Kabanata 05

6.4K 139 2
                                    


— KABANATA   5

May lumabas naman na isang babae, maganda naman siya pero mukhang mataray, aba tiningnan ako from head to toes ah.

" Hi sir franco " ngumisi naman ang labi ko ng batiin niya si Franco, at sa tuno ng pananalita niya nakikipagflirt siya.

" Hello Dara " nakangiting bati naman ni Franco dito sa babae, habang itong dara naman nakataas ang isang kilay saken.

" Where's bray? " Tanong naman ni Franco

" Nasa loob sir "

" Okay, thanks let's go inside adel " mas tumalim ang tingin saken nitong babae ng yayain akong pumasok ni Franco, nagseselos siya.

Nauna ng pumasok si Franco sa office habang ako naman nakikipagtitigan dito kay ate gurl, nakakairita mukha niya kaya pumasok na rin ako pero tumingin muna ako saglit sa kanya, sabay,

" Tse! "

Tinarayan ko lang siya dahil hamak namang mas kaaya-aya ang mukha ko kesa sa kanya.

Tuluyan na akong nakapasok sa office ni pogi, may kalakihan ang office niya habang halos lahat naman ng kulay ay Gray, nakita ko naman si pogi na nakaupo sa isang bangko kung saan may lamesa at may nakalagay na isang babasaging gamit na may nakaukit na apelyido niya.

MONDRIAL habang abala siya sa pagtye sa laptop niya, nakalabas naman ang tatlong butones kaya mas lalong nagiging hot siya sa paningin ko, tangina pinapawisan nako.

Nakita ko naman si Franco na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.

" Oh adeline " napasalita si Franco dahilan para mapalingon saken si Pogi.

" Uhm sir, ito na pala yung pinapadala niyo " lumapit ako sa mesa ni pogi, nilapag ko lang ang dala kong brown envelope dahil busy nga diba siya sa pagtype sa laptop, alam niyo naman ako humble.

" You may leave " sabi naman ni pogi kaya napatalikod ako pero nakalimutan ko pala,...paano ako neto makakauwi kung wala akong pamasahe, wala akong dalang pera yawa.

Lumingon ako kay pogi habang may ngiti sa aking mga labi.

" What? " Nakaduros niyang tanong, hindi kaba marunong ngumiti ha, pogi mo pa naman.

" Eh kasi, umalis na si manong at tsaka wala akong dalang pera kaya paano ako makakauwi netoh? "

Napatitig naman saken ng malalim si Pogi, habang si Franco naman pinipigilang tumawa, gaga ba tong lalaki natoh anong nakakatawa sa sinabi ko.

" Okay, sumabay kana saken uuwi narin ako mamaya "biglang lumiwanag ang buong paligid ng marinig ko ang sinabi ni pogi. My god sasabay ako sa kanya mamaya, ack ikakamatay ko ito.

" Okay " iksing sagot ko naman para kunware di halatang kinikilig.

" Just wait me outside " he said again kaya lumakad na ako papalabas ng office habang nakatinginan naman kami ni Franco.




BRAY POV

" Franco, bring this papers to Mrs. Rovale she need to see this para makapagdecision siya if she want to be our client, we need to get Mrs. Rovale, because malaki ang maitutulong niya kapag naging client natin siya, understood? " I explained

" Yes bro noted but i have one question " he asked kaya napatingin ako sa kanya at huminto muna sa patatype sa laptop ko.

" What? "

" San mo na naman nakuha yang bagong katulong mo, well she's pretty " he praised adeline, uhm maganda ba talaga pero may sayad sa utak.

" I don't know, maybe kamag-anak siya ni manang lotlot "

Spy Of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon