Chapter Three: Unofficially official

342 8 0
                                    

Unofficially pero officially na para sakin. Gulo lang ng isip ko. Hahaha. Nagiloveyouhan na kasi kami. Ewan ko nga ba. Wala namang ligawan na nangyare. Basta alam namin sa sarili namin na kami na. Whirlwind relationship yun ang right word. Pero wala na kong pake dun. I just love him. Simply love him. It doesn't matter naman diba? As long as you love the person edi go. It's our choice. Choice nating magmahal. And this is my choice, ang mahalin xa. I love the way I love him. Pero bilang human being we tend to have imperfections. I admit at first hindi normal yung relationship namin. Hindi normal yung simula ng lahat. Eh ano bang magagawa ko? Love strikes. Knowing me kung gaano ako kabilis magkacrush ganun din ako kabilis magmahal. Dala na din siguro ng katagalan kong single, namiss ko bigla yung feeling na may someone na nagmamahal sayo. Yung someone na nagpapahalaga sayo. Dahil nga hindi healthy yung simula ng lahat kaya ang ending dumating yung first sad monthsary namin ever.

Akala ko kasi puro saya lang. Minsan kasi demanding ako. And I know na mali. Mali na maramdaman ko yun. Pero lang kasi this day was supposed to be our first monthsary eh so nagassume ako na lahat ng first dapat maging maganda. Pakiramdam ko magisa ako. No. Literal na pakiramdam nga kasi nagcelebrate akong magisa. Nakakalungkot syempre nagassume ako ng bongga eh. 9pm. Out na kami. Excited pa ko kasi diba nga first monthsary syempre nasa utak ko susunduin nya ko. Mega tawag ako. Hanggang sa nangungunot na yung noo ko kasi halos 23 million times na kong tumatawag sa kanya pero hindi man lang nya sinagot until tumigil na ko. Dumating ang 10pm andun pa din kami nung mga kaibigan ko nakatambay sa labas. Umiiyak lang naman ako. I was so vulnerable and sad that night. Tulo lang ng tulo ang luha ko.

"Be tama na yan. Umuwe na tayo. Sabi naman kasi sayo wag mo xang mahalin agad. Magtira ka para sa sarili mo. Tahan na.. " si Gilian coworker ko slash bestfriend na din. Pinunasan nya yung luha ko. Mas lalo lang akong nalungkot. Nung mahimasmasan ako saka ko pa lang naisipang umuwe.

"Sige. Uwe na tayo.. " walang kabuhay buhay kong sabi kina Richel at Gilian. Parang namatayan lang. Pwede din. Namatayan ng puso. Odiba? Witty ko dyan. Pagtalikod ko super cry na naman ang peg ko. Hindi makontrol ih. Numero unong iyakin talaga ko. Parang ako lang yung nasa mga teleserye sa tv. Mabagal na nalakad habang umiiyak. Kahit pa nga may kasalubong akong lasing deadma lang. Hindi ako natakot. Lakad lang ako habang nagpupunas ng sipon at luha. Odiba pang famas lang ang drama ko. Assume hurts kasi talaga. Hanggang sa makauwe ako masama ang loob ko. At puro negativity ang laman ng utak ko. Na baka hindi nya talaga ko mahal o kaya joke lang sa kanya ang relationship namin. Blah blah blah. Kahit nakahiga na ko hindi ko pa din magawang matulog. Kaya naisipan kong tawagan ulit xa. Tatlong tawag bago nya sinagot. Intro pa lang naiiyak na ko ulit. Ano be yen.

"Ka-kanina pa ko tawag ng tawag sayo hindi mo sinasagot. Happy first monthsary ha? Hindi mo man lang ako sinundo.. " and then boom. Bumagsak si luha ko.

"Madami pa kasi akong ginawa. Same. Sana maintindihan mo naman.." sagot ni Mel sa malungkot nyang boses.

"O-osige. Iintindihin ko na. Goodnight. Tulog na ko. Iloveyou.. " malungkot na sagot ko na lang. Such a lonely night. Akalain mo yung feeling na magcelebrate magisa. Great. Kaboom. Pero dahil mahal ko xa kahit masakit go lang. Iintindihin ko pa din xa. Hayy. Malalim na buntong hininga.

It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon