Chapter 1

5 0 0
                                    

Ang mabuhay sa mundong ito ay hindi madali. Sa kabila ng saya at halos perpekto nang buhay, darating at darating talaga ang panahon na susubukin ka. Pero ang mga pagsubok na darating ay hindi dahilan para mawalan ng pag-asa. Susubukin ka Niya hindi para pahirapan kung hindi para maging "better version of yourself"--para matuto ka sa mga hamon ng buhay. At para sa muling pagdating ng mga pagsubok na ito, alam mo na kung paano ito haharapin at paano ito malalagpasan.

Ako si Jennifer Sison, isang college student at Accountancy ang course ko. Maagang sinubok ng kapalaran ang aking buhay. High school pa lang ako ay nawala na ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente.

Tanging ang Tita Wendie ko sa U.S. ang nagpapaaral sa akin simula nang mawala sila. Marami akong nakuha mula sa ipon ng mga magulang ko, pero nagpasya ang Tita Wendie ko na gamitin iyon para mabayaran ng buo ang condo na tinitirahan ko ngayon. Kaya naman malaki ang utang na loob ko kay Tita Wendie sa pagtulong sa akin noong mga panahong iyon.

Ginusto kong mapag-isa. Hindi ako pumayag na sumama sa kanya sa U.S.--dahilan na rin kung bakit siya nag-decide na i-fully paid ang condo.

First year high school pa lang ay natuto na akong mabuhay ng mag-isa lang. Binibigyan ako ni Tita Wendie ng allowance bukod pa sa tuition ko kaya maluwag ang buhay ko. Pero kahit ganoon ay nag-part time job pa rin ako. Inipon ko ang pera ko para makasampa naman sa kolehiyo. Ayoko rin kasing iasa na lang kay Tita Wendie ang lahat. Nangako rin akong babawi sa kanya kapag nakapagtapos na ako ng college.

Ngayong third year college na ako ay mas lalo akong magsusumikap. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na rin kay Tita Wendie na siyang tumulong sa akin sa oras na kailangan ko siya.

"Yong, crush ka daw ni Yen oh!"

Parang nagbalik ako sa hinaharap nang marinig ang ingay mula sa kabilang table. Katabi lang iyon ng table ko kung saan ako nagre-review. Nasa library ako kaya inaasahan kong magiging payapa ang pagbabasa ko pero mukhang nagkamali ako dahil may mga pasaway na bata sa tabi ko.

"Hoy, hindi ah! Tumahimik ka nga, Jordan." hinaing ng babae. Ito siguro ang Yen na sinasabi noong Jordan na tinawag niya.

Tumingin ako sa gawi nila. Apat sila sa table at mas lalo pa silang umingay nang tuksuhin ng isa pang lalaki iyong Yen. Ang isa naman nilang kasama ay natatawa lang.

"Uuuy! Crush mo pala si Yong ha." tukso nito.

"Excuse me." hindi ko napigilang tawag sa kanila. "Can you lower down your voices? Nasa library kayo." mahinahon kong saway sa kanila.

"Sorry po ate." sabi ng babae at hinampas iyong lalaking tumukso sa kanya. "Ang ingay niyo kasi eh." sabi pa nito.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumalik na sa pagre-review. Iyon nga lang, pagkatapos ng ilang minuto ay naghahagikhikan naman sila ng tawa. Siguro ay hindi naririnig ng iba pero dahil katabi ko ang table nila ay rinig na rinig ko. May pagka-sensitive pa naman ang tainga ko.

Napahilamos ako sa mukha at masama silang tiningnan. Nagulat na lang ako nang mapansing nakatingin pala sa akin ang isa nilang kasamahan. Tinaasan ko siya ng kilay at sinenyasang sawayin ang mga kasama niya.

"Sorry." he mouthed.

Inirapan ko lang siya at nakahinga naman ng maluwag nang tumahimik na sila. Pero nang muli silang mag-ingay ay napatayo na ako sa aking silya. Napatingin silang apat sa akin at pinamaywangan ko na sila.

"Hindi ba talaga kayo nakakaintindi? Library ito, hindi tambayan!" galit kong sinabi.

Napalakas pa nga ang boses ko kaya naman pinagtinginan ako ng mga estudyante roon. Napapikit na lang ako nang makitang papalapit sa akin ang librarian at masama akong tinitingnan. Sh*t!

He's YoungerWhere stories live. Discover now