Chapter Forty Six

Zacznij od początku
                                    

"E, di young."

"Ganyan." Umirap ito kay Kiefer at ngumiti ulit sa kanya. "Hindi ko alam ang nakita mo sa anak ko, hija. Pero tiisin mo na lang."

Umungol si Kiefer.

"Nakakapagtiis naman po ako."

"Buti naman, hija. Minsan talaga lumalabas sa kanya 'yong side effect ng expired na gatas noong baby pa siya."

"Mom!" pagprotesta ng lalaki. Ang lakas ng tawa niya.

Niyaya na siya ng ginang patungo sa dining room. Halata na pinaghandaan talaga nito ang pagdating niya. Na-overwhelm si Shamcey. Malayo ito sa inaasahan niya na magiging pagtanggap sa kanya ng babae.

She like her spirit. Parang buhay na buhay ang paligid sa mga banat nito at halakhak. Dito nga yata nagmana si Kiefer.

"Hija, wag ka mahihiya sa akin. Kumain ka lang. Gusto mo ba ang food?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Nakasarap po.."

"Ako ang nagluto n'yan. Minsan dalaw-dalawin mo ako dito kahit hindi mo kasama itong anak ko para matikman mo mga luto ko, hija."

"No need, mom." biglang tumikhim si Kiefer. Napatingin sila dito. Namumungay ang mata ng lalaki.

"Lagi namang natitikman ni Shamcey ang pinakamasarap na nagawa n'yo."

Napakunot-noo sila ng ina nito. "Wow, may natikman na ba si Shamcey na luto ko before?"

"Ofcourse. Me." he winked at her.

"Oh." Humalakhak si Mrs. Montejo.

Naipatak niya ang kutsara sa pagkagulat sa banat nito. Namumulang sinamaan niya ng tingin si Kiefer. Sa harap pa talaga ng pagkain!

Akmang pupulutin niya ang kutsara. Inunahan na siya ni Kiefer. "Let me."

Di siya mapatili habang nakaupo. Parang lahat ng parte niya ay namumula sa kapilyuhan nito. Inabot ni Kiefer sa paanan niya ang nahulog na spoon. Pero sa muling pagkagulat niya, naramdaman niya ang kamay nito sa binti niya. Humahaplos na umakyat hanggang sa naka-exposed na legs niya.

Nahigit niya ang hininga kasabay ng pagdagsa ng kiliti dulot ng haplos nito. Tila nabuhay ang bawat pandama niya sa katawan. Naging sensitibo iyon sa simpleng pagsagi ng daliri nito sa balat niya. Gumaganti ba ito sa ginawa niya kanina? How ungrateful.

Namumula ang mukhang pinandilatan niya ito. Tumayo si Kiefer at ikinuha siya nito ng bagong kutsara. Habang di pa bumabalik ang lalaki, nagpatuloy sa pag-uusisa si Mrs. Montejo.

"Mga ilang buwan na ba kayong magkasintahan ni Kiefer, hija?" tanong nito sa kanya.

"Wala pa naman pong buwan. Mga three weeks pa or more pa lang po, Tita."

"Oh.." parang nagulat ang ginang.

Nahihiyang ngumiti siya dito.

"Oh. That's okay. Don't feel ashamed about it. Hindi naman 'yan nasusukat kung gaano kayo katagal o kabilis.. Mahalaga, maaga mo pa alam mo kung okay talaga ang relasyon. Because it's about the time, it's about the assurance, the commitment.. Ofcourse, the faithfulness." madiing binanggit nito ang huling salita na parang may ibang tinutukoy. Bahagya siyang napakunot-noo doon.

"So, kailan kayo nagkakilala ni Kiefer?" usisa pa nito.

Di alam ni Shamcey kung paano 'yun sasagutin. Sabihin ba niya may apat na linggo na rin? May buwan na din.

"May one month na, Ma." Si Kiefer na ang sumagot sa kanya.

"ONE MONTH?" Napanganga si Mrs. Montejo na napatingin sa anak nito. Ang walanghiya, parang proud pa. Umupo ulit sa tabi niya. Pinisil nito ang kamay niya na parang sinasabing 'okay lang 'yan'.

"Ang bilis mo nga anak." Napainom ng tubig ang ginang habang nakatingin sa anak nito.

"Huwag na rin kayo magtaka mom kung mabigyan ko din kayo agad ng apo." Kumindat ito sa kanya. Siya naman ang napainom ng tubig.

"HIJA, basta pag may free time ka, pwede mo akong dalaw-dalawin dito sa bahay."

"Opo, Tita." Nakangiting tinanggap niya ang mahigpit na yakap ng ina ni Kiefer. Nakaka-overwhelm ang pagtanggap ng ginang sa kanya. Malayo talaga 'yun sa inaasahan niya. Palibhasa masyado rin siyang kinain ng mga napanood sa teleserye noon.

"Mom, aalis na kami."

"Mag-ingat ka, 'nak. Ingatan mo si Shamcey at ang future ng pagiging lola ko ha?"

Tumawa ang binata nang makita ang pamumula niya. Seryoso ba talaga ito? Nahihiya nga siya na wala pa silang month. Tapos nagbabalak pa itong buntisin siya? At nakalimutan yata nito na nagpi-pills siya.

"Sige, Ma. Iingatan ko."

"Mag-ingat kayong dalawa."

Sumakay na sila sa kotse ng lalaki. Napakasarap sa feeling after na makilala ang ina nito. Nakangiti siya habang inihahatid siya ng binata pauwi. Napansin ni Kiefer iyon.

"Ang ganda ng ngiti mo. May sinabi ba ang mom ko na di ko alam?"

"Wala naman. Masaya lang ako na ma-meet siya. Di ko na inexpect na ganoon siya kabait. Inexpect ko mala-Miss Minchin."

"Ah, Miss Minchin pala. Sasabihin ko nga.."

"Uy! Ito naman!"

Malakas na tumawa ito. Pagkatapos ay sumeryoso ito. "So, do you like my mom?"

Tumango siya. "Kahit sino magugustuhan ang mama mo. Ang swerte ng magiging daughter-in-law niya."

"Maswerte ka." Sumulyap ito sa kanya. Napangiti siya. Pero napansin niya ang pagbabago ng emosyon nito. May pait sa mukha nito.

"Kiefer?"

"Yeah?"

"May problema ba?" Umiling ito. "Parang napansin ko nalungkot ka," sabi niya habang nakatitig dito, hinahanap niya sa mukha nito ang emosyong nakita niya. Mabilis na naitago ng lalaki iyon.

"Wag mo pansinin 'yon. I'm just thinking about my mom.. You know, she did a lot for me, babe.. She sacrificed a lot.. and I will always be thankful to her."

"Nakakatuwa 'yong closeness nyo. Naalala ko kami ni Mama sa inyong dalawa." Kahit nawala ang Papa niya at inabandona sila, hindi nawala 'yong closeness nila nito. Parang mas lalo iyong naging dahilan para maging matibay silang mag-ina. Mas naging open sila sa isa't isa.

Kaya nagu-guilty siya ngayon na hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol kay Kiefer. Dapat sabihin na niya sa ina.

Bukas. She decided. Bukas na bukas rin ay ipapaalam na niya sa mama niya ang relasyon niya kay Kiefer.

"We're not close before," sabi ni Kiefer. "But something happened.. Something worst. Iyon 'yong naging dahilan para ma-appreciate ko na may ina ako."

Napakunot-noo siya. Hindi siya makarelate sa sinasabi nito..

"And I will always be thankful for what she did for me. Kung hindi dahil sa pagmamahal niya, siguro wala na ako ngayon dito."

---to be continued..


For more updates, follow me on IG: race.darwin

Claiming the BeautyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz