"Humawak ka ng mahigpit sa kamay ko. Sa dulo ng daang tinatahak natin, ay mayroong talon."

"Huwag mong sabihin—"

"Oo! Iyon nalang ang tanging paraan para makatakas tayo sa halimaw na ‘yon."

"Jusko lord! Ano ba ‘tong pinasok namin! Kayo na po ang bahala sa amin!"

"Malapit na tayo sa talon. Humanda kana!"

"Wait, hindi pa’ko ready!"

"Eto na! Pagsinabi kong 'talon' tumalon ka!"

Tumakbo kami ng tumakbo ni Angelo, hanggang sa makarating na kami sa talon.

"Nandito na tayo. Pagsinabi kong talon, tumalon ka. Bibilang ako ng tatlo."

"Ayan na siya! Malapit na siya sa’tin!"

"Pagbilang kong tatlo ah?!"

"Isa..." Tinignan ko muna kung safe ba ‘yung tatalunan namin, "dalawa..." Hinanda kona ‘yong sarili ko, "tatlo!!" Kaagad kaming tumalon, pagdating ng tatlo.

Sumalubong sa’kin ang malamig na tubig, patay na! Hindi ako marunong lumangoy!

Sa sobrang taranta, iginalaw-galaw ko ang aking mga kamay at paa, hindi na importante kung ano ang iginagalaw ko. Ang importante lang ay lumutang ako. Dahil sa ginawa ko, mas lalo pa akong lumubog.

Angelo, nasaan kana?

Hindi kona kayang pigilan ang paghinga ko. Ito naba ang katapusan ko? Pakiusap, tulungan niyo ako.

Napapikit nalang ako upang tanggapin ang kamatayan ko, ng biglang... May humila sa kamay ko pataas. Nang maramdaman ko ang simoy ng hangin, kaagad akong naghabol ng hininga.

"Ayos kalang ba?"

"Angelo..." Hindi kona napigilan ang emosyon ko, at biglang tumulo ang mga luha ko. Bigla ko siyang yinakap dala narin ng emosyon.

"Akala ko, mamamatay na’ko. Akala ko hindi ka dadating!" Sabi ko, habang humahagulgol sa iyak.

"That's okay, as long as I'm here, I won't let you down," Seryosong sabi nito.

"Para ka kasing tanga eh!" Saad ko habang umiiyak.

"Cute mo pala pag-umiiyak. Shhh! Don't cry. Yung sipon mo, tumutulo na."

Kaagad kong chineck ‘yung ilong ko at napagtanto kona may sipon nga. At tumutulo ito. Gagi nakakahiya!

Kaagad ko itong tinanggal gamit ang tubig at pinunasan gamit ang damit ko.

"Gagi! Ikaw kasi eh! Tagal-tagal mong dumating," Pag-iiba ko ng usapan.

"Sorry, this won't happen again."

"Okay lang, thankyou pala."

"Tara na, umahon na tayo. Alam ko, malapit lang ‘yung pinagtayuan ng tent natin dito. Pumunta na tayo doon, bago tayo mahuli ng halimaw."

Nagnod nalang ako bilang pagsang-ayon dito. Hindi na kami nagsayang ng oras pa, at pumunta na kami sa lugar kung saan kami nagtayo ng mga tent.

***

Tumakbo kami ng tumakbo, hanggang sa marating namin ang lugar kung saan kami nagtayo ng tent. Sinigurado muna naming hindi kami nasundan ng halimaw, bago pumunta rito. Nang makarating na kami, bumungad sa amin ang sira-sirang mga gamit. At ang mga nagsisitumbahang tent. Wala narin ang mga classmates namin dito.

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now