May mga paparazzo na naka-abang at yung mga sa tingin kong 'fans' nakaharang don sa building na nasa kabilang side ng street side na kinatatayuan ko.

Hanggang sa nakarinig na ako ng nas malakas na tilian at sunod-sunod na flash ng mga camera.

Nahagip ng mata ko yung matangkad na lalakeng nakamaroon na snapback na nakayuko kasunod yung lalakeng napakaputi na blonde ang buhok.

Hindi ko sila gaanong maaninag dahil na din sa layo at sa dami ng taong nakaharang isabay pa yung mga kotse na nagdadaan.

May itim na SUV na mabilid na umalus at sumunod agad yung ilan sa sasakyan na yon hanggang sa mawala na agad ng tao don sa kabilang side ng street na para bang walang nangyare.

Sino kaya yon?

Nakakaintrigue na yung dami ng mga artist kung saan ako nagstastay ngayon.

Nacucurious na tuloy ako kung sino yon...

Kung sino ang mga iyon.

.....................................

Hindi ako nakatulog kagabi dalawang bagay lang naman kung bakit.

Una, excited ako para sa first day ng first project ko.

Pangalawa, kinakabahan ako para sa bagay na yon.

Bagong mga tao ang makakasalamuha ko at syempre panibagong pakikisama.

Sa tinagal na ako lang mag-isa halos natutunan ko ng mag-adjust at makibagay sa mga tao sa paligid ko.

Lalo na nung college na halos iba-iba ang mga classmates ko at natutunan kong sarili mo lang ang maasahan mo wala ng iba.

Bitbit yung sling bag at yung camera bag ko papunta na ako ngayon sa location na nakasulat don sa paper na ibibigay sa akin.

Amsterdam.

May sumundo sakin sa hotel kanina para ihatid ako. Nakaka-aliw pagmasdan yung nga structure ng buildings na nadadaanan namin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas muna yung camera ko para makunan ng mga ilang mga shots ito.



/FLASH BACK/

Nandito na ako sa office branch ng company namin sa Europe. Maganda yung structure ng building at talaga namang hindi nalalayo sa US.

Pumunta na ako agad sa secretary at sinabi yung appoitment ko. Tinawagan niya yung chief para sabihin na nandito na ako maya-maya lang tinignan na niya ako at tinuon ang buong attention niya sakin.

"You can go to his office now Ms.Medel."

"Thank you."

Binigay niya na sakin yung direction at madali naman akong nakarating. Kumatok ako ng 3 beses bago pumasok sa loob at naabutan na may nakatayong lalake na may hawak ng phone.

Hindi ko naman magawang makapagsalita kaya naghintay ako hanggang sa mapansin niya na may kasama na siyang tao sa loob.

Sumeyas siya sakin na maghintay lang ako saglit bago niya ibaba ang phone.

"Umm... Good afternoon sir. I'm Gabriella Mendel--"

"I'm Erick one of the chief in here." He cut me off by saying those words. Magsasalita pa sana ako para ng maunahan niya akong magsalita ulit.

"I just need you to sign this paper and give you this folder."

Meron siyang nilapag na paper at ballpen sa harapan ko.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon