Napasigaw ako nang malakas nang biglang hinatak ang paa ko dahilan ng paghulog ko sa kama ko. Sapo-sapo ko ang bewang ko at tinignan kung sino ang gumawa.

"A-alexis?" Paano nakapasok ang impaktang 'to?

Sinundan ko siya ng tingin habang umupo siya sa gilid ng kama ko at tinitignan niya pa nang maayos yung kuko niya.

Tumayo ako sa harapan niya at buong lakas ko siyang binatukan nang binatukan.

"Bus*t ka! Alam mong natutulog ako gigisingin mo ako?! Alam mo naman na ayaw ko yung nauudlot tulog ko!"

"A-aray! Teka naman!" Tinignan niya ako ng masama habang hawak-hawak niya ang ulo niya.

"Mygosh Zamara! Ngayon na nga lang tayo nagkita mananakit ka pa?! Argh!" Inirapan niya ako.

"Paano kaba nakapasok dito?" Umupo ako sa tabi niya humarap siya sa akin at ngumiti nang malapat.

"Of course! Sino pa ba? Edi ang lovely boyfriend mo and second lead man mo!"

Sinong second lead pinagsasabi nito?

"Kaloka talaga Zamara aga-aga stress mo bangs ko. Si Lucas!" Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Hoy kinakausap pa kita!" Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy ako papunta sa cr para mag toothbrush at mag hilamos sinundan naman ako ni Alexis.

"Kumusta ka naman girl?" Tumango lang ako sa kan'ya. Huminga siya ng malalim.

"Condolence." Mahinang bulong niya natigilan ako saglit pero hindi ko pinahalata sa kan'ya.

"Anyway! Malapit na pasukan ha? Anong balak mo?" Tanong niya sa akin.

Lumabas ako ng cr para magpunas ng mukha ko.

"Ayoko na mag-aral."

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko kasi bigla niya akong binatukan.

Inirapan ko lang si Alexis at iniwan mag isa sa kwarto pagkababa nang pagkababa ko naabutan ko yung dalawa na nagluluto. Himala wala si Noah?

"Ang swerte mo naman sis dalawa 'yan ha?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa gilid ko si Alexis. Tinawan lang niya ako at hinatak papunta kila Blake.

Habang kumakain kami panay kwento nito ni Alexis pati ni Lucas tanging ako at si Blake ay sobrang tahimik. Maya-maya pa natigilan ang dalawa at tinignan kami ni Blake.

"Akala ko ba ayos na kayo? Bakit parang-" Nagulat kami ni Alexis kasi biglang sinalpakan ni Blake si Lucas sa bibig ng mansanas. Labag sa loob na kinagat ni Lucas yon at tinignan nang masama si Blake.

Nasa kwarto ako ngayon at nag blower ng buhok kakatapos ko lang maligo. Nag pa alam na sa akin si Alexis kanina na aalis na raw siya kasi may kailangan pa siyang puntahan habang si Blake at Lucas ay nasa baba.

Pagkatapos ko ay agad akong bumaba. Nakita ko agad si Blake na nakapamulsa habang si Lucas humihilik na sa sofa.

"Tara na." Sabi ni Blake nang nakita niya ako.

"Saan?"

"Basta."

"Teka—" Nagulat ako nang bigla akong hinatak ni Blake palabas ng bahay.

Bastos ampotch*!

"Hoy! Saan ba tayo pupunta?!" Inis kong sabi at binawi ang kamay ko.

"Basta." Napairap na lang ako sa hangin.

Anong pakulo na naman ang trip nito.

Huminto kami saglit at sinundan siya ng tingin. Nagulat ako kasi bigla niyang binuksan ko yung kotse.

May kotse pala 'to? Pumasok agad ako sa loob at ganon din siya.

Tahimik lang siyang nag drive. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng excitement. Kainis kasi 'to si Blake.

Maya-maya pa huminto yung kotse niya hindi na ako nakapaghintay ay nauna na akong lumabas sa kan'ya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa isang ilog. Namangha ako saglit kasi ang tagal ko na simula nong huli kong punta sa ilog. Yung dinadaanan namin puro damo tapos yung paligid.

"Baka gusto mong umupo? Baka matunaw naman yang tinitignan mo?" Naalarma ako sa sinabi ni Blaje at tumabi sa kan'ya.

Dahan-dahan na dumikit sa akin si Blake.

Hindi ko maiwasang ngumiti. Nakaramdam ako na parag gumaan yung pakiramdam ko.

"I know everything." He whispered.

Umayos siya ng upo at sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang kanan kong kamay.

"Sorry if I wasn't there that night. That night when you found out that Zavier was dead." Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa kamay ko at kinuha ang kanan kong kamay at hinalikan.

"But now, I will make sure that I am by your side always, no matter what happens, Zamara." Natulala ako kasi may bigla siyang may nilabas mula sa bulsa niya.

May maliit na box tapos pagbukas niya bumungad sa akin yung isang bracelet. Color black siya tapos yung parang bilog color silver.

"It's just like yesterday." Sinuot niya sa akin ang bracelet at hinalikan pa 'to.

Infairness ang corny niya.

Natutuwa akong tumingin sa bracelet na binigay niya sa akin dahil curious ako pinindot ko yung bilog nagulat ako kasi bigla siyang umiliw tapos tumunog.

Pinakita sa akin ni Blake yung suot niyang bracelet na tumunog din at umilaw.

"When you are in need of my presence and I am not by your side, please press that." Malapit na talaga tumulo uhog ko rito kay Blake kaka english niya sa akin.

Tumayo siya sa harapan ko at napayakap ako sa sinabi niya.

"My love for you was deeply as I did yesterday, and will never be change it will never be." Blake said.

I wish time would just stop, I hope nothing changes, and I hope it remains the same as before.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now