"Akala ko rin po La....asan po si Dale.."mahinang tanong ko....

"Naroon sa kwarto niya Hija,mahimbing ang tulog niya,madaling araw pa lamang..
Nagising lang ako dahil sa sigaw mo kaya nagmadali akong pumunta dito"nag aalalang sabi niya at inabutan ako ng tubig.....

"Sorry po"

"Ano ka ba!Lola mo ko kaya kahit ano pa yang pinag daraanan mo nandito lang ako Dane anak."

"Maraming salamat po La,baka kung wala kayo hindi ko alam kung anong mangyayare samin ng anak ko...hindi ko kakayahin mag isa...buti nalang nandiyan ka po"at mahigpit ko siyang niyakap.....

"Lilipas din yang masamang pakiramdam na iyan hija....Pilitin mo lang na kalimutan,at hayaang mag hilom ang sugat na iniwan sayo ng nakaraan....."

"Okay naman na po ako,bumabalik lang ang sakit tuwing binabangungut ako..."

"Ganon siguro talaga anak... Mabilis mag hilom ang isip pero hindi ang puso....."

"Buti nalang nandiyan si Dale,Kahit papano ay napapasaya niya ko....."

"Nako ang batang yun!Kay sigla sigla,minsan naman sobrang tahimik at minsan naman parang matanda kung mag salita!"natatawang aniya kaya natawa rin ako.....

Kahit papano ay gumaan na ang pakiramdam ko....

"O siya't mag luluto na ko ng agahan natin,maaga pa tayong pupunta s Hacienda Vientes at may importanteng sasabihin daw si Don William..."

"Sige po mag hahanda na rin ako,gigisingin ko lang po si Dale..."

"Sige sige,paliguan mo na rin pagkatapos ay kakain na tayo"

Pag labas ni Nanay ay napatingin ako sa labas ng bintana at makikita ang unti unting pag liwanag ng paligid....

Napangiti ako dahil araw araw ko itong napapag masdan....

Ang pasikat ng araw ay nag dudulot ng kakaibang pakiramdam sakin......

Naalala ko yung dating ako.....

Yung masaya lang.....

Pero mayalong malayo na ko sa dati,binago ng tadhana ang pag katao ko.

Dahil siguro sa nangyari noon kaya naging ganto ko......

Naging tahimik at hirap mag tiwala sa ibang tao.....

Eighteen years old lang ako ng mangyare ang lahat at ngayon twenty three na ko....

May mga taong nawala at may mga taong dumating din sa buhay ko... buhay namin ng anak ko.....

Mawala na ang lahat wag lang ang anak ko.......









"Nanay bakit madaming tao po?"tanong ng anak ko sa tabi ko.....

"Merong mahalagang sasabihin si Don William anak"

"Ano pong sasabihin niya?"

"Hindi ko pa alam anak"

"Bakit hindi niyo po alam?"

"Kase hindi pa sinasabi"

"Bakit hindi pa sabihin?"

"Jusko kang bata ka!ang dami mong tanong sa nanay mo,tumahimik ka lang diyan at pababa na si Don William"

"Lola"

"O ano yun?"

"Bakit po siya bababa?"

"Kase nga may sasabihin siyang importante"

"Ano pong importante?"

"Jusko ka!maghintay ka nalang!Nakaka bangag kang kausap hija!"

Natatawa ang mga nasa paligid namin dahil sa anak ko....

The last heir Where stories live. Discover now