Tumawa lang s'ya sa akin nang tignan ko s'ya ng masama.

Nakatingin lang ako sa kan'ya habang sumasakay s'ya sa motor n'ya.

Ang taray ngayon ko lang ulit s'ya nakitang nag motor.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla ko naalala yung past ko.

Yung motor.

"Sh*t!" Narinig kong nagmura si Blake at nilapitan ako.

Hinawakan n'ya ang dalawa kong pisnge at tinitigan ako sa mata.

"Still there?" Blake asked me.

Tumango lang ako sa kan'ya.

Hinwakan n'ya ang kamay ko at lumapit sa motor n'ya sumakay naman s'ya at tinignan ulit ako.

"Sakay." Napaatras pa ako ng bahagya sa sinabi n'ya.

Sira*lo ata 'to.

"Palagi ka na lang ba matatakot? Tatakasan mo na lang ba 'yang takot mo?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya.

Sinenyasan n'ya akong sumakay.

Nangangatog ang tuhod kong sumakay sa motor. Mahigpit kong sinara ang dalawa kong kamay at pumikit.

Put your hands on me." Sabi ni Blake.

Hindi ko pinakinggan si Blake dahil ramdam ko pa rin yung takot ko.

Narinig kong huminga ng malalim si Blake bago kinuha ang dalawa kong kamay at pinalupot sa bewang n'ya.

"Don't be afraid Amara." Ewan ko, ang simple lang ng sinabi ni Blake bigla akong kumalma.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko kasabay ng pag andar ng motor ni Blake.

Pagdilat nang pagdilat ko napatingin ako sa side mirror na nakatingin sa'kin si Blake sabay kindat.

Sakit n'ya ba talaga ang panay kindat?

"Hoy Blake! Ano ba?!" Halos mapunit na yung jacket ni Blake sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.

Siraulo biglang binilisan.

"Whooa!"

"Magdahan-dahan ka Blake! Kapag tayo nabang-Blake ano ba!"

Narinig kong tumawa si Blake.

Nakakainis tong lalaking to. Oo aminado akong gusto ko ng mamatay pero hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil yung takot ko sa motor dahil sa past ko, unting-unting nawala.

Yumakap ako sa bewang ni Blake at sumandal sa kan'ya.

"I love you."

"I love you more."

Huminto bigla si Blake sa tapat ng bahay. Siguro ito yung bahay nila. Bumaba na ako at tumingin ulit sa bahay nila Blake.

Infairness ang laki ng bahay nila pang mayaman yung style. Can't relate rito.

"Ate Zamara? Ate!!" Nagmamadaling tumakbo papunta sa akin si Noah at niyakap ako nang sobrang higpit.

"Ate bakit ngayon ka lang po? Hindi n'yo man lang ako pinuntahan nagkasakit po kaya ako." Natawa ako sa reaction ni Noah.

Hindi ko maitindihan kung galit ba s'ya o nagtatampo eh.

Lumuhod ako para magpantay kami ni Noah.

"Busy lang si ate." Hinalikan ko sa noo si Noah bago ako tumayo.

"Kuya ano ba?!" Nagtaka ako kasi biglang tinakpan ni Blake yung mata ni Noah.

"What?" Walang ganang sabi ni Blake.

"Baliw ka ba?" Tatanggalin ko na sana yung kamay n'ya sa mata ni Noah nang bigla n'ya ako hinalikan sa labi nang mabilis at tinanggal ang kamay niya sa pagkakatakip sa mata ni Noah.

Hindi ako nakagalaw sa ginawa n'ya.

Siraulo talaga.

"Epal." Sabi ni Noah at inirapan n'ya ang kuya n'ya.

"Let's go na nga ate!" Hinatak ako ni Noah papasok sa bahay nila.

Lumingon ako sa gawi ni Blake na nakatingin sa amin habang nakapamulsa s'ya.

Napangiwi ako sa ginawa ni Blake.

Pano ba naman bigla syang ngumuso na parang kinikiss ako at talagang nakapikit pa s'ya habang ginagawa n'ya yon.

Kinindatan n'ya ako at ngumiti.

Ang corny nito bakit ba ako na inlove sa nilalang na 'to?

Love Of Yesterday (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora