Natawa si mama kay Lucas.

"Hindi naman gan'on." Sabi ni mama.

"Pero parang gan'on na nga." Tinignan ako ng masama ni Lucas dahil sa sinabi ko.

Natawa ako kasi bigla akong inirapan ni Lucas.

"Hindi na po siguro matutuloy alis ko. Pero titignan ko pa po."

Nang matapos na kaming kumain pinaghugas ko si Lucas ng pinggan. Aba s'ya na nga nakikain sa amin.

Nasa sala pala ako ngayon at nanonood ng tv.

"Good morning." Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Blake sa noo at nilapag lahat ng dala n'ya sa table.

Hindi na ako magtataka kung pa'no 'to naka pasok ugali kasi ni mama na binubuksan ang gate every morning.

"How's your sleep?" Sumandal si Blake sa sofa.

"Okay lang naman." Sagot ko sa kan'ya.

Kinuha n'ya ang buko juice at binigay sa akin.

Anong meron? Bakit ang daming dalang prutas ni Blake? Sisipsip na naman ba 'to kay mama.

"Oh Blake!" Bati ni Lucas.

Tumingin s'ya sa amin ng seryoso. Ano na naman problema nitong baliw na 'to? Nag katinginan kami ni Blake at tumingin kay Lucas hinihintay yung sasabihin n'ya.

"Zamara sorry pero gusto ko na si Blake." Halos mabilaukan ako sa iniinom ko.

Halos mamatay-matay sa tawa si Blake at si Lucas sa reaction ko. Bunot ako ng dalawang 'to. Ang aga-aga binabadtrip agad ako.

"Trip n'yo ako?" Biglang nanahimik si Blake at umayos ng upo nang bigla ko s'yang titigan habang si Lucas naman unti-unti humina ang tawa hanggang sa hindi na s'ya tumawa.

"Gusto mong umuwi?" Seryoso kong sabi sa kan'ya.

Mabilis s'yang umiling sa akin tumingin ako kay Lucas na tumatawa at inaasar pa talaga si Blake.

"Under ka? Kawawa ka naman." Tinignan ko ng masama si Lucas habang s'ya dahan-dahang umupo at tumingin sa ibang direksyon.

Nagkaroon lang kami ng kaunting usapan ni Lucas pati si mama. Nakaligo na ako lahat-lahat sila nag uusap pa rin.

Halatang namiss ni mama si Lucas.

"Tita mauna na po ako." Paalam ni Lucas at nag bow.

Nag fist bump sila ni Blake at kumaway sa akin. Inakbayan ni Lucas si Blake habang palabas ng bahay.

"Pupunta pala ako ngayon sa market wala na tayong stock ng pagkain." Kinuha ni mama ang bag n'ya sa gilid n'ya at inabot sa akin ang susi.

"I-lock mo nang maayos 'tong bahay."

Hindi naman ako aalis ng bahay ba't inabot sa'kin 'to?

"Ma hindi naman po ako aalis ngayon."

"Pinagpaalam ka sa akin ni Blake pupunta raw kayo sa kanila. Namimiss ka na rin ni Noah."

Ang taray sinabi kay mama tapos sa'kin hindi.

Nagmamadali kong kinuha ang phone pati ang sling bag ko. Nilock ko na rin ang pinto at sumunod kila mama.

Sumakay si mama sa kotse ni Lucas. Isasabay n'ya na raw si mama tutal madadaanan naman daw nila yung market.

Nagulat ako kasi bigla akong hinarap ni Blake sa kan'ya at sinuot sa akin ang helmet.

Napapikit pa ako kasi bigla n'ya ba naman tinapik yung ulo ko kitang may helmet edi damang-dama ko yung sakit.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora