CHAPTER 2

137 9 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


~ANG MISTERYOSONG BATA~


Luna's POV


Sawakas! Narating na namin ang tuktok ng bundok. Ang saya pala! Ang ganda ng view dito. Nakakalula nga lang. Pero kahit gano’n, ang ganda ng view. Pero bumabagabag pa rin sa isip ko ‘yung nangyari kanina. Andito ako para mag-enjoy. Hindi ang mag-isip ng kung ano-ano. Kaya sa ngayon, kakalimutan ko muna ‘yung nangyari kanina.

"Mag-ayos na kayo ng mga dala niyong tent!" Utos ng President namin.

Kaagad kong kinuha ang tent sa likod ko. Ay! Paano ko pala ‘to ikakabit? Hindi ako marunong.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakali na may tutulong sa’king mag-ayos ng tent. At nakita ko si Angelo na nakaupo sa troso at mukhang may malalim na iniisip.

Angelo Marquez.

Ang top 1 sa section namin. Kilala siya sa school dahil sa kanyang kaguwapuhan at ang kagalingan niyang taglay pagdating sa sining.

Kakapalan kona ang mukha ko.

Kaya naman kaagad ko siyang nilapitan upang manghingi ng tulong sa kanya.

"Uy! Lalim ng iniisip mo ah," agaw ko sa atensiyon niya.

Tumingin ito sa’kin na halata sa mukha niya ang labis na pagtataka.

"Ikaw pala."

"Hello! A-ano kasi," nag-aalangan kong tanong.

"Ano?"

"Kung okay lang naman sa’yo, if ayaw mo okay lang heheheh."

"Ano ‘yon?"

"Puwede mo ba’kong tulungan mag-ayos ng tent?"

"Sure," tipid niyang sagot.

Dali-dali kong kinuha 'yung tent sa likod ko, at kaagad naming inayos. Mali pala yung "namin" na word. Inayos niya pala. Hindi ko magawa eh. Pero may tinulong ako ah? Ako yung tagahawak, mwhehehe!

Habang nag-aayos ng tent, nakita ko ang mukha niya na halatang problemado. At ilang minuto lang ang lumipas, ay nabuo na din niya ‘yung tent.

"Thank you!" Pasasalamat ko dito.

"Welcome, basta ikaw." Sagot nito habang nakangiti.

"Okay kalang ba? Napapansin ko kasi kanina habang nag-aayos ka ng tent, parang problemado ka. Okay kalang ba?"

"Yeah, okay lang ako," Sagot nito

"Sure ka?"

"Oo."

WELCOME BACK LUNAWhere stories live. Discover now