Chapter 7: Detective Club

130 24 0
                                    

VAI.

Hanggang sa makarating kami sa dorm ay hindi mawala sa isip ko ang karumaldumal na nasaksihan kanina.

The teachers instructed us to get inside our dorms while they continued investigating.

Pero parang may mali.

Sa isip at pakiramdam ko, may mali sa mga nangyari kanina.

Kaya ginawa ko ang isang bagay na hindi ko aakalaing gagawin ko.

I went out of the dorm.

Maagang natulog ang dalawa kong kasama kaya naging madali ang lumabas. I face-palmed when I realized what I have done. May reported na ngang murder sa labas kaya pinapasok kami para hindi kami madamay-pero heto ako't naglalakad patungong rooftop.

What the hell am I even doing? I'm literally knocking at death's door.

Napailing nalang ako. "Andito naman na ako, ipagpatuloy ko nalang 'to kaysa naman ang hindi ako makatulog sa pag-iisip."

I assured myself it was fine while on my way towards the 5th floor of Delta's building. Nasa harap lang ng building nila ang training grounds, kaya doon bumagsak ang katawan ng babae.

"What are you doing here?"

Napaigtad ako at halos mapasigaw sa gulat nang may magsalita. Nasa hagdanan ako't malapit na sa 5th floor nang mapatigil ako't humarap sa nagsasalita.

"Who are you?"

It was the guy earlier who examined the girl's dead body.

'He's Rye... Van Rye.'

Saka ko lang maayos na napakinggan ang boses niya at ang pangalan niya. Rye . . . Nanlalaki ang mata ko nang mapagtanto, siya iyong tumulong sa 'kin doon sa Arnold na iyon! 'Yung sa library!

Ngunit hindi ko na siya natanong pa o nasagot man sa tanong niya nang bigla niyang kinuha ang kamay ko't hinila ito papalapit sa kanya. He was standing on a corner with no lights, habang ako kanina ang natatamaan ng ilaw mula sa 5th floor.

Akmang magsasalita ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig ko.

"Hush. There are guards doing their rounds." He whispered.

Tama nga ang hinala niya't may ilaw na nanggaling sa isang flashlight ang tumama sa kung saan ako nakatayo kanina. Dahil hindi naman masyadong klaro kung nasaan kami ay hindi na nag-aksaya ang guwardiya na tutukan ng dalang flashlight ang bahagi kung nasaan kami.

Maya-maya lang ay umalis na rin ito at naglakad papalayo.

"T-thank you . . ." Sabi ko nang makahinga ng maluwag. "Baka nahuli na 'ko noon kung hindi mo pa ako tinulungan."

He showed me a smirk, amusement in his ash grey eyes. "Now, can you step backwards already?" He tilted his head. "Or do you still wanna enjoy it?"

Ngayon ko lang napansin ang posisyon namin. Magkahawak ang kamay namin, 'yung isa niyang kamay ay inaalalayan ako sa beywang habang ang isa kong kamay ay nakapatong sa dibdib niya. We were so close!

Halos tumalon ako para lumayo sa kanya.

"Also, care to answer my question?" Sabi nito habang pinagpag ang bahagi ng dibdib nito na hinawakan ko kanina. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay, did he really thought my hands were dirty or what?

Hindi ko nalang pinansin at sinagot siya. "I . . . I was just—"

"Are you here to investigate? Are you curious about what might really happened earlier?" Siya na ang nagpatuloy sa sasabihin kong hindi naman matapos-tapos.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat