Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

PROLOGUE

241K 4.4K 733
                                    

PROLOGUE


Dear Diary,

I am a liar.

Well, not really. Hindi talaga. Ngayon lang. I'm just keeping something to myself... something na usually ay ikinukwento ko sa best friends kong si L and J.

Everyone who knows me knows that I can't keep everything from them. It was true. Totoong-totoo talaga kahit na mahirap tanggapin na napakadaldal ko pagdating sa kaganapan sa buhay ko. Ganun ako. Sabi nga nila napaka-transparent ko. Akala ko ang galing-galing kong mag-pokerface!

Shemay! Hindi naman pala! Nakakaiyak!

Well, anyway... Totoo ang lahat ng iyon... until I saw him.

Again, not really. Rephrase ko lang. It was until I met him for the third time.

Masaya sanang ikuwento iyon sa best friends ko. Kasi parang nasa movie lang ako! Parang nagbabasa lang ako ng isang romance novel na may kakaibang 'meet-cute!' Pero hindi e. Malabo at mahirap. Naging kaibigan ko na rin naman siya... Ano pang saysay? Ang hirap din kapag nakaabot pa sa kanya. Nakakahiya!

Awkward din!

Bakit?

Kasi itong lalaking gusto ko? May gusto rin siya sa best friend ko. Tapos yung best friend ko naman? Wala namang pakialam e. Manhid yun... pagdating sa kanya. Kasi yung best friend ko? Masasabi kong wala ng pakialam sa tingin sa kanya ng ibang lalaki. Paano ba naman, kasal na siya sa kaisa-isang lalaking minahal niya!

Swerte diba?

Pero masakit yun para sa lalaking gusto.

Malas naman para sa akin.

Kasi naman, sa lahat ng lalaking nandito sa mundo... Bakit siya pa?

Kaya napag-desisyunan ko na rin na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko siya pwedeng kalimutan kasi halos palagi namin siyang kasama ng mga pinsan niya. Kaya tatanggapin at titiisin ko na lang maging kaibigan niya. Mabait naman siya at masayang kasama.

Hindi naman siguro ganun katagal ang paglimot sa feelings 'no?

Naisip ko ring marami rin namang lalaki sa paligid ko. I just need to find someone na magugustuhan ako at magugustuhan ko rin.

Yung lalaking pipiliin ako.

Yung ako lang ang nasa puso't isipan.

Ay! Bahala na! Pasensya ka na, Diary. I'm not making sense anymore. Hayyy... Nakakainis kasi! Kung hindi lang fifth wheel sa date kanina ng dalawang pares ng lovers, hindi ako magda-drama ng ganito! Nakakainis na nakakaiyak!

Kung hindi dahil dun, hindi ako mapapaisip ng mga bagay-bagay na dapat kinakalimutan na! Mga bagay na hindi ko na muna pinag-iisipan dahil may business plan pa akong dapat pagtuunan ng pansin! Hindi na dapat ako nag-iisip ng mga tanong at hindi ko na rin dapat ino-overthink ang mga sagot nito.

Bakit masaya na sila?

Bakit wala pa akong boyfriend?

Bakit di ko pa siya nakakalimutan?

NBSB na lang talaga ako?

Magiging tapag-alaga na lang ba ako ng babies ng best friend ko?

Magiging single na lang ba ako forever?

Dapat ko na bang umpisahan mag-ampon at mag-alaga ng pusa?

When will I find the right guy for me?

When will this right guy find me?

Kailan ba ako? Next na ba ako?

Lord, when will it be me?

- Kim

When Will It Be Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon