"Ma'am... may kaaway po ata Mama mo?" nag-aalangang sabi ni Manong.

"Dito na lang po ako, Manong. Salamat sa lahat," nagmamadali kong paalam sabay kuha ng bag.

Kahit umaandar pa ang sasakyan, wala akong pakialam at mabilis na binuksan ang pintuan. Gulat na napatapak sa preno si Manong para lamang hindi ako maaksidente.

The impact didn't faze me. Mabilis akong bumaba. Ni hindi ko na nasarado ang pinto. Nagmartsa ako palapit kay Mama at sa lakas ng boses nila ay narinig ko agad ang pagtatalo.

"Parang isang daang libo lang hindi mo kami mapahiram! Nakakailang balik na kami rito! Nagpapakumbaba na nga kami. Ano pa ba ang gusto ninyo?" reklamo ng Tita ko, kapatid ni Daddy.

Kasama niya ang asawa niya na malaki ang katawan. Agad akong natakot para kay Mama. Nawawalan na sila ng pasensya. At sa narinig ko, mukhang hindi ito ang unang beses na dinalaw nila si Mama. Ayaw ko nang isipin pa kung ano ang puwede nilang gawin kapag tuluyang napatid ang pasensya.

"At ilang beses ko na ring sinabi sa inyong wala akong pera, Carmela..." mahinahong sabi ni Mama.

"Wala? Anong wala? Sino'ng niloloko ninyo ng anak ninyo ni Kuya?" nanghahamong tanong nito. "Alam na nga namin na ikinasal ang pamangkin ko kay Xaiver Dela Vega. Mga Dela Vega 'yon! Ubod ng yaman! Tapos sasabihin mo wala kayong pera?"

"Oo nga. Ilan ang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya no'n! At saka hindi naman kami pupunta rito para manghingi ng tulong kung hindi namin kailangan na kailangan. Nagkataon lang na kailan ni Carmela ng pang-opera," sabi naman ni Tito.

"Kahit ano pa ang sabihin ninyo, paulit-ulit ko ring sasabihin sa inyo na wala nga akong pera."

"Oh sige! Wala ka ngang pera! Bakit hindi ka muna humiram sa manugang mo, Ate?" walang kahiya-hiyang suwestyon ni Tita para lamang sa pera.

"Naririnig ninyo ba ang sarili ninyo?" Hindi ko na napigilan ang sumagot.

Napalingon sa akin sina Tito't Tita. Sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi. Akala mo'y nakakita sila ng anghel nang masilayan ako.

Mas binilisan ko ang lakad ko. Nanlaki ang mga mata ni Mama. I went in between them para protektahan siya. Taas-noo kong hinarap sina Tito't Tita.

"Ma'am, kailangan ninyo ho ba ng tulong?"

Hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin si Manong. Siguro ay nag-alala dahil sa naabutan naming komprontasyon.

Namamanghang napalingon sina Tito sa kanya at sa sasakyang dala. I could already hear their greedy thoughts. Kahit hindi nila sabihin, alam na alam ko na.

"Hindi na po, Manong. Salamat po sa paghatid," nakangiti kong sabi kahit na unti-unti na akong nabubuhayan ng inis.

"Sigurado po kayo, Ma'am?"

"Opo, Manaong."

"Eh... Sige po, Ma'am. Mag-text na lang po kayo kapag magpapasundo na po kayo," sabi niya.

Malamang ay iniisip niyang uuwi ako ngayon, but this is my home again. Kung nasaan si Mama, ayon na ang bahay ko. Pero siguro nga ay maglalaan ako ng araw na pumunta sa bahay ni Xaiver para kuhanin ang natitirang mga damit at gamit ko. I might do that once he's in the office.

Tumango na lang ako at ngumiti ulit. Dahan-dahan at nag-aalangan pa ring umatras si Manong bago sumakay sa sasakyan at umarangkada paalis.

Ang mga nagniningning na mata nila Tito ay bumalik sa akin. "Driver mo ba 'yon, Chantal?" magaang ang totno niya at kala mo't close na close kami. "Ang ganda ng SUV na gamit mo! Nasa milyones 'yon! Bigatin ka na ngayon, ah!"

Play PretendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora