Chapter 7: Prom

29 2 1
                                    

Ready na'ko sa JS Prom at excited na'ko kasi maisasayaw ko na siya sana sa Cotillion. Pero noong inannounce na lima lang ang makakasama at wala kami doon, noong una na-disappoint ako kasi lima lang pala 'yung pipiliin, para sumayaw sa cotillion and hindi kami nasama, na-assign kami sa presentation ng Grade 9 para sa prom which is ok lang din naman para makatulong ako kay Ma'am Francis. Pero it is not what I've expected na mangyari sana, and I've expected more than that. Nahiwalay 'yung landas namin kasi hiwalay ang boys and girls sa rehearsal, ako na laging nagtuturo para sa sayaw, kahit labag sa'kin at umaasa pa rin ako'ng may magbago sa decision. Aaminin ko, it's hard to accept talaga noong una na baka wala kaming chance para makapag Cotillion. Kasi it is one of the most memorable thing sa buong buhay mo na makasayaw 'yung gusto mo'ng partner, and sinabi rin 'yan mismo ni Sir Reggie, so medyo nakaka-dissapoint pero humanap pa rin ako ng way. Nakita ko sa schedule ng Prom noong 'binigay ito sa'min ni Sir Will na mayroon nakalagay na "Social Dance" so tumaas 'yung hopes ko na makakasayaw ko pa siya. So pinagpatuloy ko lang 'yung practice namin sa presentation. Ilang beses din ako'ng inaya ni Sir Reggie para sa Cotillion, pero tumanggi ako dahil hindi siya 'yung kapartner ko, gusto ko kasi siya lang, and inaya ko na kasi siya so I wouldn't break a parang promise na rin, and gusto ko rin tulungan si Rapha sa pag-handle ng presentation so nagstay ako.

Kinausap ko ng masinsinan si Sir Reggie ng kami lang dalawa, about doon "na ayaw ko magcotillion kapag hindi siya 'yung magiging partner ko", kasi na-bring up niya 'yung topic during nag-uusap kami and sinabi ko sakaniya na..

L :Inaya ko na po kasi si Vanessa para isayaw siya, so ayaw ko na po ng ibang partner sir, gusto ko po, siya lang, kasi medyo nakakaano naman po 'yun sakaniya, if siya 'yung inaya ko tapos iba 'yung magiging partner ko.

Pinagisipan niya ng matagal ito at ipinaglaban ko talaga kay Sir Reggie 'yun and for me hindi naman sa pagiging desperate and selfless pero siguro maintindihan din ng iba 'yung situation ko, pati na rin 'yung ibang students na nagrerequest na gusto rin sumama sa Cotillion..

A few days later, inannounce ni Sir Reggie na may nagbago sa decision at nirequest niya sa Principal na ihihiwalay na 'yung Grade 9 sa ibang batch para mapagbigyan ng chance 'yung mga anak niya na maisayaw 'yung mga gusto nila.

Before ko pa malaman 'yung announcement, tinawag na 'agad ako ng mga kaibigan ko sa room nila para ipakita 'yung mga mag partners na nakasulat na sa board, dahil mas mauuna 'yung class ni Sir Reggie sakanila, kaysa sa'min. Nakita ko na si Vanessa 'yung nakatapat sa'kin, sobrang kinikilig na naman ako at hindi ako makapaniwala, daddy knows what's best talaga. So sobrang thankful ko sa ama ko dahil, pinagbigyan niya ako na makasama siya sa isa sa magiging pinaka best memorable moments sa buong buhay ko.

So pagbalik ko ng room namin, nandoon na si Sir Reggie at nagstart na kami ng class and namention niya rin 'yun samin pero alam ko na. Tapos habang nilalagay 'yung name ko na kasama siya, kilig na kilig ako pati rin 'yung mga classmates ko. Doon talaga start na kumalat na, na siya 'yung mystery crush ko. After ng class namin diretso practice na para sa unang rehearsal ng sayaw. Before noon, wala pa sila noon so 'yung kaibigan ko munang si Corrine ang naging partner ko  temporarily and medyo hindi siya makapit sa kamay ko, pero ok lang sa'kin kasi hindi pa naman 'yun 'yung partner ko. Pag pasok nila ng room para magpractice na rin, siya 'agad 'yung hinanap ko, tapos nung nakita ko na siya medyo nahihiya pa'kong lumapit sakaniya, pero lumapit pa rin ako kasi kailangan eh.

Kami na 'yung magkatapat and reset uli' sa umpisa para magets ng mga bagong dating. Pagkalapit at pagkahawak niya sa'kin, nanginig na naman 'yung buhay ko and kinilig ako dahil ang higpit nang kapit niya sa kamay ko. So ayun na-enjoy ko 'yung practice dahil most of the time, magkalapit kami and maraming beses kami nagtatawanan na parang mga bata. Sobrang nakaka-excite lang din kasi sa mga sumunod na araw makakapagpractice pa kami at makakasama ko pa siya.

HaranaWhere stories live. Discover now