Nanghihina akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Bawat sulok ng bahay si mama ang naaalala ko.

Pati si kuya.

Huminto ako at lumingon sa kwarto ni mama. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni mama.

Nagtataka akong lumapit sa isang table na nasa tapat ng kama ni mama.

Kunot noo akong umupo at binuksan ang isang box na nasa gilid.

Palihim akong napangiti sa nakita ko.

Picture namin ni kuya at ate simula no'ng bata kami.

Pati yung picture nila ni papa na kinasal sila.

"Miss na kita."

"Miss na kita agad, kayo."

Binalik ko lahat ang pictures sa box at dahan-dahan kong sinara ang pintuan ng kwarto ni mama at pumasok sa kwarto ko.

Matamblay akong humiga sa kama at tulala sa kisame.

Kaya ko ba 'to?

Parang hindi.

Ikaw na lang mama at si kuya ang meron ako.

Iniwan mo pa kami.

Bigla kong naalala si kuya.

Nasabi ni tita na hindi pa raw nakakarating si kuya sa Japan.

Hindi kaya?

Zamara 'wag kang mag isip ng kung ano-ano.

Sana naman ayos lang yong kutong lupa na 'yon. Saan kasi na naman siya nag susuot?

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ulit si kuya.

Cannot be reached ulit.

Tinext ko na lang si kuya.

"Kuya si mama wala na."

"Balikan mo ako rito. Hindi ko ata kakayanin 'to."

Nilapag ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko at humiga at niyakap ang unan ko. Unti-unting pumikit ang mga mata ko.

Nagising ako sa sinag ng araw.

Hindi muna ako bumangon wala talaga akong gana.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Nagmamadali ko yun kinuha baka si kuya.

"Lucas lang pala."

"Hello?"

"Baba ka dala ko na." Sabi ni Lucas.

Agad akong bumangon at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nakita ko si Lucas na naka jacket na black at naka pants na black at naka cap. Black na black ang baliw.

Mukhang magnanakaw.

Inabot sa akin ni Lucas burial jar.

Tinignan niya ako sa mata. Ngumiti lang ako ng tipid at tinalikuran siya.

"Hayaan mo munang samahan kita." Lilingunin ko sana si Lucas pero nagulat ako kasi siya pa naunang pumasok ng bahay.

Hindi ko rin napansin na may hawak siyang pagkain.

Umiling na lang ako at bago ako pumasok ng bahay sinara ko muna ang gate.

Naabutan ko siya na nilalabas lahat sa plastic yung dala niya.

Nilagay ko muna ang burial jar sa altar namin.

"Sinabihan lang ako ni Blake na samahan kita hindi ka raw niya masahan dahil na rin kay Noah at nay ka problema rin." Paliwanag niya sa akin.

Umupo ako at pinagmamasdan lang siya.

Tumingin siya sa akin na walang gana.

"Para naman akong kumakausap sa pader." Reklamo niya.

Kahit kailan talaga 'to.

"Si kuya..." Natigilan siya saglit at tumingin sa akin.

Umupo muna siya sa harapan ko bago siya sumagot.

"What's wrong with him?" Lucas asked.

Huminga ako ng malalim.

"Nagtataka lang ako kasi kapag nakauwi na si kuya sa Japan lagi niya ako tinatawagan. Tapos kahapon triny kong i-contact siya kaso cannot be reached hinahanap nga sa akin ni tita. Sana walang nangyaring masama sa kan'ya." Ginulo niya ang buhok ko at inabutan ako ng pagkain.

"Everything will be okay." Ngiti niyang sabi sa akin.

Tahimik lang kami kumakain. Nang matapos na ako kumain sinabihan ako ni Lucas na siya na raw mag huhugas ng pinggan nag pa alam rin ako na aakyat muna ako.

Kinuha ko ang burial jar ni mama at pumasok sa isang kwarto.

Kwarto na hindi namin ginagamit at ilang taon akong hindi pumasok dito.

Bumungad sa akin ang isang lamesa na may puting tela at dalawang burial jar.

Nilapag ko ang burial jar ni mama sa pagitan ni papa at ate.

Hindi na magiging malungkot si mama.

Palagi ko kasi siyang nakikitang umuiyak dito sa kwarto habang tinitignan itong burial jar.

Kumuha ako ng kandila sa cabinet at sinindihan.

Bago ako lumabas ng kwarti ay pinatay ko muna yung ilaw.

Hinayaan ko na muna si Lucas sa baba at pumasok sa kwarto ko para maligo.

Nang matapos ako maligo bumaba agad ako nakita ko si Lucas na nasa sala at seryosong seryoso na nakatingin sa laptop.

"Busy?" Napa angat ang tingin niya sa akin.

Ngumiti siya sa akin at umiling.

"Lalabas lang ako saglit mag papahangin lang."

"Teka samahan kita." Sabi ni Lucas at kinuha yung long sleeve na black na nasa gilid niya.

"Tuloy mo na 'yan gusto ko muna mapag isa."

Walang nagawa si Lucas kun 'di hayaan ako.

Pag labas ko ng bahay napatingin ako sa langit. Mukhang uulan makulimlim kasi.

Kakalakad ko nakapunta ako sa park.

Himala wala masyadong tao. Umupo ako habang pinagmamasdan yung dalawang bata na nasa harapan ko at naglalaro.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti nakikita ko yung sarili ko sa batang babae tapos yung batang lalaki nakikita ko si kuya.

"Bahala ka dyan!"

"Bahala ka rin! Sino tinakot mo?!"

"Hoy kuya mo ako!"

"I. Dont. Care."

Natawa ako sa sinabi ng batang babae talagang baka emphasize yung I don't care. Bigla siyang tumakbo palapit sa mama nila. Napgdesisyunan ko na mag stay muna saglit dito.

Maya-maya chineck ko ang oras.

4:30 pm na.

Napagpasyahan ko na umuwi na. Habang naglalakad ako bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Naningkit ang mata ko nang may nakita akong mag kasintahan. Nang nasa gate na ako napahinto ako.

Para akong binagsakan ng malamig na tubig sa nakita ko.

Kitang-kita ng dalawa kong mata kahit medyo malayo sila sa akin.

Si B-blake?

Kasama si Styzy?

Hindi ako nakagalaw lalo nang niyakap siya bigla ni Styzy.

Nagmamadali akong pumasok ng bahay.

Hindi pa ako nakakapasok nang narinig ko ang boses ni Lucas.

"What?! Zavier is dead?!"

Si k-kuya?

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now