"At poprotektahan mo pa talaga iyang pokpok mong-" Hindi ko na ito pinatapos mag salita at binigyan ko ito nang malakas na suntok. Narinig ko ang gulat na sigaw ni Ash pero hindi ko ito pinansin.

"Listen here, jerk. Lumapit ka pa ulit kay Ash at hindi lang 'yan ang makukuha mo." Padabog naman itong tumayo habang pinupunasan ang labi netong duguan. "Hindi pa 'to tapos, Asher!"

Akmang susugurin ko ulit eto nang may nagsalita sa likod namin. "WHAT IS GOING ON HERE?!" Napatingin kaming tatlo sa boses na ito.

Si Asp at Mavy ay mabilis na tumakbo papunta sa amin habang mayroong tatlong propesor sa likod 'din nila. Sino pa ba diba? si Ms. Avellino, Ferrer at Solis lang naman.

"Ikaw! anong ginawa mo sa kambal ko?!" Sinugod ni Asp ang dakilang boyfriend ng kambal niya pagkatapos makitang nanginginig sa takot ito at may pulang marka ng kamay sa leeg at braso niya.

"Oh my god! Sanchez stop!" Hinila naman papalayo ni Ms. Ferrer si Asp dahil hindi ito tumitigil sa pag suntok. Kulay violet na nga mukha neto at hindi na halos makilala. Kawawa naman, kidding.

"H-humanda talaga kayo! lalo ka na A-Asher!" Utal utal na sinabi ni Keithan habang umuubo na. Biglaan ko naman ito hinawakan sa kuwelyo niya ng mariin.

"Subukan mo lang, Keithan." Pagbabanta ko habang nilapit ito sa akin.

"Ik zal je laten zien, hoe erg de duivel echt is (I'll show you how bad the devil can be.)"

"Я убью тебя, ты ублюдок (I will kill you, you bastard.)"

Narinig ko naman nag salita ng russian si Asp na tila sinusumpa yung boyfriend ng kambal niya habang nakakuyom ang mga palad neto.

Si Ms. Ferrer naman ay hindi pa ito binibitawan dahil baka sugurin muli niya si Keithan. Tanggalin na pala ang 'baka', susugurin talaga niya yan.

"Stop! I can't understand shit! Mr. Mendez right? the ambulance is on its way." Naiiritang usal ng blonde na propesor. "You four! follow me!" Tinuro niya kami at nag lakad na papalayo.

"Luh! bat damay ako?!" Napakamot si Mavy sa batok niya. "Ay oo nga pala, tanginamo!" Nag bago naman ang ekspresyon neto at sinipa sa Keithan sa may tyan.

"Cortez!" Gulat na sigaw ng dalawang propesor. Nag peace sign naman si Mavy at inirapan si Keithan. Napailing nalang kami sa kaniya.

"Hayaan niyo na si Mr. Mendez diyan, lets go." Pagkatapos ni Ms. Solis ito sabihin ay agad niyang nilapitan si Ash para alalayan ngunit iniwasan lang niya ito at tuloy tuloy lang nag lakad.

Napabuntong hininga naman si ma'am at agad na humabol kay Ash. Sinilip ko naman si Asp na ngayon ay mukhang galit padin habang si Ms. Ferrer ay nakakapit sa braso neto.

"Edi kayo na may professor, what about us?"
Bulong na sabi ni Mavy habang pinapadyak padyak ang sahig. Umiling naman ako at inakbayan ito. "May Genesis ka naman." Pang-aasar ko sa kaniya.

"I-close na ang mouth, Harvs." Pagtataray niya sa akin habang inirapan pa ako. "Kinikilig ka lang 'eh." Nginisian ko si Mavy habang tinutusok ang pisnge neto.

"Papa mo blue! ayaw nga ako i-crushback." Umiling-iling ito at pinagkrus ang kaniyang braso. "Mukha ka daw kaseng ipis."

"Baka akala mo nakalimutan ko na yung pag pukpok mo sa akin ng martilyo?" Sinamaan niya ako ng tingin. Kabado ko siyang nginitian. "Kiss na lang? diba mahal mo naman ako?"

"Wag, para kay Genesis lang 'to." Napatawa naman ako sa mga imaginations "Pag hinalikan ka niya siguro panaginip mo lang 'no?" Tinaasan niya ako ng gitnang daliri at nauna nang maglakad.

Not So Bad Där berättelser lever. Upptäck nu