Chapter 38: Night with them

22.1K 475 5
                                    

Chapter 38: Night with them

°°°°°°

"Hon, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Drake, nandito ako sa bahay niya para magdinner mamaya ay ihahatid niya rin ako sa apartment ko. And I was occupied of what Rem told me. Kainis na babae 'yun! Pero hindi ko maiitanggi na kilig ako sa 'hon'. Tawagan kasi namin iyon since we're officially together. Oo na! Some of you will say na hindi man lang ako nagpaligaw. Ay hutang na loob! Masyado na kaming matanda para doon at ang tagal ko 'tong hinintay magpapakipot pa ba ako?

"Ahmm. Oo." Sabi ko sabay ngiti ng matamis kay Drake.

"Mommy are you gonna stay here tonight?" Tanong sa akin ni Dale na busy sa pagnguya sa kinakain niya.

"Ahm. Hindi 'eh. Kasi you know baby may bahay din ako so doon ako matutulog." Maluwanay na paliwanag ko sa kanya. Ayoko sumama ang loob niya. Pero kung ako ang papipiliin pwede naman dito na ako mag-stay kahit araw-araw pa. Charot! Ang kaso baka kung anong isipin ni Drake sa akin. Ayoko naman may something siya na hindi magustuhan sa akin. I will not let that to happen.

"But I want to sleep beside you tonight mommy. Na-miss kita 'e." Malungkot na sabi nito. Ay pusang gala! Walang ganayanan Dale alam mo naman mahina ako sa ganyan mo.

Tiningnan ko si Drake sa gilid ko para humingi ng saklolo.

"Okay, Mommy will sleep here tonight." Wika ni Drake.  Agad kong tiningnan si Dale at kita kong nagliwanag ang mukha nito.

"Yeheeeeyyy!!!" Masaya sigaw nito at bumalik sa kinakain niya. Agad kong binaling ang tingin ko kay Drake.

"Wala akong damit. Anong isusuot ko?!" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman kelangan ng damit." Pilyong wika nito. Hayop 'to! Hindi namn siya ang tatabihan ko kundi ang anak niya kaya 'wag siyang mag-isip ng kalanturan!

"Ofcourse I do!" Mataray kong sabi dito. Narinig kong tumawa siya.

"You can borrow my clothes for tonight." Wika nito.

"Oo may damit ako wala naman akong underwear." Huli na bago ko narealized ang sinabi ko! Shemay! Anong gusto mong palabasin Hannah? Gusto mo rin manghiram ng underwear kay Drake? And seriously dito talaga sa harap ng kainan?

"You can have mine if you want!" Asar nito sa akin. Sa inis ko sinipa ko 'yung binti niya sa ilalim. Bwisit 'to!

"Bahala ka, hindi ako dito matutulog!" Inis kong sabi sa kanya.

"It's okay. Bahala kang magpatahan kay Dale pagkatapos." Sabi nito. Ay bwisit!

---

"Goodnight Baby, sleep tight." Nakangiti kong ani kay Dale at hinalikan siya sa noo bago nahiga sa tabi niya.

"Night Mommy." Inaantok na sabi nito at yinakap ako.

Nahirapan akong matulog, namamahay siguro. Nakapako lang qng paningin ko sa kisame. Hindi ko maiwasang mapangiti remembering what happened this past days, masaya ako na nakasama ko na ulit sila. 'Yung pagsasama na walang halong kasinungalingan, pagkukunwari ang sarap pala pag ganun.

Sana lang magtuloy-tuloy na talaga. Nakakaloka dahil tumatanda na ako tapos nganga parin ako.

Tinanggal ko ang braso ni Dale na nakakapit sa akin ng maramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. I need water. Lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa kitchen. Agad akong kumuha ng malamig na tubig sa loob ng refrigerator. Akmang iinom na ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Taena!" Sigaw ko, ramdam na ramdam ko 'yung bilis ng pagtibok ng puso ko. Agad kong hinarap ng tampalasan na naging dahilan ng muntik ko ng heart attack.

"Ano ba Drake?! Kelan talagang manggulat?" Inis kong tanong dito lalo na 'nung maramdaman ko 'yung lamig na natapon sa katawan ko. Kaasar! Feeling ko pati kaluluwa ko nagising dahil sa lamig ng tubig.

"Sorry Hon, ano bang ginagawa mo dito? Gabi na ah?" Natatawang tanong nito. Hayop! Tuwang-tuwa pa sa ginawa niya!

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko dito?" Asar kong tanong dito.

"Sorry. Com'on" sabi niya at hinila ako papuntang kwarto niya. Umupo ako sa kama niya na inis na inis dahil sa lamig.

"Aray!" Sigaw ko ng may ibato siyang t-shirt sa akin na tumama sa mukha ko. Asar!

"Salamat Drake ha! Ramdam ko talaga ang pagpapahalaga mo sa akin!" Inis kong sabi dito bago pumasok sa banyo niya.

Agad akong nagpalit ng damit at lumabas ng banyo. Nakita ko siyang nakahiga na sa kama niya. Inirapan ko siya at tuloy tuloy na naglakad papuntang pinto ng kwarto niya para makalabas.

Hindi ko pa nabubuksan ng maramdaman ko 'yung mga braso niya na nakapulupot sa bewang ko. Goodness! He's hugging me from behind na naging dahilan ng pag-tugs-tugs ng puso ko.

"Ano ba Dr-Drake? Bitaw nga, babalik na ako sa kwarto namin ni Dale." Sabi ko dito.

"Dito ka na lang matulog." Sabi nito at hinila ako pahiga sa kama niya. Feeling ko nahipnotismo ako wala kasi akong kapalag-palag at naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa kama niya at nakapulupot ang braso niya sa may bewang ko.

"We should sleep together. I miss you 'e" wika nito habng hinahaplos-haplos ang buhok ko. You should ask him Hannah!

"Ahm. Drake .." Mahina kong tawag sa pangalan niya.

"Yes?" Tanong niya habang patuloy parin sa paghaplos sa buhok ko.

"Ahm... What are we? Ano ba talaga tayo?" Tanong ko dito and hoping na maintindihan niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at naghintay sa sagot niya.

"What are we? Im your fiance and your my fiance too." Sagot nito. Napanguso ako.

"Eh, bakit wala akong singsing?" Tanong ko. Naramdaman ko na unalis ito sa pagkakahiga sa tabi ko kaya naman idinilat ko ang mata ko.

Nakita ko itong binuksan ang drawer na nasa bedside at may kinuha doon. Pagkatapos noon ay nakangiti ito bumalik sa tabi ko at inabot sa akin ang dahilan kong bakit naluha ako.

---

Sorry for errors feel free to correct me!

Thanks for reading!

Vote po and comment po <3

I'm Hired: to be a MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon