Kabanata 3

89 6 0
                                    

Nagtaka sila Mama dahil bakit daw ako umuwi eh may baon naman daw ako.

"Half day lang po kasi Ma." Sabi ko.

"Ganun ba? Mabuti naman para kahit papano ay may pahinga ka din." Mama said mas mabuti kung si Mama ang magpapahinga kasi pagod na siya sa pananahi at pagbabantay sa dalawang bata. Kahit papano ay makapag relax manlang siya.

"Ma, ako na bahala dito pati sa dalawa, pahinga ka muna sa kwarto." I said habang kumakain ng tanghalian.

"Pagod ka sa school nak."

"Ma okay lang po, kesa naman ikaw ang makita kong pagod dyan, mabuti ng ako ang mapagod wag lang po ikaw." Sincere kong sambit na parang maiiyak pa si Mama.

Niyakap niya muna ako bago siya pumunta sa kwarto at lumabas yung dalawa dahil alam nilang magpapahinga si Mama.

"Kuya, pasalubong." Bungad nilang dalawa.

"Wala, pero bibili nalang tayo mamaya, ano ba ang gusto niyo?"

Ngumiti naman sila at nagtatalon sa saya.

"Ice cream!!!" Sigaw nilang dalawa, ang kukulit talaga.

"Yun ba? Sige mamaya pag tapos kong kumain, pero bago yun ayusin niyo muna yung sala." Utos ko na agad naman nilang sinunod. Pagtapos kong kumain at dinayagan ko na rin ang mga natitirang hugasin sa lababo.

Nagpahinga lang ako saglit at agad kong tinawag yung dalawa.

"Magsuot kayo ng sombrero at magdala ng payong, mainit pa naman."

Nakuha namin ang pagiging maputi dahil kay Mama kaya minsan nasasabihan kami ng may lahi daw ba kami. Hindi rin naman ako masyadong palabas kaya siguro ganto ang kulay ko.

Pagkalabas namin ay tahimik ang daanan siguro ay natutulog ang mga tao.

"Kuya! Look ang cute nung dog." Turo nila sa asong kulay brown.

"No baka kagatin kayo nyan." Sabi ko.

Tumingin ako sa asong maliit at parang nagugutom at pinabayaan. Naawa ako kaya naman nilapitan ko at sumunod yung dalawang sayang saya.

"Dalhin kaya natin sa bahay." Sabi ko sa dalawa na agad naman tumango. Total at malapit palang naman kami sa bahay ay dinala na muna namin sa bahay at binigyan ng makakain tsaka kami pumunta sa tindahan para bumili ng ice cream. Kami na ngayon ang bagong owner nung aso na yun.

Bumili ako ng ice cream na nasa isang malaking lalagyan na para kung gusto ni Mama ay makakain siya Chocolate at Cookies ang flavor tig isa. Pag ka balik namin sa bahay ay agad silang pumunta sa aso at hinawak hawakan.

"Parini na kayo, kumain na kayo ng ice cream, pero mag hugas na muna kayo ng kamay." Sumunod din naman agad sila at yung aso ay sumunod din, ang cute.

"At ikaw naman hmm... lilinisan muna kita, bawal ka pang maligo kaya pupunasan nalang kita." Binuhat ko yung aso at dinala sa kwarto, ang cute brown na brown siya na makapal ang buhok, siguro may lahi ito.

"Ikaw na ngayon si Misky." Ang cute nung name bigla nalang kasi pumasok sa isip ko.

Pag ka tapos kong linisan, ay lumabas na ako ng kwarto at sumunod din si Misky.

"Josia and Kyler ang name nung aso ay Misky ha!"

"Bakit Misky Kuya? Bakit hindi nalang Batman? Spiderman? Superman?" Tanong ni Kyler.

"Kasi nga hindi naman super hero si Misky eh kasi baby pa siya."

"Edi Super Baby." Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa pinagsasabi niya.

Burning Desire (Desire#1)Where stories live. Discover now