KABANATA PANGALAWA

68 3 0
                                    

KABANATA PANGALAWA

ISA o tatlong araw ng nagmumukmok sa loob ng kuwarto si Bella. Pansamantalang pinagbilin na muna ang dalawang anak sa kaniyang pamilya. Sa kuwarto, ibinuhos niya ang lahat nang sakit na nasa puso niya.

Minahal niya ng lubos si Chester. Ang asawa niya, kaya ng mabuntis siya nito sa murang edad ay sumama na siya rito at namuhay ng tahimik. Biniyayaan sila ng dalawang anak at sa huli ay lumuwas din sila ng lungsod para tanggapin ang trabahong alam nilang makakaahon sa buhay nila. Pero mapaglaro ang tadhana. Nagkaroon nga sila ng magandang buhay doon pero panandalian lamang dahil 'di nagtagal ay nawala din iyon dahil sa bisyo. At dahil sa pagkalulon sa sugal ni Chester at kasalanan din niya iyon dahil sinuportahan niya ito sa maling ginawa nito ng panahong nananalo ito. Doon niya nalamang hindi sa lahat ng araw ay panalo ito. Nalulon ito sa sugal at doon naubos ang lahat ng pera nila maging ang kaniyang puhunan sa maliit niyang negosyo ay nadamay. Sa malaking bahay na inuupahan nila ay lumipat sila sa maliit na tila ba sardinas na nagsisiksikan.

Mabuti na lamang at naandyan si Dony. Si Dony ay 45 years old na. Hiwalay sa asawa at malalaki na rin ang mga anak. Matalik din na kaibigan ito ni Chester na handang tumulong sa kanila. Halos arw-araw itong nasa bahay nila na kulang na lang ay doon manirahan. Naging spoiled din ang dalawa niyang anak kay Dony. Nasunod din ito na maging ninong ito ng dalawang anak nila ni Chester. Sa isipan ni Bella, napaka suwerte ng mapapangasawa ng kaibigan nang asawa niya. Bukod sa mayaman ay sobrang bait pa.

Nang gabing nag-iinuman sina Chester at Dony ay pinuntahan siya nito sa kusina dahil na rin sa alok niyang kakanin dito. Ngunit parang may mali siyang nakikita sa mga mata nito at sa huli ay lumabas din ang nais nito. Inalok siya ni Dony ng pera kapalit ang makipag siping ito sa kaniya para matikman naman daw nito ang nararanasan kaligayahan ng asawa niya. Dahil sa ginawa nito ay pinalayas niya ito at sinabing huwag ng babalik pa. Kakalimutan na niyang kumpare niya ito at iiwasan na rin. Nangyare nga iyon, hindi na ito muling nagpakita sa kaniya.

Pero isang malaking lihim ang hindi nabubunyag. Hindi niya alam na nagpatuloy pala si Chester sa online sabong, nadagdagan ulit ang utang nila kay Dony na hindi niya alam. Ang lahat ng utang na iyon ay naitalo ng kaniyang asawa sa sugal. At panatag naman ang asawa niyang hindi sila gigipitin nito ng magsabi ang asawa niya sa malaking problma na 'yon.

Dahil sa utang na iyon, doon nagka idea si Bella. May kutob siya na hinayaan talaga ni Dony na lumaki ang utang nila at sa huli siya ang gigipitin nito. Ayaw niyang ipaalam kay Chester ang alok nito sa kaniya. Subalit, paano naman ang utang nila? Paano nila ito mababayaran sa ganoong wala silang alam na pagkukuhanan?

Dumating nga ang araw na kinatatakutan nila ni Chester. Naniningil na si Dony at may balak itong magsampa ng kaso kung hindi nila mababayaran ang utang na isang million. Ganoon kalaki ang pera na nautang ni Chester rito at kung inilagay nila iyon sa negosyo ay tiyak mayaman na sila ngayon. Nangako sila kay Dony na huhulugan nila paunti-unti ang utang nila. Pumayag naman ito. Pero sa laki no'n hanggang kailan nila makakayanan mabayaran ito?

Isang gabi nag-inuman sina Dony at Chester. Buwan dib ang lumipas na ngayon lang ulit ito nakipag inuman kay Chester at dumalaw ng bahay nila. Dinig na dinig ni Bella kung paano magsalita at magbitiw ng mga salita si Dony sa kaniyang asawa. Seryoso ito sa pananalita. Na kahit kaibigan daw nito ang kaniyang asawa handa pa rin itong magsampa ng kaso oras na hindi mabayaran ang perang inutang nito. Sambit pa nito, -ang utang ay utang, magkaiba ang inutang sa ibingay. Napailing si Bella sa isang sulok, maya't umupo. Paano at saan sila kukuha ng ganoong kalaking pera ganoong isang kontraksyon worker lang si Chester?

Sa pagbalik ko sa kinatatayuan ko kanina kung saan ko sila pinapanood, napansin kong malakas na ang tama ng alak kay Chester, habang si Dony ay para bang walang nangyare. Walang nagbago at parang hindi naman tumalab ang alak rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE, TRUST and MONEY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon