Chapter 9: Decision and a Date

123 21 0
                                    

3RD PERSON.

Dahil sa naganap kanina, napagtanto ni  Vai ang magiging desisyon niya.

Buo na ang loob niya. She wanted to help people and herself—and she can do that by discovering secrets together with her co-club members in the Detective Club.

Hindi niya naibigay ang sagot kay Rye nang tanungin siya nitong muli matapos nilang maresolba ang kaso ng pagkamatay ni Tracey Gomez. 

Pero bukas na bukas . . . pupunta siya sa Club nito at ibibigay ang sagot niya.

Napatihaya siya at napatitig sa kisame ng kanyang silid.

'Remember, don't let your pride be bigger than your love.'

Naalala niya ang sinabi ng Uncle Drew niya bago siya lumayo rito at nagpunta sa school.

Uncle . . . kung narito ka ba, matutulungan mo ba ako sa mga gagawin kong desisyon?

***

VAI.

Malakas ang buntong-hininga ko habang nakatayo sa harap ng pintuan at nakatitig sa sign na nakalagay rito— Detective Club.

I knocked the door twice with my sweating firt. Katulad noon, walang sumagot. Pero nanatili lang akong nakatayo.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto.

Tumaas ang kilay ni Rye nang makita ako, "You have patience now, huh?"

"A-ah . . ." I couldn't say anything. Come on, Vai! Hindi ka naman ganito. You are always composed and confident.

He opened the door widely and motioned me to come inside. Agad naman akong tumalima. 

He went to sit on his chair and intertwined his fingers while his arms rested in the desk. His ash grey eyes immediately went to meet my dark blue ones.

"What made you come here?"

Ito na talaga. Wala nang atrasan 'to, Rainelle Vaile. 

"I . . . I accept the offer," mahinang sambit ko.

Saglit na dumaan ang katahimikan sa buong silid. Kung hindi lamang sa naka-on na aircon ay wala na 'kong ibang ingay na maririnig. I bit my lower lip because of the pressure, I even bowed my head because I couldn't keep with his intense stares.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita siya.

"Welcome to the Detective Club, then."

Maang akong napatingin sa kanya. Gano'n na pala kadali iyon? Wala man lang kagaya ng mga ibang club?

"Wala nang audition o ano pa man?" I asked. 

I saw how the side if his lips rose. "Of course there is none. I mean," tumayo siya at naglakad papalapit sa 'kin.

Unconstrained, I walked backwards for a few steps.

"Unless you're applying to be a member, you'll automatically undergo an audition. But in your case," tumigil siya sa paglapit nang nasa harapan ko na siya. "You were invited."

Napatango nalang ako. I can even smell him dahil ilang metro nalang ang layo niya sa 'kin. Surprisingly, for a guy who's very dominant-like, he smelled like cherries and vanilla. 

"A-ah, ganoon pala . . ." I just uttered. Putangina.

"Yes." He answered.

"O-okay."

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now