Chapter 6. Another Murder

Start from the beginning
                                    

"Why? Why did you do that?" singhal ko sa kanya sa telepono.

"Eva," seryoso nitong sagot sa akin sa matiim na tono. "I had to. They can't do that to you, lalo pa't pulis pa ang naghahanap sa 'yo! We have to set the records straight here dahil kapag naamoy ito ng media, mahihirapan kang ipaliwanag ang side mo kailangan unahan na natin sila."

"Ano ba'ng kinakatakot mo, e, wala naman akong ginagawang masama? Hindi ako ang killer!"

"Eva." His tone of voice changed, becoming more serious. "I never said that you are the killer! Two things here, ayokong maulit ito na basta na lamang nilang ibibigay ang contact information mo sa kung kani-kanino. Paano kung masamang tao 'yon? Your dad is a politician, alam mong marami siyang kaaway at pwede ka nilang saktan so that they could get to your father—"

"Too bad I'm not that important to him."

"They don't know that. Another thing is if the smoke about this meeting with the police gets out, magkaroon man ng clarification o hindi sa media, this will create rumor and doubt. This shouldn't happen again. Kaya kailangan ng leksyon ng editor mo."

"Anong leksyon ang sinasabi mo? Hindi mo pwedeng ipakulong si Iry! Siya na nga lang ang malapit kong kaibigan sa kompanyang 'yon! River, I'm not asking. I want you to withdraw your charges on her. I want it done. Now."

"No."

"Please."

"No, Eva."

"River! Goddamn it!"

"Murahin mo ako hangga't gusto mo. Basta tuturuan ko ng leksyon 'yang editor mo. Pati na rin ang pulis na nang-iistorbo sa 'yo. The next time she talks to you, she'll face charges too."

"River, bakit mo ba ginagawang big deal ito? Alam mo sana hindi ko na lang sinabi sa 'yo kung alam ko lang na magre-react ka nang gan'yan!"

"I'm sensitive to these kind of things Eva. Somebody throws an egg at your face or upload your stories online without consent, wala kang maririnig sa akin kapag hindi mo hiningi. Pero ang kausapin ka ng pulis tungkol sa isang seryosong serial murder case, that's a different story. It could go sideways you know."

"River—"

"It's six fucking o'clock in the morning. I have a client to meet today. I can't talk to you now, Eva," pagtatapos niya ng diskusyon. Base sa tono niya, hindi na niya gustong marinig pa anuman ang sasabihin ko at pinal na ang desisyon niya. Kaya naman nanlumo ako nang patayin niya ang telepono kahit na nagsasalita pa ako.

Hindi ko alam kung paano ililigtas ang editor ko sa gusot na ito. Hindi madaling kalaban si River. Kahit kumuha ng abogado si Iry ay matatalo ito. Atty. River Torrez, once he set his mind to something, it's impossible to stop him. Kailangan kong mag-isip ng paraan para siya na mismo ang magwi-withdraw ng reklamo.

***

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. I needed to talk to this idiot in person. Hindi niya ako pakikinggan sa telepono lang. Kaunti na nga lang ang kaibigan ko, ipagtatabuyan niya pa ang isa. Bukod doon, baka masira ang contract ko sa publishing house. Ayokong mag-umpisang muli at makipag-usap na naman sa kung sino-sinong tao para lang maipagpatuloy ko ang pagsusulat ko. That would be the death of me already.

Nasa kalagitnaan ako ng daan papunta sa office ni Atty. Torrez nang tumunog ang cellphone ko. I received a text message from him.

'Fine. I'm withdrawing the charges. But this will be the last time I'm tolerating this, Eva. You better tell them that.'

Napangisi ako.

'Yes, Dad.' I mocked him.

Binalikan niya ako ng emoji na umuusok ang ilong sa galit. I smiled. It's always reassuring to think that I have this stubborn bull to back me up every time.

Matapos kong paikutin ang kotse pabalik sa apartment, binuksan ko ang radyo. Ililipat ko na sana sa istasyong paborito ko nang marinig ko ang isang balita. Natigil ang kamay ko sa istasyong iyon na para bang awtomatikong gusto kong marinig ang lahat-lahat tungkol doon.

Another murder case. Isa na namang buntis na estudyante ang pinatay ilang araw na ang nakakaraan at ngayon pa lang nakikita ang bangkay. Just like the previous cases, wakwak daw ang tiyan, kinuha ang fetus sa loob ng katawan saka tinahi gamit ang pulang nylon.

Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa manibela. Napalunok ako at naghabol ng hininga. I didn't realize I was holding my breath the entire time. Kumakabog nang mabilis ang puso ko, kinailangan kong i-park ang sasakyan sa gilid ng daan dahil hindi ako makapag-focus sa pagda-drive.

Inabot kong muli ang cellphone ko. Tinawagan ko ang bagong numerong nadagdag sa contacts ko.

"Officer Ana Rodriguez? Si Eva 'to," mahina kong pakilala. Hindi ko pinahalata ang nginig sa boses ko.

"Miss Eva? Napatawag po kayo."

"Pwede ba tayong magkita?"

"Busy po ako ngayong araw dahil sa bagong kaso—"

"Same modus, right? The red nylon," kaagad kong singit sa kanya. Alam ko na kaagad na siya ang may hawak ng kaso. "Narinig ko sa balita. Nakilala na ba kung sino ang biktima?"

"Ms. Eva, alam po ba ng lawyer niyo 'to? Nagpadala kasi siya ng notice sa opisina. Hindi na ako pwedeng makipag-usap sa inyo tungkol sa kaso kundi magpa-file ng reklamo ang abogado ninyo."

"Hindi alam ni River 'to. Hindi ko rin siya inutusan na magdala ng warning sa inyo kaya nakasisiguro kang walang magagawa sa 'yo si Atty. Torrez. I wanted to help in any way I can. Kung hindi tayo pwedeng magkita, kahit sa telepono nalang. May ebidensya ba sa crime scene this time? May suspect na kayo?"

Bumuntonghininga ang officer, nag-isip kung sasagutin ang tanong ko.

"Wala po. Malinis ang crime scene, walang bakas na naiwan. We have semen samples again found in the victim's vagina just like the last time pero hindi namin ma-match kung kanino. The killer is pretty much like a ghost. Matalino po at mukhang alam na alam ang ginagawa."

"Do you have pictures?"

"I can't let you see it, Ms. Eva. I hope you understand."

Nadismaya ako. Kasalanan ni River 'to, e!

Ilang sandali pa ay pabulong na sinabi ni Ana. "We will be escorting a VIP later this afternoon. Sa isang university. Maraming tao roon, pwede kong ipakita sa inyo ang kopya."

Napasinghap ako. "Thank you, Ana!"

"Alam ko pong makakatulong ka sa kasong ito. So I know it's worth the risk."

"I will not jeopardize your job, Ana, I promise you that. Gusto ko lang makatulong na matapos na itong kasong ito. This is getting really disturbing now. Hindi ko rin mapapayagan na maungkat pa ng media ang pagkakapareho ng modus ng killer na ito sa isa sa mga tauhan ko sa libro. Kapag nangyari iyon, maaaring masira ang pangalan ko. Kaya naman gusto ko nang matapos na ang kasong ito. Kaya salamat, Ana, at hinahayaan mo akong tumulong."

The Dark Side of EveWhere stories live. Discover now