CHAPTER 19: Label

Comincia dall'inizio
                                    

“Inaasar ko si Gizzy about sa date niya kahapon. Ikaw naman, Sasha, anong nangyari sa'yo? Ba't parang lugmok na lugmok kang nakatingin sa phone mo?” Tumango ako sa sinabi ni Zoe. Kailangan kong makisakay para hindi na mapunta sa akin ang usapan.

“Hetong si Daddy Clint kasi, e...” pag-uumpisa niyang sabi sa amin. Naka-abang kami sa susunod niyang sasabihin. “Niyayaya niya akong mag...” lumingon siya sa paligid namin at nang makita niyang walang nakatingin sa aming tatlo, nagsalita na ulit siya. “mag-sex.” mahinang sabi niya sa amin, halos bulong na nga iyon.

Napanganga ako sa sinabi niya. “Se-sex?” nakatangang tanong ko sa kanya.

“Mm-hmmm... Ilang buwan na rin kasi kami nito. Ito niyong forty-one years old na regular customer dito sa bar. Wala pang anak ni-isa, kinonfirm ko naman ito kay Manager Phil syempre ayokong ma-broken, ‘di ba? Binigay niya sa akin ang information tungkol kay Daddy Clint, wala ngang sabit, girls. Anong gagawin ko?” mahina pa rin ang boses niya.

Para tuloy kaming tangang tatlo rito. Nagbubulungan na kami para walang makarinig sa pinag-uusapan namin.

“Ikaw? Mahal mo na ba niyon, Sasha? Wala naman sabit niyong boyfriend mo, so, gora ka na!”

Eh? Napatangang napatingin ako kay Zoe. Sure siyang niyon ang advice niya kay Sasha. Patola pa man din ang isang ito.

“Actually, oo, e. Mabait siya, maalaga, maalalahanin, hindi siya madamot and gwapo siya syempre kahit forty one years old na siya. And, girls, grabe pa rin niyong biceps niya.” Kinikilig na sabi niya sa amin. “Of course, kilala na rin siya ng parents ko. Pasado siya sa family ko.” dagdag niyang sabi.

Napatingin kami sa isa't-isa ni Zoe. “Edi, gora ka na talaga, Sasha. Pero, payag pa rin ba siyang magstay ka rito?” tanong ni Zoe sa kanya.

“Um, oo. Alam naman niyang need kong tulungan ang family ko, e. Kaya no choice siya kung ‘di suportahan ako sa work kong ‘to!” sabi niya sa amin.

“Girl, alam mo na ang sagot sa tanong mo. Akala naman namin may problema sa bahay niyo kaya lugmok na lugmok ka d'yan sa phone mo. Lovelife lang naman pala. Parehas na kayo ni Gizzy na may lovelife!” wika niya sa amin at nag-unat.

“Mag-lovelife ka na rin!”

Hindi ko na sila pinansin. Tinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa phone kong nasa table. Kinuha ko nga pala ito kanina.

Nangunot ang noo ko ng makita ang text message galing kay Mr. Easton. Simula ng date namin kanina, lagi na siyang ganito. Nagtetext na siya sa akin. Mapa-good morning, afternoon and kung kumain na ba ako? Kung nasa'n ako? At, kung ano-ano pa. Nagiging madaldal na siya sa text messages ko kaya panay tunog and ilaw nito.

Buti na lang ‘di pa nagtatanong ang mga pinsan ko kung sino ang aking textmate, hindi ko naman p'wedeng sabihin na, ‘nanliligaw niyong pinaka-boss namin sa akin.’ Hindi naniwala ang mga iyon sa akin.

“Goodluck sa prod niyo mamaya. Manonood ako. Galingan mo, baby!” basa ko sa kanyang text message na siyang kinagulat ko.

Baby? Alam kong mas matanda siya sa akin ng limang taon. Saka, one day pa lang naman kami nag-uusap. Baby agad?

Nakagat ko nang palihim ang aking ibabang labi. Pero, hindi ko maitatanggi na kinilig ako ng slight sa text message niyang ito.

Ganito ba talaga kapag may nagkagusto sa'yo? Actually, may crush ako sa isa niyang kapatid pero hindi ko sinabi sa kanya ‘yon. Kaya nga gusto kong mag-aral sa Maravilla University, iyon nga lang ayaw ng tadhana na roon ako mag-aral.

Hmmp!

“Uy, Gizzy, ano niyang ngiti sa labi mo, ha?”

Naitago ko ang aking phone ng sundutin ni Zoe ang aking pisngi. Nataranta tuloy ako. “Huh? W-wala naman. Nagtext lang iyong pinsan ko sa akin.” pagsisinungaling ko sa kanila.

Nilagay ko na ulit sa bag ko ang phone ko. Baka kunin pa ni Zoe ito at malaman pa niyang nagsisinungaling ako sa kanila.

“Hmm... Talaga bang pinsan mo ang nagtext? Ba't namumula niyang pisngi mo?” pang-aasar niya sa akin.

Nilihis ko na lang ang tingin ko sa kanya. “O, baka naman, Zoe, si Mr. Right na niya ang nagtext. At, sinabing panonoorin niya ang prod ni Gizzy. Naks naman!”

Napaawang ako sa sinabi ni Sasha. Hindi ko alam kung sasagot ako sa sinabi niya.

“Bulls eye! Siya nga ang nagtext sa'yo, ano? Baka pinipigilan mo niyang ngiti mo? Jusko ka naman, Gizzy! Hindi naman masamang kiligin lalo na kung mahal mo niyong nagtext sayo.” Nagtaas-baba pa ang kilay ni Sasha sa akin.

“Um, first time ko kasing may manligaw sa akin.” Mahinang sabi ko sa kanilang dalawa at nangalumbabang tumingin sa salamin.

“Ikaw naman, Gizzy! Huwag ka ngang mahihiya sa amin ni Sasha. Magkakaibigan tayong tatlo rito, okay? Basta kapag sinaktan ka lang niya, tawagin mo kami, okay? Baback-up-an ka namin.” saad ni Zoe sa akin at kinindatan pa niya ako.

Napangiwi na lang ako sa aking isipan. Kung malalaman lang nilang boss namin ang nanliligaw sa akin, baka hindi na nila ako tulungan o sabihin pa nila sa akin na patusin ko na si Mr. Easton at huwag na patagalin ang panliligaw ng isang iyon.

Teka? Nanliligaw ba siya sa akin? Wala naman siya sinabi after ng date namin. Pero, ano itong oras-oras niyang pag-te-text sa akin?

Ano ba label naming dalawa?

^^^^^
THANK YOU PO! 💖

Easton Maravilla: Taste Of HeavenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora