High School Friendship

19 4 0
                                    

Title: High School Friendship

"Good morning, Eiya!"bati sa akin ni Charls, ngumiti naman ako sa kaniya.

"Good morning din! Ano pala ang ginagawa niyo rito sa 3rd floor?" tanong ko sa kanila. Magkaiba kami ng section kaya nasa 3rd floor ang room ko habang sa kanila ay nasa 2nd floor.

"Inutusan lang ako ni Thea na ihatid ko sa iyo 'to." aniya saka inabot sa 'kin ang isang sobre at nilagay sa bulda ng palda ko. Tinanggap ko naman iyon saka ngumiti kay Cedric. "Salamat, magcha-chat nalang ako kay Thea." sambit ko at ngumiti naman siya bago tumalikod. Nagpaalam na sila sa 'kin baka ma-late pa sila, pumasok na rin ako sa loob at tumabi kay Sheryl na busy sa cellphone niya. Sa aming magkakaibigan ay siya lang ang naging classmate ko ngayong fourth year.

"Anong tinitignan mo diyan?" takang tanong ko dahil ang seryoso ng mukha niya, kaya walang pasintabing kinuha ko ang cellphone sa kaniya kaya narinig kong nagreklamo siya. Tinignan ko ang tinitignan niya, medyo nagulat naman ako kung ano iyon. "Ano ba? Mga pictures lang iyan, timang!" natatawang sambit niya kaya agad kong binigay ang cellphone sa kaniya, agad naman niya iyon tinaggap.

"Nanliligaw 'yan sa 'yo diba? Bakit di mo siya sagutin." bulalas ko, sinimangutan niya lang ako at bumalik sa ginagawa niya. Bumuntong-hininga nalang ako saka dumukdok sa lamesa ko dahil wala naman akong gagawin. Ang tagal naman ng recess, gutom na ako. Binuksan ko naman ang cellphone ko nang mag-pop ang message mula sa tita ko sa Samar, kahit ayaw kong basahin ay binasa ko nalang dahil binanggit niya ang mama ko.

Habang naglalakad kami ni Sheryl sa quadrangle patungo sa canteen ay nakasalubong namin sina Charls, Thea, Cedric, at Diego. "Uy! Eiya, sa canteen ba punta niyo?" tanong ni Cedric nang makalapit sa 'min ni Sheryl. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot, nagpresintang siya ang maglilibre sa 'min kaya sabay naman kaming magka-kaibigan pumunta sa canteen para bumili ng snack namin. Napapansin ko rin ang panay tingin sa akin ni Cedric, kaya patanong naman akong lumingon sa kaniya. Weird.

"What?" umiling nalang ako at sumunod kay Thea sa pila.

Tawanan lang kami sa gilid ng gym dahil sa aso't pusa na naman ang dalawa. "Dapat magka-kaibigan pa rin tayo kahit ga-graduate na tayo ngayong year..." napatigil naman kami at sabay na lumingon kay Sheryl. "Ano ka ba, friends pa naman tayo kahit tapos na tayo ng highschool." sambit sa kaniya ni Charls at umakbay sa kaniya. Lihim naman ako napangiti dahil may kaibigan akong tulad nila. Minsan iniisip ko nalang na maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan, yung hindi nila sinisiraan ang isa't isa para maging bida lang sila sa maraming tao.

"Sige mag-promise kayong lahat!" napaigtad naman ako sa kinauupuan ko nang sumigaw si Sheryl. Natawa naman sina Diego at Charls. "Dapat pagkatapos ng ten years, friends pa rin tayo! Walang mamamatay! Walang mang-iiwan!"

Tahimik naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. Ako ang unang nagtaas ng kamay kaya bumaling sila sa 'kin, ngiti lang ang iginawad ko sa kanila. Sunod naman nagtaas ng kamay si Cedric at ngumiti sa 'kin. "kayo? Ano? tutunganga lang ba kayo diyan?" tanong niya sa iba kaya nagtaasan rin sila ng kamay.

"Para tayong mga tanga dito!" nagtawanan naman kami at nagkulitan sa isa't isa, sana ay ganito nalang kami palagi. Walang problemang dinadala, kung meron man ay dinadaan nalang namin sa laro, jamming o di kaya road trip. Hindi ko man aminin ay mahirap para sa akin ang pag-graduate ng highschool dahil ang dami ng memories ko dito,lalo na sa mga kaibigan ko ngayon. Kahit wala na akong tulog dahil sa mga projects, essay, reporting, nandiyan pa rin sila sa tabi ko. tinutulungan ako.

Sobrang pagod ang nararamdaman ng katawan ko ngayon dahil sa sobrang puyat. Ilang araw na hindi ako nakakatulog ng maayos at bitin-bitin pa. Habang naglalakad ako sa hallway ay narinig ko naman may tumatawag sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino iyon, nakita ko naman si Cedric nananakbo palapit sa akin hanggang nasa harapan ko na siya.

"May kailangan ka?" agarang tanong ko sa kaniya nang makalapit siya. gusto ko na talaga matulog!

"Kulang ka ba sa tulog? halata eyebags mo." aniya habang minamasdan ang buo kong mukha, napasinghap naman ako nang nilapit niya ang mukha niya kaya agad akong humakbang palayo sa kaniya. "Itutulog ko nalang 'to mamayang recess, una na 'ko baka ma-late pa ako." kumaway naman ako sa kaniya at tumalikod para hindi niya mahalata ang pamumula ng mukha ko. Agad naman akong umakyat sa 3rd floor at pumasok sa room.

Matapos ang dalawang subject ay saktong recess na kaya nauna akong lumabas kay Sheryl. "Gutom kana ba? Ang bilis mong maglakad!" rinig kong angal ni Sheryl. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. Papaliko na sana ako nang makita si Cedric na simpleng naghihintay lang sa gilid. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. "Deretso na tayo sa gym, nandun sila." sambit niya, tumango lang ako at sabay kaming tatlo naglakad papunta ron.

"Nandito na pala 'yung tatlo!" rinig kong sigaw ni Diego nang makalapit kami sa kanila. Naunang umupo si Cedric kaya tumabi nalang ako ng upo sa kaniya. Nagkwentuhan kaming lahat, minsan ay tumitingin sa 'kin si Cedric. "Bibili muna kami ni Thea sa canteen." sambit ni Sheryl saka tumayo. "Sasama ak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nag magsalita si Thea. "Bantayan niyo nalang yung mga bag namin!" aniya. Tumango nalang ako at nilaro-laro ang mga daliri ko. Lumingon naman ako kay Cedric na tulala. "Psst! Cedric!" tawag ko sa kaniya, agad naman siya lumingon sa 'kin.

"Ha?"

"Magkwento ka, kahit ano." request ko sa kaniya kesa naman tumunganga lang ako dito sa tabi niya. Tumango siya at inayos ang sarili bago magsalita, kaya umayos rin ako ng upo.

"There's a girl i liked, kinakausap ko siya araw-araw para lang mapalapit ako sa kaniya. Kahit hindi niya iyon napapansin, pero okay lang iyon sa ›kase wala pa daw sa isip niya ang ganung bagay." pakla naman siya tumawa. "I tried to stop this feeling pero kahit ano talagang gawin ko mas lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi ko alam kung kailan niya iyon mapapansin, but its okay kase nakikita ko naman siya araw-araw." tumungo naman siya pagkatapos niyang magsalita.

"Bakit di mo sabihin yung feelings mo para sa kaniya? tsaka last year na natin 'to sa highschool. Baka di na kayo magkita." sambit ko sa kaniya, dapat talaga niya sabihin sa babaeng nagugustuhan niya. Bumaling siya ulit sa 'kin. "Baka layuan niya ako pag sabihin ko sa kaniya." aniya.

"Malay mo gusto ka rin niya, hindi lang sinasabi kase wala siyang lakas ng loob."

"Really?" paninigurado niya kaya agad akong tumango. "Oo nga! Diba matapang ka, pwes sabihin mo sa kaniya na gusto mo-"

"Gusto kita," natigilan ako sa sinabi niya. "Gusto kita, Eiya. Ikaw yung babaeng gustong-gusto ko." seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko at nakitaan ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Walang lumalabas sa bibig ko at natulos lang ako sa kinauupuan ko. Ngumiti siya pero hindi kagaya ng mga ngiti niya dati na masaya, ngiting may lungkot ang nakikita ko doon. Hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo papalayo sa kaniya at ramdam kong basa ang pisnge ko dahil sa luha kong kanina pa lumalabas sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

*****

Ilang taon na nang naka-graduate na kami ng highschool, sariwa pa sa akin ang mga alaala ng highschool life ko. Napangiti ako habang tinignan ang mga pictures namin noon, lalo na kay Cedric.

"Are you ready?" lumingon naman ako sa pintuan at pumasok ang isang pigura ng lalaki. Yumakap naman siya sa 'kin at hinalikan ang pisnge ko. "It's been a year." sambit niya, kagaya ko ay nakatingin rin siya sa hawak kong pictures. "Yeah, ang tagal na nang huli natin siya nakita." sambit ko, pinipigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko. "Bibisita naman tayo ngayon sa kaniya" aniya. Tumango nalang ako. "Nasa labas na ba sila?" tanong ko at inayos ang sarili. "Yeah, ikaw nalang hinihintay." sagot niya sa tanong ko. Sabay kami lumabas ng bahay at lumapit sa kotseng nakaparada. Agad kaming sumakay at sumunod sa mga kaibigan namin kung saan kami lagi pumupunta para bisitahin ang isa naming kaibigan.

Maingat kong inilagay ang hawak kong puting bulaklak sa puntod niya. Kung saan siya nakahimlay. "I'm sorry...kung hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo sa 'kin, pero nagpapasalamat pa rin ako sayo ng sobra dahil naging mabuti kang kaibigan. Fifth death anniversary mo ngayon at happy birthday, Cedric."

Story by: RjReballos

One-shot Story CompilationWhere stories live. Discover now