Chapter 6: Rye

134 26 1
                                    

love, feu: this chapter is dedicated to Darkiss Evie Maidens (DARKMAIDENS25). thank you sa pag-promote ng story!

WARNING: This chapter contains graphic depictions of suicide and murder.

***

SOMEONE.

[What? May Valle sa Fryxelle High?]

"Yes." I answered. "Baka siya na ang hinahanap mo."

The person on the other line started laughing like a psycho.

[Sa wakas!] Tumawa itong muli na parang baliw. [Sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay ko!]

Patuloy itong nagsaya. Samantalang ako, nag-iisip kung tatanungin ko ba ang gusto kong tanungin o hindi na. In the end, I decided to do it.

"Boss?"

[Oh? Ibaba ko na 'yung tawag. Magmatyag ka lang d'yan ng mabuti, lalo na sa Valle na iyan dahil—]

"Hanggang kailan gagaling ang kapatid ko?" I asked, biting my nails to ease my nervousness.

I was scared.

I was being blackmailed, but I can't do anything but listen.

Natahimik ang kabilang linya. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng pagbasag ng pinggan.

[Sinabi kong gagaling siya sa tamang oras, hindi ba?! Marunong kang maghintay! Malaki ang utang na loob niyo sa akin kaya wala kang karapatang magtanong, sundin mo ang mga utos ko o mamamatay ang kapatid mo!]

Saka nito binaba ang tawag.

Napapikit ako.

Nag-uunahan lumabas ang mga luha.

Until when . . . until when do I have to endure this?

***

VAI.

Isang linggo na akong nananatili rito sa Fryxelle High. At sa loob ng isang linggong iyon ay inubos ko ang aking oras upang pag-aralan at kilalanin ng maigi ang paaralan at mga tao rito.

Sa pananatili ko rito, nasaksihan ko na ang iba't-ibang paraan ng pagiging brutal ng mga estudyante. There were reported cases of gangs fighting in the training grounds, there were a group of girls bullying a nerd, there were boys who are making fun of other students. I even witnessed a fight in front of me!

In short, the school's just so fucked up. Hindi ko nagustuhan ang pakikitungo ng mga estudyante, although, hindi naman lahat sila dahil ang iba, naging kaibigan ko pa.

It's just that . . . most of them were just so reckless and brutal and only cared about themselves.

Saka . . . sa loob lang ng isang linggo, nakilala at nakausap ko ang isang Fryxelle.

Heck, nakalaban ko pa nga!

Nang ikuwento ko kay Jam at Fay ang nangyari nang makaharap ko si Reyn Fryxelle ay halos hindi sila makapaniwala.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now