"English 'yon ha? Nilalagnat ka ata." Asar ko sa kan'ya.

Tinignan ako ng masama ni Alexis dahil bigla kong hinipo yung noo n'ya chinecheck ko kasi baka nilalagnat s'ya.

"Hindi ka talaga marunong mag seryoso." 'Yan na naaasar na s'ya.

Maya-maya pa dumating na ang boyfriend ni Alexis at nagpaalam na sa akin na mauuna na sila. Inaaya nga ulit ako sumabay sa kanila kaso ayoko. Mas gusto ko muna mapag isa.

Ilang minuto na akong naka upo sa waiting sched ilang bus na rin ang dumating pero ako hindi sumakay. Malapit lang naman bahay namin mag-aaksaya pa ako ng pera.

Yumuko ako at bahagya kong pinikit ang mga mata ko.

Bigla ko naalala 'yong nasa park kami nila Blake. Aaminin ko isa yon sa pinaka nagustuhan ko na kasama sina mama at kuya. Nakakamiss yung tawa ni kuya at ngiti ni mama. Simula no'ng gabing 'yon hindi ko na ulit nasilayan pa.

Tama si Blake.

Kailangan kong magtanong. Siguro bukas kakausapin ko na sila.

Nakakainis din kasi si Lucas. Simula nang umuwi s'ya rito sa Pilipinas. Akala ko pagsisihan kong dumating s'ya sa amin. Pero I'm really thankful 'cause Lucas come. I really miss him. Lalo na kung paano n'ya pikunin si kuya at asarin. At kung paano n'ya rin sirain ang araw ko.

At si Blake? Hindi ko na maitindihan ang sarili ko. I think I'm falling in love with him. No, it's not 'I think'. I'm falling in love with Blake. At kung kailan minahal ko na, staka hindi nagparamdam at nagpakita sa akin. Nakakatampo 'yung lalaking 'yon.

Ang daya naman. Ba't parang ang mahal ko? Isang pangyayaring hindi ko gusto bakit nagpatuloy hanggang ngayon?

Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako.

Nasasaktan ako. Si kuya at mama hindi pa kami okay. Si Blake hindi ko na maitindihan.

"Cry again?" Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko.

Humagulgol ako nang sobra kung sino ang nasaharapan ko.

Tinanggap niya ang cap n'ya at sinuot sa akin dahilan para yumuko ako. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at hinawakan ang ulo ko at hinilig sa dibdib n'ya.

"I'm sorry if I wasn't by your side these past few days." Mahina niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko.

"Forgive me." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

Niyakap ko si Blake sa bewang n'ya at ako panay iyak pa rin.

"I d-don't know what I should do, Blake." Para akong batang nagsusumbong kay Blake.

Hinagot ni Blake ang likod ko habang ang isa niyang kamay ay hinahamplos ang buhok ko.

"Calm yourself  first, honey." Bulong n'ya at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko alam pero automatic na himanahon ang sarili ko sa sinabi ni Blake.

"Talk to your kuya and tita if you are ready. Nasa likod mo lang ako, Zamara." Inangat ko ang tingin ko kay Blake.

Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya sa akin.

Hindi ako makagalaw dahil si Blake biglang nilapit ang mukha sa mukha ko at bahagya niyang kiniskis ang ilong sa ilong ko.

Nawala bigla an tampo ko sa kan'ya.

Ang rupok Zamara.

Tumayo si Blake at hinawakan ang kamay ko at hinalikan.

"You need a rest, darling."

Napatitig ako sa sinabi ni Blake. Darling? Bigla akong nakaramdam ng kilig sa sinabi niya.

Tumingin sa akin si Blake na nagtataka umiling lang ako at tumayo na.

Habang naglalakad kami nag kwento si Blake kung bakit hindi siya nagpakita.

"Nagkasakit si Noah at walang mag aalaga sa kan'ya bukod sa akin. That's why I chose to stay by his side. Since ako lang naman ang nandito sa Pilipinas yung ate namin nasa America. Nandon kasi yung business na iniwan ng parents namin."

Sobrang seryoso ni Blake habang nagkwekwento. Ramdam ko yung nararamdaman ni Blake.

Hindi ako umimik tanging kinig lang ginagawa ko.

"Namimiss ko na nga sila. But I need to accept and be strong for Noah. I don't want him to feel what I feel." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Blake.

"And now you're here. I'm feeling like I'm in heaven." Huminto sa paglalakad si Blake at humarap sa akin.

Hinawakan niya ang dalawa kon kamay at nilagay sa pisnge niya. Napangiti ako sa ginawa ni Blake. Tinitignan ko lang s'ya at hinahayaan magsalita.

"You're my comfort zone, my home, my life, my future, and my everything." Binitawan niya ang kamay ko at pinalupot ko ang mga kamay ko sa leeg n'ya.

Hinawakan naman ni Blake ang bewang ko at hinilig niya ang noo n'ya sa noo at pumikit.

"I love you like yesterday." Napahinto si Blake sa sinabi ko bahagya pa s'yang lumayo sa akin at gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Bakit?" Natatawa kong sabi sa kan'ya.

"I said I love you like yesterday." Biglang ngumiti si Blake na halos umabot na sa tenga niya.

Napapikit ako sa ginawa ni Blake na bigla niyang hinawakan ang dalawa kong pisnge at hinalikan ako sa noo.

"There's nothing better than yesterday. I love you more than you love me."

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now