Anim na taon. Anim na taon ang hinintay ko para dito. Dati naiisip ko, ano kaya ang sasabihin ko sakanya? Masasabi ko kaya na sobra akong nangulila nung wala siya?


Na-sobrang hindi kumpleto ang pagkatao ko nung na wala siya?



Nakita ko ang pagkabalisa nang kanyang dalawang kamay at sabay na pinaghawak ang mga ito. Tinalikuran niya ako. Huminga siya nang malalim tsaka niya ako hinarap ulit.


Ngumiti siya. Pero walang emosyon ko lamang siya tinignan pabalik, "Ano po ang kailangan niyo sa'kin?" tanong ko nang makabawi ako sa pagkabigla.



Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nagkakamali na siya 'to, siya ang nasa harapan ko.



May magandang mahabang buhok. Ang nakangiti niyang mga mata na para bang nangungulila. Hindi ko siya nakalimutan kahit minsan.



Napahawak siya sa mesa nang nawalan siya nang balance. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin. Pero may kung anong pumipigil sa'kin.


Alam kong siya ito pero kung siya nga bakit hindi niya ako tinawag sa pangalan ko? O baka naman guni-guni ko lang 'to?


"A-are you Zak's girl?" nginitian niya ako nang may pag-aalinlangan.



Bumilis lalo ang pagtibok nang puso ko.



Zak?



Anong kinalaman ni Zak dito? Hindi ako nakasagot sa simpleng tanong niya. Nagkatitigan parin kami sa isa't-isa.



Kahit na hirap na hirap ako at nag-iinit na ang mga mata ko ayaw kong lubayan ang pagtingin sakanya. Gusto ko siya titigan nang matagal. Makita ang mga nagbago at nanatili sakanya.


Pinutol niya ang pagtitig sa'kin dalhin tinalikuran niya ako. Tinalikuran niya ulit ako. Kasabay nang pagtalikod niya sakin ay ang pagtulo nang takas na luha ko.



Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang lapitan tulad nang paglapit ko sakanya tuwing nasasaktan ako..



"O-oh. Who would answer the stranger's question, right?" aniya



Naglakad na siya sa papunta sa pintuan. Aalis ka nanaman ba ulit? Katulad nang dati?



"W-well, you guys are too young to be in a relationship. You should study first." habang binabitawan niya ang mga salitang iyon ay hindi parin niya ako hinaharapan.

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now