8

52 3 0
                                    

Hindi ko pa rin sinasagot ang tanong ni Jervy.

Ayoko namang magsinungaling pero ayoko rin namang sabihin na si Galen ang sumagot ng tawag ko.

Hindi na lang ako magsasalita.

"Teka nga, kung tumawag ka kay Jervy kagabi, bakit hindi niya alam?" Sumingit na sa usapan si Coleen. Hindi na ito nakatiis pa. Pabalik-balik lang ang mga tingin nila ni Audrey sa aming dalawa ni Jervy. "Bakit hindi mo nasagot ang tawag ni Asheng?" baling niya kay Jervy.

"Hindi ko rin alam! Kahit pa nakainom ako kagabi, alam kong hindi ako ang sumagot sa tawag ni Asheng. Kaya nga nagtataka ako kung bakit nasa call history ko na sinagot ko ang call niya."

"Kung hindi ikaw, eh sino?" usisa na rin ni Audrey.

Nanatili na lang akong walang imik. Hanggang sa may apat na lalaki ang dumating sa gazebo.

"Ang aga namang suyuan 'yan!" Nakuha ng mga bagong dating ang atensyon namin.

Sila Carl, Leo, Jiro at Gabriel. Barkada ni Jervy.

Tumingin ako sa likuran nila, hinanap ko kung may kasama pa silang iba. Hindi lang kasi aapat ang kaibigan ni Jervy. More than 10 silang magbabarkada, iba pa 'yung circle of friends niya sa basketball team nila.

Ang pagdating nila sa gazebo ang siya namang ugat ng tinginan ng mga estudyanteng dumaraan.

Marami rin kasing nakakakilala sa kanilang magbabarkada. Sino ba namang hindi? Mga Anak ng politiko, businessman at professors ang nagsama-sama.

Kilalang-kilala silang lahat.

Pero hanga ako sa kanila. Kahit pa galing sila sa kilalang pamilya at nabuo ang malaking barkada nila, hindi 'yon naging dahilan para mag-hari-harian sila sa campus. Never silang na-engage sa anumang bullying issues. Sa tutuusin, halos officers nga silang lahat eh. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanila. Galing sa disenteng pamilya, gwapo at active sa academics.

"Uy! Nandito pala 'yong crush ko!" Tila nabuhayan si Jiro nang makita si Coleen sa tabi ko. "Hi, Coleen! I-cru-crushback mo na ba ako?"

Sumiksik siya sa gitna nila Leo at Gab para makadaan. Nang makitang bakante sa tabi ni Coleen, naupo ito roon.

"Pwede ba, Jiro? Tigil-tigilan mo ako, ha!" pagsusungit ng kaibigan ko.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Jiro.

"Kawawa ka naman, Jiro." Umeksena naman ngayon si Gab. "Buti pa ako, hindi sinusungitan ni Audrey."

Gaya ni Jiro, naupo rin si Gab sa tabi ng isa ko pang kaibigan. Pinaggitnaan kasi nila akong dalawa kaya bakante ang magkabilang side nila Coleen at Audrey.

"Why would I?" mahinhing wika naman ni Audrey.

Alam na namin kung saan papunta ang usapan ng dalawang 'to.

"So, are you free tonight?" Sa tono ng boses ni Gab, may pinapahiwatig ito sa kaibigan ko kahit hindi niya ito direktahin.

Na-gets naman agad ni Audrey.

Ngumiti ito. "Yeah, sure! Still at your condo?"

Ang landi ng boses ng kaibigan ko kaya naman palihim ko itong kinurot sa tagiliran niya. Bumaling ito sa akin at sabay bulong. "What? I know what I'm doing kaya no worries! As if ako ang unang ma-fa-fall?"

Bumalik siya sa pakikipagharutan kay Gab.

Matagal nang interesado si Audrey rito kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon no'ng nagpapansin sa kaniya si Gab. Mabilis naman silang nagkasundo, ito nga at ilang beses nang naulit ang paglabas nilang dalawa. Pero binibilinan pa rin namin ang kaibigan namin na huwag masiyadong nagpapaniwala kay Gab. Kalat sa campus na marami na siyang pinaiyak na babae dahil sa umasa ang mga ito na may mapupuntahan ang pakikipag-fling ni Gab sa kanila. Naku! Sana ay huwag niyang idagdag sa listahan si Audrey! Pero may tiwala naman kami kay Audrey. Magaling din kasi 'yon sumakay sa mga trip ng lalaki. Hindi rin 'yon basta-basta nagpapauto. Baka nga sa huli, si Gab pa ang maghabol sa kaniya. Sabi nga naming lahat, nakahanap na yata ng katapat si Gab.

Living Under The Same RoofWhere stories live. Discover now