Trevin POV
“You can’t decide like this, Trevin!”
Malakas ang boses ng ama ko, si Engr. Gavin Mendez. Pabalik-balik siyang naglalakad sa malawak na living room. Wala si Mama at ang mga kapatid ko na nasa plantation resort na pagmamay-ari ng angkan ng mga Angeles.
“Alam mo ba ang gusto mong pasukin, Trevin? Pinaliwanag sa akin ni Indigo Magtanggol na kapag tumiwalag ka sa Foedus ay body bag ang katapat mo!”
“Still, Papa, I have to do something. Mayaman nga ang mga Angeles pero walang impluwensiya. At bilang panganay na apong lalaki ay responsibilidad kong pangalagaan ang mas nakababatang Angeles! Damn if mauulit pa ang nangyari kay Ate Natalie.” Binigyang diin ko ang huling sinabi ko. I don’t want Papa to feel that I lack determination.
“Ano na lang sasabihin ng Mama mo kapag nalaman niya na sasali ka sa organisasyon na ‘yon. Nakapunta na ako minsan sa isla and I swear the Foedus members have these eerie aura na parang mga sugo ni Satanas.”
Desperation is written all over Papa’s face. I don’t know if he is this coward or he is just discouraging me from joining the organization na pati ang mga members ay ikinumpara pa niya sa alagad ng kadiliman. But, I have decided. Whether he likes it or not, I will join Foedus.
Naikonsulta ko na kay Papa Brandt at maging siya ay nakikipag-ugnayan na kay Indigo Magtanggol. Siya ang magiging recruiter ko para makapasok ako sa kanilang Organization.
Foedus Corporation is located at Agrianthropos City, an island city na nasa dulong Kanluran na bahagi ng Pilipinas. Rumor has it that the members' enemies ' blood is painted on its city walls. That’s what I exactly need, a formidable organization to protect my clan.
“Pupuntahan ko si Mama. I have to see to it na may papalit sa akin sa resort bago ako mag-training para sa initiation. I need to be ready, Papa.”
Hindi umimik si Papa. Namumula ang mukha niya at tiim ang mga labi. I know it’s too much for me to ask that I sell my soul to the devil. But, I need to. Hindi pa rin tumitigil ang mga walang hiyang Guevarra sa pamemeste sa pamilya. Dianne Gonsalez has been dead for twelve years but still blames us for her vehicular accident.
Unang asawa ito ni Papa na naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay namin ni Mama at ni Tatiana, my younger sister. Bata pa lang kami ay kung ilang beses na kaming pinagtangkaan nito. I know it’s bad to wish for someone to die but I am thankful that she is long gone, six feet below the ground.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan. Pagpasok ko pa lang ay una kong binuksan ang locator kung saan ko mino-monitor ang mga kapatid ko na sina Gunther, Gustav, at Godfrey.
Nang makita kong naroon lang sila sa resort ay pinaandar ko na ang sasakyan ko at binagtas ang daan patungo sa resort. Tumunog ang aking communication device at pinindot ko iyon habang nagmamaneho.
“Pumayag na ba ang Papa Gavin mo?” bungad kaagad ni Papa Brandt.
He is my stepfather, mom’s first husband. Siya ang tumayong ama para sa amin ni Tatiana noong panahong pinabayaan kami ni Papa Gavin dahil sa galit niya kay Mama. Their love story is quite complicated and I witnessed how my parents suffered for twelve years before finally getting married.
“Wala na siyang magagawa, Papa. Buo na ang pasya ko. It’s high time that someone will step up to protect our clan.”
“Okay, proceed to the resort, papunta na rin ako doon para makipagkita kay Indigo Magtanggol. Nag-usap na kami and he is yet to decide kung tatanggapin niya ang pagiging recruiter mo. Doon tayo sa VIP room kung saan tayo madalas magkita.”
KAMU SEDANG MEMBACA
Trevin Angeles (Wildmen Series#17)
RomansaTrevin Angeles. Isa sa pinakabatang kasapi ng Black Death Organization na naka-base pa sa Italy. Bata pa lang ay bihasa na siyang espiya. Isa sa rason kung bakit ninais niyang magpalakas ay para protektahan ang angkan ng mga Angeles mula sa pamilya...
