Ngumiti sa akin si Blake at hinalikan ako sa noo at niyakap ako.

Pinipigilan kong huwag umiyak sa harapan n'ya. Napayakap na lang din ako sa kan'ya.

"Kuya!— Oh sorry." Natawa ako sa reaction ni Noah dahil tinakpan pa talaga ang mata niya habang nakatayo sa harapan namin.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Blake at tinulak s'ya.

"A-aray!" Napasigaw si Blake. Lumingon ako sa kan'ya. Napalakas ata itong tulak ko.

Humagikgik naman si Noah at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas ng bahay.

Sinenyasan ako ni Noah na lumuhod. Ano na naman trip ng batang 'to? Sumunod na lang ako sa kan'ya. Pagkaluhod nang pagkaluhod ko nagulat ako kasi bigla akong hinalikan ni Noah sa noo sabay ngiti sa akin.

Kinurot ko ang pisnge ni Noah. Manang-mana talaga sa kuya n'ya.

"Let's go." Lumingon kaming dalawa ni Noah.

Nakita ko si Blake na nakapamulsa lumapit s'ya kay Noah at ginulo ang buhok.

Hinatid ko sila hanggang gate. Nang tumalikod na sila sa akin nang biglang lumingon si Blake.

"I know Lucas is important to you. I want to remain with you, my lady. Don't waste your time. Try to make memories with Lucas." Kaninang pinipigil ko ang luha ko.

Ngayon hindi ko na kaya.

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng lalaki. Akala ko no'ng una magseselos s'ya kay Lucas. Pero initindi n'ya kung ano meron lang sa amin.

Kung hindi ang pagkakaibigan namin ni Lucas.

"I'm just here, always here." Lumapit si Blake sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb finger n'ya.

Niyakap ako ng dalawa.

—————

"Zamara?"

"Zamara?!"

"Hoy Zamara ano ba?!"

"H-huh?" Lumingon ako kay Alexis na nagtataka.

"Anon huh?! Kanina pa kita kinakausap!" Inirapan n'ya ako at tinabihan ako.

Na sa school kami ngayon. P.e namin kaya na sa labas kami ng room. Kapag kasi p.e lahat ng hawak ng teacher namin sa p.e ay pinagsasabay niya. Kaya itong si Alexis malakas loob na tabihan ako kahit iba ang section n'ya.

"May problema ba?" Nag aalala n'yang tanong.

Napa angat kami ng tingin nang may nag abot sa harapan ko ng tubig.

"I-ikaw? T-teka? P-pano?" Halos mautal na si Alexis nang makita niya si Blake.

Nang kunin ko ang tubig agad naman umalis si Blake at pumila. Mag kaiba kasi ang pila namin. Hiniwalay ni sir ang babae at lalaki.

"Boyfriend mo?! Akala ko ba NBSB ka?!" Umirap ako sa sinabi n'ya.

"Dati yon." Maikli kong sabi at uminom ng tubig.

Nabulunan ako dahil biglang tumili si Alexis.

Nagpalinga-linga ako sa paligid baka makita kami ni sir baka ibagsak pa ako dahil sa kabaliwan nito.

"Ang daya! Hindi lang tayo nagkita nang ilang buwan tapos may boyfriend ka na?! Infairness ang gwapo ha!" Halos masira na tong suot kong tshirt kakahila n'ya.

Tumayo kaming lahat nang pumito na si sir. Senyales na mag sisimula na ang laro.

Pumila na kaming lahat.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now