Alam niyang darating si Clarence. Alam niyang may maganda itong dahilan kung bakit ito na-late sa usapan nila.

Wala siyang pakialam kung anuman ang isipin ng mga nakakakita sa kanya. Wala siyang pakialam kahit na mukha na siyang basing sisiw. Ilang beses na siyang pinuntahan ng guard upang papasukin, ngunit sa tuwina ay tumatanggi siya. Gusto niyang kasama si Clarence kapag papasok siya doon.

"Nicolette..."

Hindi niya maipaliwanag ang tuwang lumukob sa kanyang puso ng marinig ang tinig na iyon. Dahan-dahan niya itong nilingon. Hindi nga siya nagkakamali. It was Clarence. Ngumiti siya. Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng luha. Sumabay iyon sa ulan na pumapatak sa mukha niya. Sa sobrang tuwa ay hindi na niya napigilan ang sarili at tumakbo siya palapit dito at mahigpit itong niyakap. "Sabi ko na, darating ka. Alam kong darating ka."

Bahagya siya nitong inilayo. "Bakit nandito ka pa rin? Bakit nagpakabasa ka sa ulan? Dapat umuwi ka na kanina pa. Paano kung hindi ako dumating?"

Nanatili siyang nakatingin sa mukha nito. He was screaming at her like sweet whisper. Hinubad nito ang suot na coat at ipinatong iyon sa balikat niya. Masarap sa pakiramdam ang init na hatid sa kanya ng damit nito. Tsaka lang siya tinablan ng lamig.

Hinawakan nito ng kamay niya. "Halika sumama ka sa akin."

IBINALOT ni Nicolette ang sarili sa comforter na ibinigay ni Clarence. Nang sinabi nito kanina na sumama siya dito, hindi niya akalaing dadalhin siya nito sa condo unit nito. Lihim siyang napangiti. Suot niya ang isang T-shirt ni Clarence at ang pajama nito.

Lumabas si Clarence sa kusina na may dalang tray. "Inumin mo muna ito." Inilapag nito sa coffee table ang isang tasa ng umuusok na kape. Umupo ito sa kaibayong upuan. "Nilalamig ka pa ba?"

Umiling siya. "Hindi na masyado."

"Bakit ba kasi sa labas ka pa ng restaurant naghintay? Puwede ka namang pumasok sa loob."

"Gusto ko kasing sabay tayong pumasok eh." Inabot niya ang mug at hinayaang mapunta ang usok sa mukha niya.

"Paano kung hindi ako dumating?"

Nagkibit-balikat siya. "Dumating ka naman."

"Paano nga kung hindi ako dumating?" giit pa nito.

"Bakit mo ba ipinagpipilitan ang tanong na ˋyan? Wala ka ba talagang balak na siputin ako sa usapan natin?" Natahimik ito. "Alam ko namang may magandang dahilan ka kung bakit ka na-late. Ang mahalaga lang sa akin, ay dumating ka."

"Hindi ka galit sa akin?"

"Hindi. Ewan ko ba kung bakit, pero hindi ko magawang magalit sa iyo."

Napailing ito. "You're crazy."

"Siguro nga baliw na ang tingin ng ibang tao sa akin." Nakatitig siya sa tasa ng kape ngunit wala doon ang atensiyon niya. "Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip na ipagpipilitan ang sarili sa isang tao na halos gawin na ang lahat maalis ka lang sa landas niya? Sino ba ang nasa matinong pag-iisip na magmamahal kahit alam mo din lang na masasaktan ka din sa huli? Ako lang siguro." Pagak siyang tumawa.

"Nicolette..."

"Pero huwag kang mag-alala." She looked at him and tried her very best to hide the pain in her eyes. "Pagkatapos ng isang buwan na usapan natin, hindi mo na ako makikita. Wala nang mangungulit sa iyo. Kaya pagtiyagaan mo na muna ang pagmumukha ko, ha?" Tumayo siya habang nakabalabal pa din ang comforter. "Puwede ba akong makitulog dito ngayong gabi? Susulitin ko lang ang panahon na boyfriend kita. Kahit kunwari lang." Kinindatan niya ito.

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now