yung feeling na #10

166 7 0
                                    

--

yung feeling na nasa kalagitnaan kayo ng test tapos bigla nawalan ng tinta yung ballpen mo..

"shoooocks, lagi nalang hindi tumatagal sakin ang ballpen." Bulong mo sa sarili.

Tapos magtatanong ka sa kaklase mo, "May ballpen ka pa?"

Makikita mo yung teacher nakatingin sayo, akala naman eh nagtatanong ka ng sagot.

Ma'am ballpen lang po tinatanong ko. >____<

Masaklap pa, sagot ng kaklase mo .. "wala eh."

"Kahit blue? O kaya red? Kahit anong kulay wala?"

Tapos umiling siya.

Waaaaah. Anong pansusulat ko?!

"Kahit lapis nalang, meron ka ba?"

"Ah. Meron yata. Teka.."

Woooooh! Salamat namaaaaaan!

"Oh!" Sabay abot ng kaklase mo at sagot ulet sa test.

"May gagamitin na ako!" Bulong mo sa sarili.

Pero pagtingin mo sa lapis, mapurol na halos walang tasa .. Peste :/

Akala mo makakapagsagot ka na.

Nung una ballpen kelangan mo, ngayon maghahanap ka naman ng pantasa.

Hindi mo tuloy masagutan yung test. Anong petsa ka pa matatapos.

Nganga nalang friend. XD

Yung feeling na..Where stories live. Discover now