Chapter 19: "Will You Be My Date?"

100 19 0
                                    

VAI.

Hindi na nasundan ang usapan naming iyon dahil dumating na sina Jam at Fay. Gustuhin ko mang makipag-usap pa tungkol doon kay Acantha, alam kong hindi na niya ako sasagutin pa.

Tumayo ako para salubungin pa ang dalawang kaibigan. Jam walked towards me.

"Tara, Vai! Mamili tayo ng dress para sa paparating na prom!"

Napatingin ako kay Acantha. She smiled at me, bakas pa rin sa mga mata niya ang pag-iyak. "It's okay, Vai. I just really wanted to get all of this out. You know, having interactions with the Fryxelle's now feels really heavy."

Hindi ko pinansin ang nagtatakang tingin nina Jam at Fay at lumapit kay Acantha. I held her hand and smiled at her.

"You can always talk to me whenever you feel sad, or even mad, Acantha."

"Thank you, Rain." She smiled, gone the sad Acantha.

"Bilhan kita ng coffee crumble na ice cream. Isang gallon." I chuckled as I remember her love for ice creams. Natawa rin siya.

Nagpaalam si Acantha matapos no'n. She told me she's going to visit Clyde again, and that she'll be back for her ice cream.

"Magkaibigan talaga kayo no'n?" Usisa ni Jam habang sumabit ang kanyang kamay sa braso ko.

"Balita ko, possessive daw iyon sa mga kaibigan niya. Hindi ka kaya ipagdadamot sa amin? Kami naman ang naunang naging kaibigan ka, ah?"

Natawa nalang ako. Now I can understand where Acantha's possessiveness towards her treasured friends.

Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway ng girl's dormitory.

According to the school's newspaper, a prom will be held two days from now. Ayon kay Jam, bawat taon daw ay nagdidiwang ang Fryxelle High ng ganito sa eksaktong petsa two days from now. Ayon sa kanila, ang petsang ito ay ang araw kung kailan naitukod ang paaralan. It served as the annual celebration of Fryxelle High's upbringing.

Fay said it's just like a normal prom. With gowns, dresses, tuxedos and high heels.

Sa totoo lang ay hindi ito unang beses na naka-attend ako ng ganitong party dahil sa dati kong school, may pagdiriwang din silang ganito. Only that, hindi ko lang nasusulit dahil kinailangan kong umuwi hindi pa man gumabi masyado.

Now I'm wondering what will be the difference between my old school's prom and Fryxelle High's prom.

I was all eyes at the gowns nang pumasok kami sa isang stall ng isang sikat na brand ng mga mamahaling damit.

One thing that I would always admire Fryxelle High is their standards. Their money is just as high as their standards, really. Wala kang makikitang maduming paligid, lahat ay malinis. Tapos lahat ng mga stall ay mamahalin dito sa mall, lahat ng paninda ay halatang branded. Lahat ng nasa paligid ay nagsisigaw ng karangyaan.

"Vai!" Rinig kong tawag ni Jam sa pangalan ko sa gitna ng nakahilerang mga gowns. "May isang gown dito na bagay sa 'yo! Halika!"

Agad akong lumapit sa kanya.

From there, I saw the gown she was holding. It had a vintage style. Brown ang kulay nito at may mga beads and pearls na kulay maroon, hindi nalalayo sa brown ang shade nito. It also comes with a pair of translucent white gloves and a cute pair of brown doll shoes na may ribbon sa gitna.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now