Linggo ngayon kaya alam ko ng maraming tao sa mall, pero kanina ko pa itong napapansin yung lalaking nakaitim na may suot ng shade, kanina pa ito sumusunod ah, ayaw ko lang sabihin kina bray at baka masira lang yung bonding namin, malay ko baka nagkakamali lang ako kaya hindi ko narin masyadong pinansin yung lalaking nakashade na kung gumalaw ay ang weird, lahat naman ng tao weird kaya pinabayaan kona.

" Omg, parang gusto kong pumasok dito " turo ni tita sa may tindahan ng nga relo, hindi lang basta relo mamahaling relo.

" Good morning ma'am and sir, tuloy po! " sabi ng isang lalaki na nakatayo sa pintuan nito.

" Wait, ma'am i'll buy something lang you go first with ade " Sabi naman ni pogi.

" Gusto mo samahan na kita? " offer ko naman dito

" No, it's fine samahan mo nalang si mom babalik naman agad ako " sabi niya naman kaya tumango nalang ako.

" Bray, kapag may nakita kang sexy at maganda pumikit ka ha " paalala ko naman dito rason para matawa yung lalaki sa may gilid.

" I will ade, sayo lang titingin 'to " sabi niya naman sabay halik sa aking noo.

" Let's goo adeline, tama nayan nilalanggam na'ko dito oh " o sige tita langgamin kalang po dyan.

Pumasok kami sa loob at grabe nag ganda at ang lamig sa loob, nakakamangha ang gaganda ng mga relo at halatang mamahalin.

" Oh look adeline, diba ang ganda " turo naman ni tita sa isang relo kung napatingin ako at nag-agreed sa sinabi niya, dahil ang ganda naman talaga nung relo.

" Miss, patingin nga " sabi ni tita at inilabas ng babae yung itunuro ni tita.

" So gorgeous "

" Hala, ang ganda din nun oh i think bagay yun kay bray, right adeline? "

" Yes po. . . ano kayang binili nun ang tagal naman ni bray "

" Sige na puntahan mo na, ako ng bahala dito " wika naman ni tita kaya tumango nalang ako at lumabas ng store, kanina pa kasi ako hindi mapakali e, sabi niya kasi saglit lang daw pero umabot na ng 20 minutes wala parin.

Pumunta ako sa bilihan ng pagkain malapit dito sa store at baka bumili lang yun ng pagkain. Pagpunta ko, wala naman dito maraming tao kaya mahirap hanapin si pogi, pero  malakas naman pabango niya kaya kapag maaamoy ko yun panigurado alam ko na kung nasan sya.

Napatingin ako sa kabilang tindahan ng mga cotton candy at napangiti nang makita ko sya dung papunta pa lamang, ang tikas niya kung maglakad, kagandang lalaki tapos bibili lamang ng cotton candy? grabe nasisiraan naba sya, okay lang favorite ko naman ang cotton candy e.

Nawala ang aking ngiti sa labi nang makita ko ang lalaking kanina ko pang napapansin nakasunod samin na aktong bubunot ng baril.

" Si Bray!! " agad akong tumakbo nang mabilis kahit may rayuma ako.

" Bray!!! " lumingon ito sakin at tinabunan ko sya upang sakin tumama ang bala.

Bumalik sakin lahat ng alala kung saan ganito din ang ginawa ko nung iligtas ko sya, at ito ang pangalawang pagkakataon na ililigtas ko muli sya.

" Adeline!!!!! " nakatatlong putok ang baril hanggang magsigawan na ang lahat ng tao, at bigla nalang akong naghandusay sa sahig. Nakamulat pa ng konti ang aking mga mata, pilit kong nilalaban ang sakit at tanging gusto nang pumikit ng aking mga mata pero hindi pa pwede.

" Adeline, why you do that?? " tumulo na ang luha ni pogi habang hawak niya ako sa dalawa niyang braso.

" Diba . . sabi ko ....sayoo handa kitang protektahan, mahal kita bray handa akong gawin lahat. "

" sshhhhh, wag ka na magsalita i'll bring you to that hospital "

" Wag na bray, isa akong anghel hindi ako namamatay pero babalik na ako sa langit, yun ang misyon ko na protektahan ka, at ito na siguro ang oras na iiwan kita, bray patawad, nagsinungaling ako sayo " hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya, hindi ko alam bat ko nakakayang tingnan sya habang nadudurog na sya sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

" Call ambulance!!! what are you looking at??!!!! " sigaw ni bray sa mga tao

" Ade, you promised me, hindi mo ako iiwan, matagal ko ng alam na isa kang anghel, at alam ko na ikaw din ang babaeng nagligtas sakin noon, please i'm begging youu adeline, don't leave me! stay with me ade!" patuloy ang pagpatak ng luha ni Bray at hindi ko rin mapigilang tumulo ang aking luha.

Hinila ko ang kwentas na ibinigay sakin Bray at inilagay ito sa palad niya.

" Tandaan mo, wala man ako sa tabi mo pero nandito naman ako sa puso mo, sana mapatawad mo'ko dahil nagsinungaling ako sayo, patawad bray "

" Adeline don't say that, i love you please lumaban ka, wag mo'kong iwan, i can't live without youuu, my ade please " he kissed me on my forehead at ito ang pangatlong halik niya sa noo ko ngayong araw at ito narin ang huling halik niya sa noo ko.

" Bray, i love you "

" I love you too, baby "

" Tapos na ang misyon ko. . hanggang dito nalang ako. Anghel ako bray, kaya sa ayaw ko man o gusto babalik at babalik ako dun kahit na piliin ko man na gusto kitang makasama habang buhay "

" Noo, ade pleaseee!! you're hurting me "

Patuloy parin saya sa pag-iyak, hanggang sa niyakap niya na ako ng mahigpit, patawad bray kung sinasaktan kita, sana mapatawad mo'ko. Masaya at maswerte ako na ikaw ang unang lalaking minahal at nagmahal sakin ng ganto, pinaramdam mo sakin kung ano talaga ang buhay na dapat kong marasanan, mahal na mahal kita, bray!

" Babalik ako " at yan ang huling salitang lumabas sa bibig ko bago ako mawalan ng hininga.

End of Flashback








Spy Of Tomorrowजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें