Chapter Nine: Happy Fifth

164 4 0
                                    

Fresh na fresh ang eksenang to. Paano eh kahapon lang. We celebrated our fifth monthsary. Yess naman. Ansaya saya. September twenty third. One o'clock pa lang umalis na ko ng bahay. Excited much. Sabagay lagi naman akong excited makita xa. Wala na kong maisip na ibigay kay Mel pero yung kapatid ko binigyan ako ng idea. Sabi nya bumili daw ako ng bench bath yung tuwalyang maliit lang tapos paburdahan ko daw ng pangalan namin. Boom idea. Haha. Kaya eto ako ngayon. Nasa bench at naghahanap ng bench bath. Shoot. Nakakita na ko. Violet pa. Favorite color ko pa. Dalawa binili ko para tig isa kami. Tapos pagkabayad diretcho na ko dun sa burdahan ng pangalan. Mel and Sherrie ang naisipan kong ipalagay. Grabe mahal. Five pesos ang isang letter. 55 + 55= 110 + 75 + 75= 260 + 24.50= 274.50. Nak ng tofu. Bench bath tapos burda lang tsaka paper bag na maliit. Haha. Sabagay. Kaya bang mabili ng 274.50 na yan ang happiness ko? Hindi naman diba? Sa simbahan ang meeting place namin. The usual. Hihi. Center of our relationship namin si God. Sobrang thankful ako kasi He gave Mel to me. Nakakagulat lang kasi may misa dahil may patay. Tatlo yung patay actually. Condolence sa kanila. Umupo lang ako sa kabila.Baka akalain nila kasama ko. Nakablack kasi akong damit. Nakinig na lang ako sa misa. Inilagay ko yung bench bath sa loob nung small na paperbag na binili ko. Magtotwo ng hapon nung dumating si Mel. And then yun nakared xa tapos dala yung gift nya sakin. Hulaan nyo kung ano. Hihi. It's a bear again. Yun naman talaga gusto ko kay Mel ko. Kung mahilig ako magregalo xa ganun din. Nakakagulat. From a guy na hindi sweet turned into a sweet guy. Oh diba? Pakiramdam ko nagbabago na xa dahil sakin. Sarap sa pakiramdam. Hindi ko sinabing magbago xa. He did it kasi yun ang choice nya. Gusto nya. Hindi dahil sinabi ko. Hayy. Nagkwento na naman ako ng kung anu ano sa kanya. Syempre mas ako ang makwento saming dalawa. Xa medyo silent type. Haha. Binigay ko na yung gift ko for him.

"Yey. 5 months na tayo.." sabi ko.

"Oo nga eh.." Napatingin ako dun sa guy na naiyak dun sa may kabaong.

"Kakaawa naman xa. Ayaw kong mamatay. Natatakot akong mamatay be.." nalulungkot talaga ko pag nakakakita ng eksenang ganyan.

"Lahat naman tayo dyan ang punta." sabi ni Mel habang nakatingin din dun sa mga umiiyak.

"Oo nga pero be ayoko pang mamatay. Madami pa kong gustong gawen. Bakit ba kasi nauso pa mamatay.. "

"Di dadami na ang tao sa mundo. Ako naman gusto ko kung mamatay ako yung hindi ako masasaktan.."

"Ako din. Pero sana kahit 99 years old ako be. Siguro yun nagawa ko na lahat.."

"Naku hindi ka na aabot ng 99. Mataba ka kasi.." aba. Laitin ba ko. Haha. Tapos tawa pa ng tawa.

"Agad na be. Healthy kaya mga kinakain ko. Mahilig ako sa gulay at sa gatas noh.." Blah. Blah. Blah. Madami pa kaming kwentuhan. Nagyaya lang ako nung nahimatay yung babae sa harap namin. Ayoko kasi nung nakakakita nung mga ganyan. Tapos may batang sumabay samin. Nagbebenta ng sampaguita.

"Ate bili kana. Tatlo bente.." Sabi nung bata. Naawa naman ako.

"Sige na nga. Ilagay mo yung isa tapos ibenta mo na ulit yung dalawa. Babye.." Tatambay sana kami ni bebe sa plaza pero mainit walang maupuan kaya nag sm na lang kami. Bagong bago. Haha. After 23 million years nakarating kami sa sm. Haha. Traffic kasi. Super. Naikot lang kami tapos nagaya akong kumain.

"Be tara kumain.." sabi ko habang nangingiti kasi magkaholding hands ulit kami. Ewan ko ba. Matagal na naman kaming naghoholding hands pero kung kiligin ako wagas. As if ngayon lang kami nagholding hands. Hihi. Ganun talaga.

"Treat mo?.."

"Osige.." napasubo ata ako dun. Haha. Okay na. Ako naman nagyaya. Di ako taya. Nagcr lang kami. Tapos yun pumunta na kami sa pambansang kainan namin. McDonald's. Hihi. Dahil alam ko na ang favorite nya. Di pinaghanap ko na lang xa ng upuan. Grabe. 23 trillion times bago ako nakaorder. Bagal kasi nung service nila. Daming tao din kasi. Nung matapos makaorder bumalik kasi ako dahil wala yung sundae ko. Hayy. Bingi ata yung cashier. Tapos dalawang coke pa ang iniligay. Ayokong mabadvibes kasi monthsary namin. Then yun masaya na kaming kumain. Nasira lang nung buksan ko yung topic tungkol dun sa ex nya.

"Ilan na naging gelpren mo be?.." simula kong tanong. Tumawa lang xa. Nagtanong ulit ako.

"Osige ilan na lang yung pinakamatagal mong relationship?."

"One year siguro.."

"Ahh. Malalampasan pa natin yun.." dito pa lang napapatahimik na ko.

"Nakikipagbalikan nga sakin yun.. " nalungkot ako bigla sa sinabi ni Mel.

"Bakit hindi mo balikan?.." medyo nakasimangot na ko.

"Ako kasi yung tipo ng tao na hindi na bumabalik pag naghiwalay na.." sabi ni Mel. Tapos yun. Mas pinili ko na lang tumahimik. Hanggang ngayon nagkakachat pa sila. Ayoko mang aminin pero nagseselos ako. Normal lang naman yun diba? Kahit alam kong wala akong dapat ikaselos dahil alam ko namang mahal nya ko pero ewan ko ba.

"Oh bakit tumahimik ka ata?.." tanong ni Mel.

"Ahh wala.." tapos binuhos ko na lang ang pagkain ko sa sundae ko. Silence. Walang imikan. Tapos nagsalita ulit si Mel.

"Tingnan mo yun.." tumingin naman ako sa ininguso nya. Isang babaeng naglilipstick.

"Katulad mo mahilig din sa lipstick."

"Ahh. Hindi naman.." Hindi daw pero kinuha ko yung lipstick ko at naglipstick sa harap nya.

"Ano ayos na.." Tapos naglipstick ulit ako. Tumango lang xa. Hanggang sa naglalakad na kami. Hindi ako naging sweet. Magkasabay na lang kami maglakad.

"San tayo?.." tanong nya.

"Dyan na lang sa hagdan.." May nadaanan kaming kotshe.

"Ganda nung kotshe oh.." sabi nya."Ahh. Ganyan din yung amin. Pinakulayan lang ng red.."

"Bat hindi ka magaral magdrive?.." tanong ni Mel.

"Sus. Wag na baka mamatay ako. Wala ng magmamahal sayo ng sobra.."

"Weh. Ikaw may sabi nyan.." Andito na kami sa hagdan tapos umupo na kami. Wala na ulit imikan. Hindi ako sanay. Bat ba kasi ako natahimik? Ayan tuloy hindi na din xa umiimik. Hanggang sa mabored ako. Tinext ko na lang xa. Katabi ko na nga lang xa tinext ko pa. Baliw lang. Hindi na ko nakatiis.

"Uy bakit ang tahimik mo?.." Nakatingin xa sa Kenny Roger's.

"Sarap nung manok oh.." sabi nya.

"Ano kakakain lang natin. Gutom ka na agad?.." Tawa lang xa ng tawa.

"Masarap lang tingnan.."

Exactly 6:00pm, inihatid na nya ko sa bahay. Syempre pa hhww! At ang sweet na goodbye kiss.

It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon