Hinarap ko siya. "Bakit?"

"Break na kami ng boyfriend ko."

Tiningnan ko lang siya. Anong gusto niyang gawin ko?

She sighed. "I need your help again."

"I have a girlfriend, Perry, leave me alone."

"Don't you want justice for your sister?" Tanong niya.

Kumuyom ang kamao ko.

"I'll let you think about it."

"No, I don't want to be involved anymore. May girlfriend ako. Huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan."

"You might change your mind after this."

Nagulat ako nang tumingkayad siya at diretsahan akong hinalikan. Hindi iyon umabot sa labi dahil nag-angat ako ng tingin.

Fuck, iniinis talaga ako ng babaeng 'to!

"Hindi ba sabi ko sa 'yo, layuan mo 'ko? Ang kulit mo ah?" Galit kong tanong dito. "Hindi ako nambabastos ng babae. Pero binastos mo 'ko. May girlfriend na ako, sinabi ko na sa 'yo. Hindi ka ba nakakaintindi?"

"But Darell!"

Binangga ko siya at naglakad na paalis.

Iyon ang dahilan kung bakit nagalit si Kahel sa akin. Hindi ko iyon alam noon. Kung hindi niya pa sa akin sinabi, hindi ko pa malalaman.

Kaya hindi ko siya ma-contact. Gustuhin ko man siyang puntahan, pinagbawalan ako nila mama dahil kailangan kong mag-aral.

Sayelle sat beside me when she felt that I'm sad.

"Thank you, Sayelle," a tear escaped my eyes.

Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Did she changed her number?

I received a call from Kiolo in the middle of Kahel and I's conversation. The day I found out she was pregnant with our child.

"Layuan mo si Kahel, kung hindi, papatayin ko ang mag-ina mo."

He's one of the people like Barron, they're all blinded by their own greed.

Nagpadala ako ng magbabantay kay Kahel just to find out they murdered everyone there in just a day. After Kahel called me on how nervous she is, I couldn't help but cry because I couldn't think straight. I want to pull myself together.

And now it has come to an end.

I told Kahel everything after she said she's not aborting our child anymore and it's my choice if I want to go. I hurt her so bad. I always screw up.

Alam ko ang tungkol sa plano niyang paghihiganti sa akin, nahahalata ko 'yon at wala akong problema. I'm more than okay with that. Bukod sa marami akong kasalanan sa kanya, siya 'yan eh. Si Kahel 'yan. Kahit maging masokista ako, ayos lang.

Hindi ko alam na aabot si Kahel sa punto na iisipin niyang ipalaglag 'yung bata.

Umiyak ako noong nalaman ko 'yung tungkol doon. Ganoon ko siya nasaktan. Sleepless nights of her while silently crying. I couldn't help but imagine it. Lagi ko na lang siyang nasasaktan. Ito ngang nakikita ko, grabe na. Paano pa 'yung private thoughts niya? It must've been very hard for her.

Nalaman din ni Barron ang pasikretong pagpunta ng boyfriend ni Perry kaya ang boyfriend at mismong anak at apo nito ay pinapatay niya. He's a really cruel man.

Everything I've learned, I'm going to use it now to grow with la mia donna forte.

"Ano 'yan, Darell? Ang pangit ng taste mo!" Kahel looked horrified while looking at the suit I chose.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon