"K-kuya?"

Nasa loob na ng train si kuya.

Ngumiti siya sa akin at kumaway.

"I love you my little princess." He whispered.

Umiiyak akong kumaway kay kuya kasabay ng pag andar ng sinasakyan n'ya.

"I love you more kuya."

"Sorry..."

Hindi kona nakita ang sinasakyan ni kuya.

Halos manghina ako at napaupo habang yakap-yakap ang sarili ko.

Hindi ko pa kaya kuya.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon mo pa ako iniwan ng walang paalam? Hindi man lang kita nayakap kahit sa huli.

Alam ko sa sarili ko na ilang taon bago kita ulit makita.

Pumikit ako at biglang pumasok sa isip ko lahat-lahat.

Flashback

"Zamara when I grow up I will protect you like what daddy's do."

"Zamara! Let's play!"

"Oh? Stop crying kuya is here!"

"Even though papa is not here I am always by your side no matter what okay? Stand up and face your new journey kuya's always here."

"Sorry if I've been overprotective to you these past few days. I just want to protect you. But now I know who Blake really is. Kampante na ako kung sino ang boyfriend mo."

Mas lalo akong naiyak sa mga naalala ko mula no'ng bata kami ni kuya hanggang sa nakilala n'ya kung sino si Blake.

Wala kang ibang ginawa kun'di protektahan at mahalin ako. Hindi mo sinira yung tiwala ko. Dahil lang sa isang hindi pagkakaitindihan nauwi na lang na parang bula.

Hindi na ulit kita makikita.

I wish I could go back in time, and for sure I will change what happened. But I know in this world nobody can.

Napaangat ang tingin ko dahil may napansin ako na parang may dalawang lalaking nakatayo sa harapan ko.

Nakita ko si Blake na naka pamulsa habang si Lucas ay nasa likod lang ni Blake na nakatingin sakin ng seryoso.

Inalalayan ako ni Blake tumayo hindi ako nagdalawang isip na yakapin s'ya.

Para akong batang nagsusumbong kay Blake. Humakagulgol na ako sa iyak.

Niyakap lang ako ni Blake hanggang sa tumahan na ako.

"I know you're not okay. I'm just here for you and also Lucas and tita even Noah." Hinawakan ni Blake ang dalawa kong balikat at tinignan ako sa mata.

"Just cry if you want." Ngumiti sakin si Blake at hinalikan ako sa noo at pinunasan ang luha ko.

"Sorry." Napatingin kami pareho ni Blake nang biglang nagsalita si Lucas.

"For what?" Tanong ni Blake.

Inaya muna kami ni Lucas kumain sa restaurant at treat n'ya raw.

Habang nasa loob kami ng restaurant hindi ako kumikibo kahit nag uusap silang dalawa. Nakatingin lan ako sa bintana at pinagmamasdan yung mga taong dumadaan.

Naramdaman kong hinawakan ni Blake ang kamay ko habang nakatingin kay Lucas.

Katabi ko si blake si Lucas ay nasa harapan ni Blake.

Tumingin ako sa kamay naming dalawa ni Blake.

"Akala ko nagbibiro lang si Zavier na nasa train na s'ya." Naagaw ang atensyon ko sa sinabi ni Lucas.

Nakikinig lang kami habang kumakain sila. Wala akong ganang kumain.

"Kaya 'yon nag aasaran lang kami sa text. Inaasar ko na hindi niya ako kayang iwan." Natatawang sabi ni Lucas.

"Nagulat ako no'ng nag send s'ya ng picture na nasa train na s'ya. Naka bad finger pa nga ang baliw."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Lucas. Kahit kailan talaga si kuya napasalbahe kay Lucas.

"Kaya no'ng nalaman ko, nagmamadali akong tawagin si Zamara para sabihin sa kan'ya kasi ang alam ko hindi pinaalam ni Zavier na uuwi na s'ya." Tumingin sa'kin si Lucas.

"Kaya laging wala sa bahay n'yo si Zavier kasi inaasikaso na n'ya pala yung mga important papers n'ya para makauwi. Tinawagan ko rin si Blake para samahan ka pumunta, pinaalam ko rin kay tita na uuwi na sa Japan si Zavier. At ang alam ko...."

"Hindi na babalik si Zavier dito." Para akong nabinge sa sinabi ni Lucas.

Hinigpitan ni Blake ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ito na naman ako umiiyak ulit. Nakakainis ka talaga kuya!

"And Zamara. Natatandaan mo yung palagi mo kaming nahuhuli ni Zavier nagtatalo sa bahay n'yo?" Tanong ni Lucas.

Natatandaan ko pa 'yon.

Tumango ako sa kan'ya.

"Yung babaeng pinag-uusapan namin si Styzy 'yon. I was shocked when I knew that Styzy was Zavier's ex girlfriend." Huminga ako nang malalim.

Sinabi ko rin na nabanggit ni mama sa akin kanina 'yon.

Nang-aya na akong umuwi dahil wala talaga akong gana.

Nasa kotse kami ngayon ni Lucas. Panay kwento lang si Lucas kay Blake habang ako tulala na nakatingin sa Bintana.

Ginabi na kami nakauwi.

Pinagbuksan ako ni Blake nag paalam na kami ni Blake kay Lucas. Nang makaalis na si Lucas niyakap ulit ako ni Blake.

"I'm here."

"I will be here tomorrow." Kumalas s'ya ng pagkakayakap sa akin at nginitian ako.

"Magpahinga kana." Hinalikan ako sa noo ni Blake.

Nagpaalam na ako sa kan'ya at pumasok na ng bahay.

Naabutan ko si mama na tahimik na naka upo sa sofa.

"Ma..." Tumakbo ako papalapit kay mama at yumakap sa kan'ya.

"Shh tahan na." Hinagot ni mama ang likod ko habang pinapatahan ako.

"Pwede tayong pumunta ron. Just wait Zamara okay?"

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now