Chapter 13: Finding A (Part I)

112 21 0
                                    

VAI.

Nagmamadali akong lumabas ng dorm nang may marinig akong tumikhim.

It was Jam.

"Busy mo na, ah?"

Tumango-tango ako. "Marami kasing ginagawa sa club."

Nung oras na napagdesisyunan kong sasali ako at tatanggapin ko ang imbitasyon ng Detective Club ay silang dalawa ni Fay ang una kong pinagsabihan.

Suportado ako ni Jam, pero hindi ko alam kay Fay dahil sabi niya'y delikado raw. Pero pinilit din naman siya kaagad ni Jam na payagan ako kaya wala siyang magawa. Between the two of them, Jam was the one who's the go-with-the-flow type. Si Fay naman ay hindi padalos-dalos at pinag-iisipang mabuti ang mga bagay-bagay.

"Mabuti 'yan," she said and smiled, pero hindi naman umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. Saka, para pa rin siyang nalungkot. "Mas marami ka nang nakikilala, mas masasanay ka na sa school."

I smiled at her remark. Sa halip na lumabas ay umupo ako sa tabi niya. "Jam, kayo pa rin ni Fay ang unang dalawang tao na nakilala ko rito. Kahit ilang tao pa ang makikilala ko ay hindi ko naman kayo para kalimutan."

Sumimangot siya, marahil ay alam niyang pansin ko ang pagda-drama niya. "Kasi naman! Palagi ka nalang wala sa dorm, tapos kung andito ka man, busy nag-aaral o nakikipag-usap sa mga kaibigan mo d'yan sa Detective Club!" 

It was true. Kung hindi ako nagsasagot ng mga assignments o gumagawa ng mga projects o nag-aaral sa isang quiz ay palagi akong kinakausap nina Clyde.

Hindi naman sa ako ang unang tumatawag pero ang kukulit kasi nila ni Acantha kaya pati si Lili at Evan ay pinapasali kapag nagvi-video call kami.

Hindi ko naman alam na pansin pala iyon nina Jam.

"'Siya, sige na." Pagtutulak niya sa akin. "Alam kong may kaso pa kayong ireresolba dahil nagmamadali ka."

My smile widened. "Bawi ako, promise. Shopping tayo pagkatapos nito!" 

"Mag-iingat ka!" Rinig ko pang sigaw niya.

I let out a chuckle as I went outside the dorm. Hindi man naging madali ang paglipat ko sa Fryxelle High ay biniyayaan naman ako ng mga kaibigan—sa dorm, sa club, pati ang mga Fryxelle—na gumagabay sa akin dito. 

Si Rye rin. I don't know if he considers me as a friend, a club mate or an acquaintance, though.

Ngunit kaagad ding nawala ang maliit kong pagdiriwang nang maalala ang meeting namin kagabi kasama ang mga club mates ko.

Apparently, someone named Acasia had been missing. 

Biyernes ng gabi ito nangyari. At saka lang napansin ng mga kaibigan ni Acasia ang pagkawala niya noong Sabado ng umaga. She was a very silent, introverted girl kaya hindi nila kaagad napansin ang presensya nito. Saka ang sabi, inakala nilang nasa kwarto lang nito ang kaibigan kaya't hindi na sila nag-abalang hanapin ito.

"Sabado ng umaga na po namin siya hinanap para mag-umagahan." Sabi ni Sisa, kaibigan at kasama nito sa dorm. "Sabay-sabay po kasi kaming kumain lagi kaya kahit na parang hindi niya gustong lumabas sa kwarto niya ay lumalabas pa rin siya para manlang makihalubilo sa amin ng ilang sandali."

Juli nodded. "Oo nga po. Ayaw na ayaw no'n inaabala siya lalo na 'pag nagbabasa ng mga libro o may ginagawa. Nire-respeto rin naman iyon dahil gano'n naman kami lagi."

Tumango-tango si Acantha sa mga paliwanag nila at ito ang nagpatuloy sa pagtatanong. Clyde was beside her, taking notes about what they were talking about.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora