"Can I do anything to help—" She thought. "I want to help."

She was adamant with it. Any form of help that she could give, she was willing to do. Hindi dahil na-gui-guilty siya kundi dahil totoong gusto niyang tumulong.

Bago pa man makapagsalita si Jax ay sabay silang lumingon sa gate nang marinig itong bumukas. Pumasok roon ang isang babaeng hapos na hapos ang itsura. Marami itong bitbit na mga plastic ng mga mukhang pinamili nito sa palengke. Vannessa immediately recognized her to be the woman in the picture, Jax and Bee's mom. Even with the creases and wrinkles on her face, it was undeniable that she was gorgeous.

Tumayo si Jax para kunin sa mga kamay ng ina ang mga bitbit-bitbit nitong plastic.

Nakaramdam si Vannessa ng kaonting kaba lalo na nang napalingon ito sa direksyon nila at nakita niya ang bahid ng pagtataka sa mga mata nito nang makita siya. "Hindi mo man sinabing may bisita pala tayo, Andrew. Hindi pa naman ako nakapaglinis ng bahay," sabi nito.

Kaagad nanginit ang kanyang mga pisngi nang dahil sa hiya nang marinig iyon. Hindi naman kasi siya inimbita ni Jax at kusa-kusa na lang siyang pumunta roon.

"Ma, si Vannessa nga pala, katrabaho ko," sabi ni Jax.

Kahit na nahihiya ay lumapit siya sa babae at naglahad ng kamay. She didn't even know what she looked like. Baka ang haggard na niya, nakakahiya. It would be embarrassing if she'd leave a bad impression. "Hi po, Ma'am. Pasensya na po sa abala."

Inabot din nito ang kamay. Her hands were a little rough, but warm. "Naku, 'Tita' na lang, hija. Kay gandang bata. Kumain na ba kayo? Pumasok muna tayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain," nakangiting tugon nito. "Katrabaho lang ba talaga?" Nang makita nito ang panlalaki ng mga mata niya ay kaagad itong natawa. "Biro lang, tara na sa loob."

Mrs. Irish Dela Fuerte was probably one of the sweetest person that she met. Madaldal ito kaya kung anu-ano na lang ang nalaman niya lalong-lalo na tungkol kay Jax.

She helped her prepare for their dinner in the kitchen after convincing her for at least five minutes. Ang gusto lang kasi nito ay mag-relax siya pero ayaw rin naman ni Vannessa na wala siyang ginagawa. Her Tita Irish said that it was supposed-to-be Jax's turn to cook dinner, but she wanted to do it with her as well. "Alam mo, noong hindi pa 'yan nagkasakit si Bee, siya 'yong tumutulong sa 'kin dito sa kusina lalo na't kami lang naman din talaga halos dito sa bahay. Si Jax kasi nasa siyudad kasi may trabaho tapos madalang lang din umuwi ang Papa nila kasi may trabaho rin. Kaya kaming dalawa lang ni Bee ang naiiwan sa bahay. Gustong-gusto kasi no'n ang pagluluto."

She could her the hint of sadness in her voice when she said that, and she couldn't help but feel sad as well. Growing up she was close with her mom, but never did she experience cooking in the kitchen with her before. After all, she grew up having other people cook for them. Her mom started cooking again just recently so she had already moved out by then. At that moment, she felt like she wasn't herself, and that she was experiencing a moment that wasn't hers.

Hindi niya maisip kung gaano kabigat ang pinapasan ng pamilyang ito. Even after that background check that she did of Jax, there were still a lot of things that she didn't know about.

Nilingon siya ng babae tsaka siya binigyan ng sinserong ngiti. "Ikaw ang unang babaeng nagawi rito sa bahay. Nakakatuwa lang kasi simula nang iniuwi namin si Bee galing ospital, alam kong hindi rin madali sa batang 'yon ang mga nangyayari. Ni hindi ko na nakikita 'yong ngumingiti nang walang bahid na lungkot sa mga mata. Pero kanina noong nakita ko kayong magkasama, parang ang aliwalas ng mukha niya," sabi nito bago ibinalik ang tingin sa niluluto. "Ayaw kong makialam sa kung ano man ang namamagitan sa inyo, hija, pero gusto ko lang magpasalamat. Natutuwa akong nandito ka."

Maginoong Medyo BastosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ