Chapter 10: Officially a Member

123 22 0
                                    

VAI.

Umawang ang labi ko nang tuluyang makapasok sa secret room kuno sa loob ng silid ng Detective Club.

Naroon ang iba ko pang club mates na nakilala ko seven days ago. Yep, it's been a week since I became a member of the Detective Club. And boy, I would say, my club mates are amazing.

"Ang galing, 'no?" Clyde Roan, our club's hacker, pointed at the camera that was automatically following his moves.

Beside the camera, there were a lot of high technology gadgets.

Lumapit siya rito at saka itinutok ito sa 'kin. I wasn't able to get myself ready when I heart the shutter. Kaagad namang nag-rehistro ang mukha ko sa malaking projector, dahilan para mamula ang buong mukha ko. Mabuti nalang at hindi ako nakanganga sa picture!

"Oh, ganda!" sabi ni Clyde na tuwang-tuwa sa sarili. He was the one who programmed and made the camera, after all.

"Kaya ka nitong pagandahin nang walang filter." Humalakhak ito.

During the first day we met, there were no awkward moment I had with Clyde. Ang galing niya kasing makisama. Friendly, funny, and a happy-go-lucky guy.

"Ayan na naman si epal." Acantha Aguilar, o Acantha, interfered. Mula sa pagsasandal sa hamba ng pinto ay lumapit siya sa akin.

"Huwag kang magpapadala sa mga bola niyan, Rain."

Yep, while everyone was calling me Vai, they realized they should be unique and so, the nickname Rain from Rainelle was made.

"Anong hindi magpapadala?" Singit ni Clyde. "Ikaw lang naman ang hindi napapaganda nitong camera ko."

Acantha raised an eyebrow. "Bakit, kasi pangit ako?"

"Nope," Clyde had this lopsided grin. "Kasi maganda ka na."

Saka siya kumindat kay Acantha.

Namula naman ang huli, pero ipinakita pa rin ang inis sa lalaki.

"Yuck!"

"Masasanay ka rin," a girl beside me said. Nangingiti niyang tiningnan ang dalawang aso't-pusa, dahilan para mapangiti na rin ako.

If Acantha is the beauty, I'd say Lili's the brain. Liliane Alonda, the club's brain. Maliban kay Rye kasi, na ayon sa kanila ay hindi naman daw palaging nandito, ay si Lili ang tumatayong leader ng group. I've never seen her use her skills, though, but I knew it already.

"Nasasanay na," natatawa ring aagot ko kay Lili, dahilan ng kanyang maliit na pagtawa.

"You know . . ." she trailed. "Gulat na gulat talaga kami nung nasabi sa amin na may bagong member, lalo na't transferee pa't hindi namin alam kung sino." Kuwento niya.

Tumango ako. Maging ako rin naman, mag-iisang buwan palang dito ngunit ang dami nang nangyari.

"But then, there's nothing wrong about welcoming a new member."

I smiled. At first, I was hesitant to join the club. Alam ko namang wala akong experience at bagong-bago sa akin ang lahat, pero masaya ako dahil ramdam ko naman ang sinseridad nila nang sabihin nilang welcome na welcome ako sa grupo.

"Thank you, Li."

She gave me a small smile.

Hindi nagtagal ang usapan namin ni Liliane at ang bangayan nina Acantha at Clyde nang may kumatok sa pintuan. Hindi na ito nag-abala pa at siya na ang nagbukas ng pintuan para pumasok.

"Guys," Evan faced us as he shut the door closer. "Rye's looking for us."

That's Evanther Garcia. The club's spy. Magaling kasi daw talaga siyang magtago at magdiskubre ng mga bagay-bagay.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now