KABANATA UNA

74 6 0
                                    

KABANATA UNA.

TULALANG nakatanaw sa bintana si Jesper. Kaaalis lamang ni Jumi sa kanilang apartment. Kaibigan niya ito simula ng dumating siya sa Saudi. Mag-a-anim na taon na rin siyang nagtatrabaho sa ibang bansa na kasama ang binata.

Inaya siyang mamasyal nito ngunit tumanggi siya dahil hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isipan niya si Lani. Magulo pa rin ang isipan niya kahit taon na ang nakalipas. Wala din naman siyang gana at tiyak niyang hindi siya mag-e-enjoy sa labas kaya nanatili na lamang siya sa loob ng kuwarto. Eksakto,  kapapadala lamang niya ng pera sa asawa na ngayon ay tinatanggap na nito na dati ay hindi. Malaki na kasi ang napapadala niyang pera na 'di tulad ng dati. Nasa isang sulok siya at hindi maiwasang umupo sa sahig, salo ang ulo na punong-puno pa rin ng katanungan. Katanungan na kailanman ay malabo ng masagot. Malabo ng mangyare dahil kailanman hindi na babalik ang taong minahal niya ng lubos. Minahal niya ng lubos ngunit sa huli ay isinuko siya dahilan lamang sa pera. Pera na kahit ano ay kayang bilhin pati ang kaligayahan at pagmamahal ng isang tao. Tandang -tanda niya kung paano siya lumuhod kay Lani nuong umagang iyon, para mabuo ulit ang pamilya niya, pero imbes na si Lani ang sumagot ay ang ina nitong nasa likuran niya.

"Wala kang silbi Jesper! Sa simula pa lamang alam mong duwag ka! Kasalanan mo rin ito kaya nangyare ang lahat! Tumayo ka d'yan at wala ka nang babalikang pamilya! Lumayas ka na sa bahay na ito!" dinig ko'ng usal ng aking byenang babae. Madidiin ang mga salitang binitawan nito sa akin.

Nagtagis bagang lang ako at hindi iyon pinansin na animo'y walang narinig, dahil sa alam kong sa umagang iyon wala akong panama sa ina ng aking asawa. Napansin ko ding wala sa loob ng kuwarto si Hedeya na tanging naandoon lamang ay si Lani na namumugto ang magkabilang mga mata. Hudyat na magdamag itong umiiyak.

Sandali lang, may dalawang palad ang nagtayo sa akin at nahuhulaan kong ang ina ni Lani iyon.

"Ang kapal ng mukha mo para abutan ka pa namin dito sa pamamahay na pinagawa ni Hedeya!" pasigaw na sabi pa ulit ng aking byenan. Halatadong nanggagalaiti sa galit. Madiin pa ako nitong hawak sa baraso na pilit itinatayo.

Sumunod ako sa gusto nito. Tumayo ako habang nakatingin kay Lani na iwas naman ang mga mata nito sa akin.

"Lani, patawarin mo ako. Sobra lang talaga kitang mahal kaya ginawa ko 'yun kagabi." paliwanag ko na para bang wala akong naririnig sa aking tabi dahil patuloy sa pananalita ang byenan ko. "Mag-a-abroad ako, bubuhayin ko kayong mag-i-ina ko. Iwanan mo lang ang Hedeya na 'yon." suhesyon ko pa.

"Hindi mo kayang ibigay ang mga ibinibigay ni Hedeya, Jesper! Wala kang pera para gampanan ang mga ginagampanan ni Hedeya sa pamamahay na 'to!" sagot naman ng byenan ko na pabulyaw.

Tama naman ito. Wala akong salapi katulad ng Sri lanka na 'yon na nakilala ni Lani sa Kuwait.

Si Hedeya ay taga Sri Lanka, may mga business sa ibat ibang lugar kaya kahit anong hilingin ng pamilya ni Lani ay maibibigay nito. Pero hindi ganito ang pangako sa akin ni Lani. Sumunod lamang daw ako sa plano niya at sa huli ay ako pa rin ang pipiliin nito tulad ng pagtitiwala ko dito. Dahil sa mahal ko ang asawa ko, puamyag ako kahit na ba labag talaga sa kalooban ko. Pero nauwi sa wala nang maramdaman kong iba na ang pinaparamdam nito sa akin dahil pakiramdam ko ay wala na itong pakielam sa anong mangyare sa akin. Simula ng magbakasyon si Hedeya sa pilipinas at sa bahay na pinagawa ni Lani ito tumuloy—na ang akala ko ay galing sa pawis ni Lani ang pinagpagawa sa malaking bahay na naipundar nito sa Kuwait. Iyon pala ay galing kay Hedeya na kinasama nito sa ibang bansa. At nang mabuntis ito ay umuwi ng pilipinas kasama ang mayamang boyfriend nito. Lunglot, selos ang naramdaman ko pero pinabghawakan ko ang pangako nito. At ako nga ay pinakilalang pinsan lamang nito dahil sa pakiusap nito.

Sa una ay halos mawasak ang mundo ko, ngunit sa mga paliwanag ni Lani ay sumunod ako at pumayag na rin. Ngunit habang tumatagal para na akong tinatapakan sa ulo ng asawa ko dahil pati ang kuwartong na dapat sa amin lamang ay kasama na doon si Hedeya. Na imbes na ako ang kasama nitong natutulog sa kuwartong iyon. Habang ako ay nasa sala lamang. Tiniis ko ang selos na iyon para lang sa kagustuhan ni Lani dahil ang sabi nito ay hihiwalayan din niya ito oras na makaipon ulit siya ng pera. Pero ibang-iba ang nakikita ko. Sobrang sweet na nila at pansin kong napapalayo na ang loob sa akin ng asawa ko maging lalo ng mga byenan ko na sa una naman talaga ay ayaw na sa akin. Lalo ng nadagdagan ang mga salitang naririnig ko sa mga ito...na palamunin lang ako ganoong may trabaho naman ako.

"Nangako ka sa akin Lani na ako ang pipiliin mo sa huli." nanginginig na sambit ko sa harapan ng asawa ko na akupado ang atensyon sa cellphone na hawak nito.

"Hindi na Jesper! Hindi na babalik si Lani saiyo dahil magkakaayos sila ni Hedeya!" sagot ng ina ni Lani sa akin na naandoon pa rin sa likuran ko at hinihintay kung ano ba ang isasagot ni Lani sa akin.

Doon ko nalaman na umalis si Hedeya kinagabihan kasama ang anak nila ni Lani. Magdedemanda daw ito dahil sa natuklasan.

Isinuwalat ko kinagabihan ang lahat, lagok ako sa alak nu'n dahil sa punong-puno na ang dibdib ko. Kaya naibuking ko ang asawa ko. Kinatok ko ito kinagabihan sa kuwarto. Nanliit ang mga mata ko ng makita ko silang magkatabi at sinabi ko ang gusto kong sabihin kung sino ba kami ni Lani at ano niya ako. Binabawal ako no'n ni Lani pero nagpatuloy ako. At nagising na lamang ako ay nasa sopa na ako ng umagang iyon at masakit ang ulo.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Lani ng maalala ko ang lahat, pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. Galit ang mukha nito pero ginagawa pa ring kontrolin ang galit dahil sa hawak nitong cellphone.

"Sagutin mo ako Lani. Kubg gusto mo, payag na akong mag-a-abroad. Ibibigay ko ang lahat! Iwanan mo lang si Hedeya." na ngayon ay lumuluhang sambit ko ulit. "Alam mong mahal na mahal kita." wika ko pa na ngayon ay patuloy na sa pagpatak ang mga luha ko. Wala akong pakielam kung makita ba ng byenan ko ang itsura ko. Para sa akin mahal na mahal ko ang asawa ko at higit pa sa buhay ko. Kaya ko siyang tanggapin kahit na ba nagkaanak siya sa ibang lalaki. Kaya kong tanggapin at angkinin ang batang isinilang nito. Lulunukin ko lahat ng kahihiyan na meron ito huwag lang niyang iwan ako.

Akmang ihahakbang ko ang mga kabila kong mga paa palapit kay Lani ay humakbang naman na palayo ito habang nakatingin sa akin. Huminto naman ako sa paghakbang. Parang mawawalan ako ng hininga sa mga oras na iyon dahil ramdam kong wala na akong babalikan. Ramdam kong iba na ang tinitibok ng puso ng asawa ko.

"Mahal mo pa ba ako, Lani?" halos papaos kong tanong sa kaniya.

"Hindi na Jesper. Si Hedeya na ang mahal ko." maikli nitong sagot na nagpaguho ng mundo ko.

Sa mga oras na iyon nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang maliit na tindahan kasama ang ilang bote na binili ko. Gusto kong mapag-isa at malasing. Gusto kong malagok sa alak at sa ganoon makalimutan ko ang sakit na tumatarak ng paulit-ulit sa puso ko...

LOVE, TRUST and MONEY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon