Chapter 15: Volunteer

109 22 0
                                    

VAI.

"Mabuti naman at naisipan nilang tumulong?" Acantha said sarcastically.

I tilted my head in confusion. 'Yung tono niya kasi, parang may galit sa mga Fryxelle. Or something like that. Parang nandidiri pa ang mukha niya.

She probably noticed me kaya sinagot niya ang tanong ko sa isipan. "Their guts just annoy the hell out of me! 'Saka, hindi ko malilimutan iyong ginawa nila before! Gosh, ang kakapal ng mukha—"

"Stop it, Acantha." Saway ni Evan sa kanya kasi parang hindi siya titigil sa pagbunganga sa mga Fryxelle.

"Annoying kasi!"

Before? Something happened . . . before? If I was not just trained by my Uncle to respect other people's privacy, I would've asked. Pero nanatili nalang akong nakikinig sa kanila kahit na gustuhin ko pang sumabat.

Of course, kaibigan ko na rin sila pero hindi naman iyon dahilan para manghimasok na ako sa buhay nila. Isa pa, we're talking about pasts here. Malay mo kung ano'ng epekto ng nakaraan ng isang tao sa kanya. Lalo na kung maaaring hindi maganda ang nangyari sa nakaraan nila.

And I didn't want to trigger that. So I remained silent.

"Then that's it," Lili said before clasping her hands. "Acantha's the next victim, that's confirmed. What should we do next?"

Napatingin ako kay Rye at gano'n nalang ang pagtaas ng aking mga balahibo nang makita ang ekspresyon niya. He had a taunting smirk in his lips, with his eyes full of malice. It was a if he was finally enjoying this case like a game of chess.

As if his pawns was finally moving the same way he wants it to—and he was already attacking the king of the other side using just pawns.

"I don't know . . . we use her as a bait?"

Napanganga ako. What?!

"Isaalang-alang natin ang buhay ni Acantha?" Naguguluhan kong tanong.

Rye looked at me, probably amused because of my sudden question. "We have no other choice but to lure the devils using what they need."

Sumang-ayon si Evan sa kanya. "Acantha is their prey."

Natutop ako sa kinatatayuan ko. As I looked at Acantha, she looked . . . okay. As if p'wede lang sa kanyang gawin siyang pain. Or if anything, nasanay na siya.

But I can't.

Hindi ko matanggap.

Gano'n na lang ba kadali sa kanila na hayaang malagay sa panganib ang buhay ng kaibigan nila? O sadyang sanay na talaga silang panganib ang palaging kaharap kaya kahit man lang kapag nalaman nilang ihaharap sila sa posibleng ikamamatay nila, hindi na sila nagugulat o natatakot man lang?

Liliane must have noticed my reaction so she called me. "We've been doing this for years, Rain. This isn't new to us. We've been risking our lives the moment we opened our eyes and saw how cruel this school is."

Umiling ako nang umiling. Hindi ko maatim na hahayaan na lang nila ang mga taong nakakasama nila na mapahamak. I know it sounds crazy coming from me because I don't have any experiences, but it sounded so absurd!

Acantha smiled at me and gave me a thumbs up. "Okay lang, Rain. Sanayan na lang," sabi niya pa.

Ganoon. pa man, pansin ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya at panginginig.

Maging nang tumingin ako kay Clyde ay alam kong hindi siya sang-ayon dito. Unlike his playful eyes and smirking lips, he was all serious now. Minsan ay bumuntong-hininga rin.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now