Kinagat ni Mama ang kanyang labi. Namumugto ang kanyang mga mata, but her tears stopped falling at least. Isang minuto o mahigit din siyang tahimik bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Gusto kong kausapin si Xaiver, anak. Kakausapin ko siya at sasabihin kong wala kang kasalanan."

Umiling ako at pagod na ngumiti. "Ma, hindi na kailangan. Xaiver knows that. But he's angry and hurt that I lied to him... dahil hindi ko siya pinagkatiwalaan," paliwanag ko. "At maniwala man po kayo sa hindi, ayos lang sa akin. His feelings are valid. Ganoon din ang akin. Naisip kong kailangan din namin ng oras para sa sarili namin."

"Pero, anak—"

"Ma," pigil ko ulit sa kanya. "Promise... Alam kong nag-aalala ka lang sa akin, pero kahit ano man ang mangyari sa aming dalawa, tanggap ko. At problema rin po namin 'tong mag-asawa. Gusto kong labas na po sana kayo roon."

Iyon ang totoo. Kaya ayaw kong sabihin sa kanya noong una ang problema namin ni Xaiver ay dahil ayaw kong problemahin niya 'yon. And knowing my mother, who has given me everything she could, alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan.

I figured she would try and talk to Xaiver at hindi nga ako nagkakamali. Kung kailangan niyang magmakaawa para hindi ako hiwalayan ng asawa ko, masakit man isipin, ngunit hindi siya magdadalawang-isip na gawin 'yon. She would do that for me. Gagawin at hindi pagsisisihan. At sa totoo lang, ang isipin na gagawin niya 'yon ay mas masakit pa sa posibilidad na maghihiwalay kami ni Xaiver.

I'd rather let go of Xaiver than see my mother kneel for a second chance for me.

I spent the whole evening reassuring my mother. Ayos na sa akin ang napaintindi sa kanya ang saloobin ko. Kinabukasan, naabutan ko siyang ayos na ayos pagkatapos naming kumain ng umagahan nang papasok na ako sa trabaho.

My mother had packed a lunch and a tumbler with her. Mayroon din siyang malaking tote bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Ganoon lagi ang ayos niya kapag pupunta sa sementeryo. Sigurado akong doon siya magpapalipas ng araw. But just to be sure, I had to ask her.

"Saan po kayo pupunta, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Pupuntahan ko lang ang Daddy at Papa mo," agad niyang sagot. "Mga after lunch na siguro ako uuwi."

As expected.

I wanted to come with her, pero may trabaho pa ako. Ayaw ko namang basta na lang hindi pumasok sa trabaho dahil lang hindi kami magkaayos ni Xaiver. I had to be professional. At hindi na ako magkukunwaring kaya kong bitiwan ang trabaho dahil hindi. Mas kailangan ko ng pera ngayon. Sayang ang sasahurin ko.

"Hindi ko po kayo masasamahan, pero sandali lang, Ma. Kuha lang po ako pera..."

Babalik sana ako sa kwarto nang hinabol ako ni Mama't hinawakan ang braso. I turned to her, and she shook her head.

"Ayos na ako, anak. Madami akong naipong pera sa mga binibigay mo sa akin. Kaya ko na 'to."

Huminga ako nang malalim saka ngumiti at tumango. "Mag-taxi na lang po kayo para madali ang biyahe. O gusto ninyo po, i-book ko na lang kayo?"

"Kung ayon ang gusto mo."

Bago ako tuluyang umalis, I booked her a car para hindi na siya mahirapan pagpunta sa sementeryo. Mabuti na lang, mabilis lang ako nakapag-book at nakasakay na rin agad si Mama. Binilinan ko siyang tawagan ako kapag pauwi na para ibo-book ko na lang ulit siya.

Once she was on her way, kinuha ko lang ang gamit ko sa kwarto at lumabas na ng bahay. Medyo natigil ako nang makitang nandoon ang SUV na gamit ko. Agad lumabas si Manong nang makita ako. He quickly opened the passenger seat for me and smiled while greeting me like usual.

Play PretendWhere stories live. Discover now