod ng sunset ko. Nagselfie na din kami. Strike one.First picture together. Stike two. First date namin. Nung pagabe na nagpunta naman kami sa Sm. Namasyal lang tapos nung magutom kumain kami sa McDonald. Oh diba. Ansaya. Strike three. First dine out together kahit sa daan na namin kinain yung natirang french fries at mcfloat. 9pm na nung makauwe kami. Pababa na ko ng tricycle tapos ayun goodbye kiss sa lips. Smack lang naman. Odiba? Strike four. First kiss. O xa tama na sa strike strike na yan at baka matamaan na ko. Hihi. Basta masaya talaga. It's just perfect.

It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon