Chapter 2 ♥

9.5K 55 12
                                    

---

When I Come Across Your Heart ♥

Chapter 2

Written by CuteChubbyMe♪

---


Mika's POV

"Hey Yeye, uy ? hoy!" 

Napalingon ako sa likod ko.  Best friend Ara ko talaga oh, ang kulit.

"Ang aga-aga tulala ka, yung totoo best, nag almusal ka ba o humithit ka na naman ng paminta?"

"LOKA! May naalala lang humithit na agad ng paminta?" 

Shunga talaga tong best Ara ko.  Minsan napapaisip na lang ako na bakit itong babaeng baliw na 'to pa naging best friend ko.  Pero hmp! Super thankful ako kay Papa God na siya pa din ibinigay sakin. Lovable kaya 'tong si Ara. super duper to the highest level. 

"Ano ? Yung batang lalaking naka-blue na naman yung naaalala mo.  Nakakatampo ka na ah, ako nakakalimutan mo tapos yung avatar na yun kung makabisita jan sa utak mo wagas. "  painis niyang sabi

"Haha! Grabe ka naman best, nagtampo na agad, eh ikaw nga si Torres na lang bukang bibig mo parati eh"

 Akala mo ha Victonara hindi kita babawian ha , hmmp. Hahahaha

"Hoy hindi naman parati. always lang! " sagot ni Ara.

"Achuchu .. kaya kayo nachichika dito sa campus nyang si Thomas eh, kung makareak ka naman kasi parang kayo na " 
 

" Y-U-C-K . YUCK! ano ba best, alam mo namang trip lang yun. Ako ?! Magkagusto dyan kay Torres, hmmp , kapag si Victonara Salas Galang natutong mag basketball saka ko lang siya magugustuhan" 

" Okay okay, ang laking tawa ko talaga pag lang yang mga sinasabi mo kabaligtaran ang kalalabasan" pang aasar ko. 

" whatever -_- "

" haha! nainis .."  lalo ko pang pang-aasar kay Ara.

"Hindi ah.. so ano ? Ginagambala ka na naman nyang avatar mo? Ang tagal na nyan ah .. jusme best 10 years old pa lang tayo nun, eh gurang ka na eh. Wala ka pa bang balak hanapin yun?"

" Makapagsalita naman to parang siya hindi gurang.  well best, saan ko ba siya mahahanap ? Eh ni hindi ko man lang alam name nya, kung saan siya nakatira. Itong panyo na 'to lang ang naiwan niya sa akin."  

And yes, araw araw kong dala dala tong panyong binigay sakin nung batang may initials na KIR. Hindi ko ito inaalis sa aking paningin. Ako nag lalaba nito at nag paplantsa.  Hindi ko to pinapahawak sa iba. 

"Hirap ng sitwasyon mo bakla eh.  Pano mo sya hahanapin nyan ? Ni hindi mo nga alam kung may girlfriend na yun eh" 

Oo nga ano? bakit ko ba siya hinihintay at hinahanap? Pano nga kung may girlfriend na sya? napaisip ako. 

" Ano naman kung may girl friend na sya ? Hinahanap ko lang naman siya para magpasalamat ulit eh" dipensa ko. 

" Utut mo! sino inuuto mo? Ako ?! My god ! For eight years naghintay ka para lang magpasalamat ulit sa lalaking hindi mo kilala? Wag ako huy!" ani Ara.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakakainis. Parati na lang tama ang sinasabi niya. Ayokong aminin na na-fall ako sa batang lalaki na yun. Gusto ko ulit siyang makita. Makilala. Makapagpasalamat at . . . . . . maging .. 

maging ..

maging kaibigan? 

Yun nga lang ba ? Ang hirap nito! 


Tinabihan ako ni Ara at tinapik ang balikat ko, at sabay sabing

"Kung ako sayo, mag simula ka ng hanapin sya habang maaga pa, dahil baka mag sisi ka pag nakita mong may nag mamay-ari na sa kanya." 


---

When I Come Across Your Heart ♥

Chapter 2

Written by CuteChubbyMe♪

---

When I Come Across Your Heart ( ON HOLD)Where stories live. Discover now