Prologue

380 35 17
                                    

VAI.

Nagising ako sa putukan ng mga bala. I squinted my eyes and held my ears as tightly as I could until the noise stopped. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan habang pinapatahimik ko ang ingay na nagmula sa aking mga tenga.

Nang wala na akong marinig ay dahan-dahan ang pagtanggal ko sa mga kamay mula sa mga tenga, sa takot na baka marinig kong muli ang mga ingay.

I breathed as deep as I could when I realized the noise was over.

I looked over at my bedside table and realized I overslept. Inis akong bumangon at pumunta sa banyo upang makapag-ayos.

Matapos kong maghilamos ay napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin habang inaalala ang ingay sa aking paggising.

I sighed. When I was fifteen years old, I developed a unique sickness wherein I would hear guns and bombs in my sleep. Hanggang sa naging eighteen ako ay hindi na nawala sa buhay ko ang ingay ng mga bala ng baril at tunog ng pagsabog ng mga bomba.

At first, I thought it was a trauma I developed when I had a car accident. Pero nung tumagal ay hindi ko na lang binigyang pansin na ang aksidenteng iyon ang dahilan sa sakit kong ito. Well, I can't even call this a sickness. Since when did you knew a person who suddenly hears such scary noises during her sleep?

After fixing myself, I decided to go downstairs. Hindi na ako nagtaka pa nang makita ko si Uncle Drew na nagkakape sa sala.

"Good morning, Vai. How was your sleep?" Bati niya.

"Good morning, Uncle. Same old sleep." Sagot ko rito bago nagtungo sa kusina upang kumuha ng nutella at tinapay.

Kunot-noo si Uncle nang bumalik ako sa sala. "Hindi pa rin nawawala ang ingay?"

I sighed and nodded. "Permanente na ata 'tong sakit na 'to."

Bukod sa aking doctor ay si Uncle Drew lang ang may alam na may ganito ako.

Mas lalong kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. What's with him? Mas lalo pa akong nagtaka nang umiling siya sa sarili niya at hindi na ako sinagot pa.

Sa halip ay nagtanong siyang muli.

"Do you want to transfer schools?"

I halted. Ako naman ang kunot ang noo. "Para saan? Hindi naman na kailangan, Uncle. I am a Dean's Lister and an achiever in my school. Saka, life is peaceful at school. Wala namang bullies o ano. Wala naman sigurong ibang rason para mag-transfer pa ako."

Tumango-tango siya sa sagot ko but his words say otherwise. "Let's just say, this school is what's best for you."

"Saang school po ba?"

He just shrugged.

I find it him so weird for that. Pero hindi ko na pinansin, maybe he was just playing a prank on me or something. Minsan talaga, wala nang magawa ang mga matatanda.

Naging abala ako sa pag-aayos para pumasok sa skwela kaya't hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin ang naging konbersasyon naming iyon ni Uncle. I know him, if he wanted to tell me something then he'll tell it directly.

Matapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba akong muli sa sala kung saan ay hindi ko na nakita pa si Uncle. Sa mga oras na ito ay alam kong nasa office niya siya kaya doon ako nagtungo upang magpaalam.

Ngunit sa kasamaang palad ay mayroon siyang kausap sa telepono dahilan para pinili ko na lamang na umalis.

"Hindi ba sinabi mo ay mawawala lang din iyon sa kanya sa oras na nasa legal na siyang pag-eedad?"

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now