Chapter 7

1.4K 48 4
                                    

Niyakap ko ang unan sa tabi ko. Ugali ko na talaga ang yumakap sa unan ko pero bakit parang may kakaiba sa unan ko ngayon.

Kinapa-kapa ko pa ito habang nakapikit ang mata para makasigurado kung unan ko ba talaga 'to.

"Fuck, baby stop that baka hindi na kita paalisin dito sa kama," agad akong natigilan nang marinig ang boses ni Levi.

Pagbukas ko ng mata ko ay ang nakangisi niyang mukha ang bumungad sakin halos hindi ako makatingin sa kaniya nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Titig na titig na siya sa akin kaya na conscious tuloy ako baka may muta o tuyong laway ako.

"Good morning, baby."

Damn that husky voice. Kahit wala pang toothbrush mabango parin ang hininga nahihiya tuloy akong magsalita baka bad breath pa lang ako kaya tumango lang ako.

He laughed. Alam niya siguro ang iniisip ko kaya nagtangka siyang halikan ako sa labi, siyempre umiwas agad ako bago pa mapunta nanaman sa kung saan ang halik na yan.

He pulled me for a hug at halos mapasinghap ako ng maramdaman ang mainit niyang katawan sa katawan ko. Doon ko lang narealize na wala pa pala siya suot kundi boxer.

I remember last night that he cleaned me up before I totally fell asleep kaya wala na akong ibang suot ngayon kundi ang white polo niya na masyadong malaki para sa akin.

"L-levi, magtatanghali na baka nag-aalala na si Celine," rason ko dahil mukhang wala siyang balak pakawalan ako.

"Hmm. Five more minutes, baby."

Hinayaan ko na lang siya dahil halata namang hindi 'to magpapatalo at isa pa hindi ko pwedeng kalimutannna may utang na loob ako sa kaniya.

Wala pang limang minuto na nakayakap siya sakin ay tumunog na ang tiyan ko dahil sa gutom at alam kong narinig niya yon.

Kumunot ang noo niya dahil doon at agarang tumayo. Napaiwas pa ako ng tingin ng makita ang bakat sa boxer niya at ang 6 pack abs niya.

Damn, ang yummy. Joke.

"You should have told me that you're already hungry, Anastasia."

"Eh? ikaw tong may pa five minutes pang nalalaman."

"Tsk, I'll cook breakfast. Stay here or if you want to watch your husband cook feel free."

Husband? nakakapanibago pakinggan.

Sinundan ko lang siya ng tingin papunta sa banyo.  Hindi niya ito isinara kaya mula dito sa kama ay kitang-kita ko kung paano siya mag hilamos at toothbrush. Kahit na iyon lang ang ginagawa niya parang napaka professional paring tignan.

Hinintay ko muna siyang makalabas bago ako bumangon dahil bukos sa polo niya ay wala na akong suot kahit underwear man lang.

Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago tuluyang umalis kaya pulang pula ang mukha ko ng makita ko sa salamin sa banyo.

Kahit banyo niya ay halata mong mahal ang mga kagamitan. May mga extra toiletries rin sa cabinet kaya yung ang ginamit ko.

Pati banyo ay ka-amoy niya. Very manly. Malamang nandito yung mga body wash niya self, walang common sense.

Nag-decide akong mag quick bath bago bumaba at siyempre kinapalan ko na ang mukha ko nakialam narin ako sa mga kagamitan niya.

Ano ngayon asawa ko naman siya? so weird akala ko ba ayaw mo self?

Sa pangalawang pagkakataon ay kumaha nanaman ako ng damit sa closet niya. Nakita ko ang uniform ko na maayos na nakatupi sa gilid kanina pero alangan naman na gamitin ko pa yon dito ngayon.

His Obsessive WaysWhere stories live. Discover now